PROLOGUE
PROLOGUE
** Dylan Point of View **
“Where am I? Why is it dark? Did someone turned the lights off?” nagising ako at wala akong ibang makita kundi ang dilim. Bakit wala akong makita? Bakit hindi ako makakita? Tumayo ako at kinapa ang nasa paligid ko pero wala pa rin akong makitang kahit ano.
“What the hell?” ramdam ko ang pamamanhid ng kamay ko. ‘Ano ‘yung nahawakan ko? Where the hell I am?’ Anong nangyari sa mga mata ko? Nasaan si Kaira? Nasaan ang girl friend ko?
“Sir, huminahon po kayo –“ Sino ‘yun? Bakit hindi ko makita ang kasama ko ngayon? Bakit wala akong kahit anong nakikita? Nasaan ako?
“Bakit hindi ako makakita? Sino ka? Anong ginagawa mo?!” hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko mabilang kung ilan sila lahat na nandito sa kwarto ko pero isa lang ang nasisiguro ko, pinipigilan nila ako. Inaawat nila ako na para bang isa akong baliw na nakawala sa hospital. “Bakit ayaw niyong sumagot? Nasaan ako? Sino kayo!?” may tinurok siya sa kamay ko at pilit akong pinapahiga. “Anong ginagawa niyo –“
“Son, son!” narinig ko ang boses ng aking ina. Agad niyang hinawakan ang kamay ko kaya dali-dali kong niyakap ito. “Calm down, son.” Umiiyak na wika ng aking ina. Bakit pati si mommy ay hindi ko makita? Anong nangyari sa mga mata ko?
“Mom, why are you crying? Bakit ako nandito? Anong nangyari?” kinakabahan kong tanong. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kung bakit ako napadpad sa lugar na ‘to. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. Ngunit bakit ako napadpad sa rito? Pilit kong inaalala ang mga nangyari. Si Kaira, ang kotse, ang motor, ang truck, ang ingay na nangibabaw bago ako nawalan ng malay.
“Son, naaksidente kayo –“ At unti-unti kong naalala ang mga nangyari kanina. Kasama ko lang siya kanina, nasa kotse kami habang nag-uusap. Hawak ko ang kamay niya, naalala ko pang hinalikan ang mga kamay niya habang nagmamaneho papunta sa Acquaintance Party ng University. Sabay sana kaming papasok ngayon sa iskwelahan kung saan gaganapin ang pagtitipon nang biglang nangyari ang bagay na ‘yun. Naalala ko pa ang mga ngiti niya, ang mga titig niya at ang haplos niya.
Halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni mommy. Hawak niya ang kamay ko at may kung ano siyang sinasabi pero para akong wala sa sarili ko habang nakikinig sa mga salitang binitawan niya. Alam kong may sinasabi siya, rinig ko ring binabanggit niya ang pangalan ko pero lahat ng sinasabi niya ay parang hanging pumasok lang sa tenga ko. Wala akong maintindihan, ayokong intindihin lahat ng sinasabi niya. Hindi totoo ang mga bagay na ‘to. Hindi ‘to mamaari.
“Mom, nasaan si Kaira?” tanong ko sa ‘kin ina. Narinig ko siyang napahagulgol kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Sana panaginip lang ‘to, sana hindi ‘to totoo, sana magising na ako. “Mom, tell me. Nasaan siya? Bakit wala siya rito? Bakit hindi niyo siya kasama? Bakit hindi kita makita, Mom, please –“ naramdaman ko ang isang nurse na pinipigilan ako pero pinilit kong tumayo. Nasaan ka Kyra Ayn?! Nasaan ka mahal ko?
Bigla akong nakaramdam ng panghihina sa katawan ko, bigla akong nakaramdam ng antok na para bang pabigat nang pabigat ang mga mata ko. Ilang sandali pa ay muli akong nilamon ng antok, ilang salita pa ang narinig ko sa aking ina na hiniling ko na lang na sana ay panaginip lang ang lahat ng mga nangyari.
“She’s gone, son. She’s no longer with us.” Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha sa ‘king mga mata.
Kaira, please don’t leave me.
**
“Kaira! Com ‘on! Male-late na tayo!” sigaw ko sa labas habang hinihintay siya sa harap ng kotse ko. Ang sabi niya sunduin ko siya ng maaga tapos anong oras na ngayon, hindi pa rin siya tapos?
“Sandali lang naman, Dylan!” nang lingunin ko siya ay hawak niya ang pouch niya sa kabila at ang isang kamay niya ay nakahawak sa dulo ng suot niyang gown. Napahinto ako habang nakatitig sa kanya. A beautiful girl with porcelain white skin, black shoulder length hair and glowing brown eyes. Eyes that are looking at mine, full of love and excitement. This girl was mine. Mine alone. “Ano? Na-starstruck ka na naman? Relax, ako lang ‘to.”
“Psh! Get it,” pinagbuksan ko siya ng pinto saka naman siya nakangusong lumapit sa ‘kin. “What? Get in –“ ulit ko pero nabigla ako ng hilahin niya ang leeg ko papalapit sa kanya at saka hinalikan ang mga labi ko. Napapikit ako sa ginawa niya at agad na napahawak sa bewang niya. I really love this woman!
Mula noong elementary pa lamang kami ay may nararamdaman na ako sa kanya. Kahit ilang beses ko siyang tinulak palayo sa ‘kin noon ay bumabalik pa rin siya sa ‘kin. Hanggang sa nasanay na ako sa presensya niya, nasanay na akong palagi siyang nandyan, nasanay akong mahal niya ‘ko at mahal ko rin siya.
“What are you saying?” pilyang ngiti nito ng nilayo niya ang mga labi niya sa ‘kin. Para pa akong sirang hinabol ang mga labi niya. Hinawakan niya ang gilid ng labi ko at tinanggal ang lipstic na dumikit rito. “I love you, Dylan.” Ngumiti ako sa kanya at saka niyakap ang bewang niya. Inamoy ko ang leeg niya, I really love her smell. I really love everything about her. Kung pwede ko lang sana siyang kainin nang buo ay ginawa ko na. Psh! So gay.
“I love you more than you know, Kaira.” Ilang minuto yata kaming nasa ganong posisyon ng bigla siyang tumili.
“Ano ‘yun?”
“What?” inosenteng tanong ko at bumaba ang mga mata niya sa alaga ko. “Blame your self.” Saka ko siya tinalikuran dahil alam kong tutuksuhin niya na naman ako dahil sa naging reaksyon ng katawan ko. Hindi niya ako masisisi, I love her so much kaya hindi ko mapigilan na ganito ang maging reaksyon ng katawan ko, lalo na ng alaga ko.
“Ikaw ha,” umupo siya sa passenger seat saka tiningnan ako. “Simula ng may nangyari sa ‘tin halos hindi na mapigilan ‘yang alaga mo.” Napangiti ako at inayos ang seat belt niya. Hinalikan ko pa ang mga labi niya bago ako bumalik sa pagkakaupo, nakita ko siyang pangiti-ngiti sa tabi ko. Psh! Hanggang ngayon ay isip bata pa rin ang babaeng ‘to, kung may nagbago man sa relasyon naming ngayon ay ito ang pagiging mas malambing namin sa isa’t-isa. Oo, minsan may awayan at bangayan pero sa huli ay nauuwi pa rin sa lambingan.
Apat na taon.
Apat na taon na rin kaming may relasyon ni Kyra Ayn. Pareho kaming legal na sa mga magulang namin. Nagsimula kami sa pagiging mag kaibigan hanggang sa nagkaaminan. Hindi ko naman pinagsisihan na sinabi ko sa kanya ng mas maaga ang nararamdaman ko dahil mas naging masaya ang relasyon namin kumpara noon.
Kung iisipin ay napaperpekto na ng mga nangyayari sa relasyon namin at sa mga buhay namin. Napag-usapan na rin namin na sa oras na grumaduate kami sa kolehiyo ay magpapakasal kami. Pumayag din naman ang mga magulang namin sa mga gusto naming dalawa at hinayaan na nila kami. Minsan natutulog ako sa bahay nila, minsan rin siya ang natutulog sa ‘min.
“Ano na naman ‘yang iniisp mo? Mag focus ka nga sa pagda-drive!” nilingon ko siya na nakanguso habang nakatitig sa harapan. Madilim na ang paligid pero sapat lang para makita ko kung gaano siya kaganda ngayong gabi. Hinawakan ko naman ang kamay niya at huminto sa may intersection.
Nilapit ko ang mga kamay niya sa mga labi ko at hinalikan ito. Rinig ko ang mga pasimpleng tawa niya sa ginagawa ko kaya naman lumapit ako sa kanya at hinalikan ang leeg niya at pinisil ang bewang niya. Araw-araw ay napanggigigilan ko talaga ang babaeng ‘to. I can’t get enough of her. Sinong may sabing hindi kaya ng lalaking magseryoso sa isang relasyon? Kung talagang mahal nila ang babae ay hindi na nila magagawa pang manloko. Alam ko sa sarili kong hinding-hindi na ako magmamahal ng ibang babae kung hindi man lang si Kyra ang babaeng ‘yun. Siya at siya lang ang mamahalin ko.
“Dylan, stop it.” Lumayo ako nang konti sa kanya at nilagay ang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya. I touched her lips.
“I love you,” I murmured. Ngumiti siya kaya pinisil ko ang ilong niya. “Let’s go.” Humarap ako sa labas at umupo ng maayos saka pinaandar ang kotse ko.
Ngunit bago pa man namin marating ang University ay nangibabaw na ang tili ng katabi ko dahil sa mabilis na pagsalubong sa ‘min ng tatlong motorsiklo. Agad ko namang niliko ang aking manubela pero huli na dahil sa nakasalubong naming isang truck. Sobrang bilis ng mga pangyayari at maraming bubog ang nagkalat sa paligid na ‘min ni Kaira. May kung ano pang tumama sa mga mata ko bago ako tuluyan nawalan ng malay.
“Kaira?” tawag ko sa kanya pero hindi ko na siya muli pang nakita dahil nilamon na ako ng dilim.
**
“Paano na ‘tin sasabihin sa kanyang wala na si Kaira?” biglang wika ni Mommy. Nagising ako mula sa panaginip na humahabol sa ‘kin. Bakit parang isang bangungot ang nangyari? Kahawig na kahawig nito ang huling alaalang kasama ko si Kaira. Pinili kong magkunwareng tulog para mapangginggan ang pinag-uusapan nila ng taong kasama niya.
“Hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang katawan ng anak ko.” malungkot na sagot ni tita Lorraine, ang mommy ni Kaira. Naramdaman ko ang pamamanhid ng katawan ko sa muling sinabi nito, “Maaaring isa siya sa mga nasunog ng gabing ‘yun. My God, Laura, anong gagawin ko ngayong wala na ang anak ko?!” umiiyak na wika ni tita.
“Aksidente ang nangyari, Lorraine. Hindi ko rin alam papaano ko ipapaliwanag sa anak ko ang mga nangyari.” Malungkot na wika ni mom. “Hindi na makakita ang anak ko. Papaano –“
“Kung sana buhay lang ang anak ko, mas matatanggap ko pa kung nabulag na lang siya. Dios ko, Laura.” Narinig ko ang iyak at pait ng boses ni tita Lorraine habang tinatawag ang pangalan ng babaeng mahal ko.
Kung ganon hindi lang basta panaginip ang mga nakita ko kanina. Papaano na ako ngayong wala na siya? Kasalanan ko ang nangyari. Kung sana ay mas naging maingat ako, kung mas maaga ko lang nakita ang mga motorsiklo na ‘yun at kung napansin ko sana agad ang kaharap naming truck ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.
Ilang sandali pa ay muling naging tahimik ang paligid ko. Sa tingin ko ay umalis na si mommy at tita Lorraine. Minulat ko ang aking mga mata pero tulad kanina ay madilim pa rin ang nakapalibot sa ‘kin. Wala akong makita. Humarap ako sa kanan at may kung anong liwanag akong nakita kaya muli akong napapikit. Uupo sana uli ako sa ‘king higaan pero hindi ako umabot at napahiga na lang ako sa sahig.
“Bakit wala akong makita? Kaira, Kaira, mahal ko.” madilim at minsan naman ay maliwanag. ‘Yun lang ang nakikita ko at bukod don ay wala na akong makita. Siguro ito na rin ang kaparusahan ko. Pinaparusahan siguro ako ngayon dahil sa pagkawala ng babaeng mahal ko. Ako ang may kasalanan, ito ang hatol sa ‘kin.
Kaira, kaira.
Kahit anong tawag ko sa pangalan niya ay hindi ko na siya muli pang makikita, hindi na ako muling makikita. Ito ba ang gusto mo mahal ko? Napangiti ako habang kinakausap ang sarili ko. Siguro ayaw niyang tumingin ako sa iba kaya iniwan niya ako sa lugar kung saan kadiliman lang ang nakikita ko, pero sana nga sinama niya na lang ako kung nasaan man siya ngayon.
“Anong gagawin ko ngayon, Kaira?” Papaano ko ipagpapatuloy ang buhay ko ngayong wala ka na? Mula noong mga bata pa lang tayo, ikaw na ang kasama ko, ikaw lang Kaira. Bakit mo ko iniwan? Hindi ko namamalayang napaiyak na lang ako habang binabanggit ang pangalan ng babaeng mahal ko.
“Kaira,” tawag kong muli sa kanya. “Kaira, mahal ko.”
“Son! Oh my God! Son, bakit nakahiga ka sa sahig?” agad na tinawag ni mommy ang nurse ngunit tulad kanina ay wala na akong pakialam. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako binuhay ng Diyos ngayon alam niyang wala ako kung walang Kaira.
“Son, please.” Tinulungan ako ng nurse na tumayo at pinaupo sa kung saan ako nakahiga kanina. “Okay ka lang ba? Anak, ano ba?” umiiyak na wika ng aking ina pero kahit saan ko tingnan ay hindi ko siya makita. Hinawakan niya ang kamay ko at nilapit ito sa pisngi niya. “I’m here, son. Hindi kita iiwan, anak.”
Ramdam ko ang lungkot sa boses ng ina ko pero wala ng mas lulungkot pa sa nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.
‘Kaira? Mahal ko.’ Kahit ilang beses ko na siyang tinawag sa isipan ko ay hindi pa rin siya bumabalik. Gusto ko siyang hawakan at yakapin pero paano ko ulit magagawa ang bagay na ‘yun?
“Kasalanan ko lahat ng ‘to, mom.” Naramdaman kong umiling si mommy kaya hinigit ko ang kamay ko saka kinapa ang kamang inuupuan ko at dahan-dahang humiga. Inalalayan naman ako ni mommy pero sa mga oras na ‘to ay wala akong ibang gustong gawin kundi matulog at sana lang paggising ko ay panaginip lang ang lahat ng ‘to.
“Don’t worry, son. We’re here. Darating ang daddy mo ngayon at ipapagamot ka namin. Please, son.” Hinawakan niya ang pisngi ko pero umiling lang ako.
“Mom,” tawag ko sa ‘king ina, “Mas gusto kong ganito na lang.” hinawakan ko ang nakapikit na mata ko, “Mas mabuti ngang ganito na lang. ‘Yung tipong wala akong ibang makita kundi si Kyra lang.” hindi na muling nagsalita pa si mommy. Wala nang saysay ang mga mata ko kung wala na ang babaeng gustong makita nito. “Wala na akong ibang makikitang babae kundi si Kyra Ayn lang, mom.” Hindi ko man nakikita pero alam kong umiiyak si mom. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung ito ang gusto ni Kyra na mangyari sa ‘kin, sige. Ipapakita ko sa kanya ang buhay ko kung wala siya.
I closed my eyes.
“Please,” bulong ko. ‘Kaira, please, bumalik ka.’
**
** JAMIRACLE Point of View **
“At sino na naman ‘yang babaeng kasama mo, ha?!” nilayo ko ang tenga ko sa cellphone na hawak ko.
“Mommy, girl friend ko nga siya –“
“Girl friend mo tapos ang sabi mo dadalhin mo rito na naka-comatose? Okay ka lang bang bata ka, ha? Asaan ang mga magulang niyan, ha” tiningnan ko naman si Ayn na nakahiga sa kama ko.
Ang totoo niyan ay hindi ko kilala ang babaeng ‘to. Basta na lang kasi silang iniwan ng mga kasamahan namin sa motorcycle club nang mabangga ang kotse nito sa isang truck. Hindi ko alam kung sa kotse ba siya nakasakay o sa loob ng truck o naglalakad lang sa daan pero base sa suot niyang gown ay paniguradong may dadaluhan itong party bago ang aksidente.
*
Bakit ko nga ba siya niligtas? Wala naman talaga akong planong iligtas siya sa gitna ng daan. Bigla na lang kasi siyang naggising at hinawakan ang pantalon ko. Nang tiningnan ko siya ay nakatitig siya sa ‘kin kaya umupo ako para marinig ang sinasabi niya.
‘Help me,’ bulong niya. Ilang minuto akong nakatitig sa mga mata niya hanggang sa narinig ko tunog ng ambulansya at bombero na papalapit sa truck na umaapoy na. Malayo ang pwesto namin mula sa lugar ng pinangyarihan kaya halos walang makapansin sa ‘kin nang sinakay ko siya sa kotse ko habang si Marcus naman ang nagmaneho ng motor ko.
‘Nababaliw ka na, Jamir.” Napailing na lang ako at tiningnan ang babaeng walang malay sa tabi ko.
“Hey?” hindi siya gumalaw kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya dinala sa hospital at tinahak ang unit ko kung saan ako namamalagi ngayon. Agad kong tinawagan ang doctor para gamutin ang dalaga at saka ko sinabing ilihim ang mga nangyari ngayon.
*
Muling bumalik ang atensyon ko sa taong kausap ko na kulang na lang ay lumabas siya sa cellphone ko para gulpihin ako. Hindi ko alam anong nagustohan ni daddy Bullet sa aking ina. Napa-war shock ng aking ina at palagi ring under the saya si daddy. Napailing na lang ako.
“Ano? Magsasalita ka ba o pasasabugin ko ‘yang condo unit mo!”
“Mom, relax, okay?” napabuntong hininga ako.
“Paano ako magrerelax kung – Hoy, Bullet! Sinasabi ko sa ‘yo, ‘wag na ‘wag mong kukunsintihin ‘yan anak mo!” narinig ko pang sigaw ni mommy.
“Anak,” narinig ko ang boses ni daddy sa kabilang linya. “’Wag mo munang pakinggan ang sinabi ng mommy mo. Alam mo naman minsan na may sapi ‘yung babaeng ‘yun –“
“Hoy, Bullet! Naririnig kitang hay*p ka!” narinig kong sigaw ni mommy at narinig ko pang sorry nang sorry si daddy. Psh! Mga isip-bata, kung kailan tumanda!
Hinawakan ko ang kwentas ng babaeng nakahiga ngayon sa kama ko. May nakaguhit na Ayn sa kwentas niya kaya mabilis kong inisip na baka ‘yun ang pangalan niya. Hindi ko maintindihan bakit napapangiti ako habang nakatitig sa mukha niya. Inosente ang mukha nito at mapupula pa ang mga labi niya. I bit my lip. Ano ba ‘tong iniisip ko?
“Anak,” tawag muli sa ‘kin ni daddy sa kabilang linya. “Are you still there?”
“Yes, Dad,” sagot ko at lumabas ng kwarto. Umupo ako sa may veranda habang nakatitig sa kawalan.
“Tell me, son.” Napahinto si dad na para bang nag-iisip kung anong sasabihin niya, “Nabuntis mo ba?”
“Daddy!” narinig kong tumawa si daddy sa kabilang linya. Papaano ko mabubuntis eh nakaratay to sa kama ko? “Hindi siya buntis, dad. Dadalhin ko lang siya kasi –“ napalunok ako. “Patay na ang mga magulang niya at wala siyang makakasama rito kung uuwi ako dyan.”
Nandito kasi ako ngayon sa Davao at nagbabakasyon pero sa kasamaang palad ay may nangyaring hindi maganda. Nakita ko lang ang babaeng ‘to sa daan na sugatan at maraming dugo sa ka kanyang suot na gown. Nag magandang loob lang ako at tinulungan siya. Nalaman ko lang rin na ang mga kasamahan ko pala ang may kasalanan sa nangyari. Hindi ko na sinabi sa kanilang tinulungan ko ito at nanatiling tahimik rito.
‘Kung gusto mo talaga siyang tulungan ay i-uuwi mo siya sa kanila.’ Sigaw ng konsensya ko pero hindi ko ito pinansin.
“Dad, please help me. Gusto kong umuwi kasama ang girl friend ko. Hindi pa rin siya nagigising at ayoko rin siyang iwan rito sa unit ko at baka mamatay siya rito.” narinig kong napabuntong hininga si daddy.
“Alam kong may hindi ka pa sinasabi sa ‘kin, Jamir. Kilala kita at alam ko bawat galaw ng bituka mo kaya sa oras na makauwi ka rito, sasabihin mo sa ‘kin ang totoo. Nagkakaintindihan ba tayo?” hindi ako sumagot, “Kung hindi mo sasabihin sa ‘kin, i-uuwi ko ng Davao ang babaeng ‘yan!”
“Oo na, Dad. Just help me now, please.”
Pagkatapos naming mag-usap ni dad ay agad ko ng hinanda ang mga gamit ko para sa pag-alis. Muli akong tumabi kay Ayn. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at hanggang nayon ay hindi na siya muling nagising pa. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ‘to bakit hindi ko siya maalis sa isip ko.
“Jamir – “ nilingon ko ang kakapasok lang na si Marcus.
“Uuwi ka na raw sabi ni tita Allys,” Tumango naman ako sa kanya saka muling binalik ang panigin ko kay Ayn. “Anong plano mo sa babaeng ‘yan?” umupo siya sa kalapit na upuan malapit sa pwesto namin. “Mas mabuti pang sumuko na lang tayo –“
“Wala tayong kasalanan, Marcus –“
“Pero tayo ang masisisi niyan, Jamir. Baka hinahanap na siya sa kanila.” Umiling ako.
“Isasama ko siya sa Manila,” natahimik si Marcus kaya tiningnan ko siya, “She will be my girl friend. ‘Yan ang sasabihin na ‘tin kay Mom at Dad. ‘Wag na ‘wag mong babanggitin sa kanila ang aksidente.”
“Pero malalaman at malalaman rin nila ang totoo. Paano kung nagising ‘yang babaeng ‘yan –“
“She has a name, Marcus! She’s Ayn.” Singit ko.
“Whatever, dude. Malaking gulo tong pinasok mo.” Hindi ako nagsalita at tiningnan ang babaeng nasa harapan ko at mahimbing na natutulog. “You’re crazy, man.”
“She will be my girl, Marcus. Walang makakaalam kung walang magsasalita.” Seryosong tuloy ko. “’Wag mong sasabihin.” Tumango naman ang kaibigan ko saka ito umalis at nagpaalam na maghahanda na rin siya para sa pag-uwi namin.
Hinawakan ko ang kamay ni Ayn. May mga sugat pa rin ito pero hindi na ito tulad noong unang araw mula ng aksidente. Hinaplos ko ang buhok niya pababa sa pisngi nito. She’s beyond beautiful. Damn! Ito ang unang pagkakataon na nagka-interest ako sa babae. Kadalasan ay nasa pagmomotor lang ang hilig ko at ni minsan hindi ko naranasang magkagusto sa isang babae.
“Anong mayron sa ‘yo na hindi ko kayang bitawan?” hinalikan ko ang kamay niya pero nanatiling walang reaksyon ang katawan niya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya at walang imik. ‘Anong meron sa ‘yo at bakit nagustohan kita?’ Napapikit ako ng maalala ko noong bata pa lamang ako at may nagustohan rin akong bata sa lugar na ‘to. Hindi ko masasabing gusto ko nga talaga ang batang ‘yun pero ganitong-ganito rin ang naramdaman ko nang mga oras na ‘yun.
‘Ayn, have we met before?’ Napailing ako. ‘Imposible!’