CHAPTER 1

1611 Words
CHAPTER 1   ** DYLAN POINT OF VIEW **   ( FIVE YEARS AFTER THE ACCIDENT )   Five long years had passed but it feels like yesterday. I still remember her smile, her tears and her laughters. I can see her short black hair, her brown eyes and those kissable lips. They are all fresh in my memories. Missing someone and not being able to see them is the worst feeling ever. I never imagine my self as worthless person in the world.   Napahinto ako sap ag-iisip ng maramdaman kong may tao sa likod.   “Sino ka?” I asked but I didn’t turn my head to his or her side. What’s the point? I can’t see them anyway.   “Son,” napabuntong hininga ako ng maramdaman ko si Mommy sa likod ko at pinasuot sa ‘kin ang makapal na kumot. “Hindi ka ba giniginaw rito sa labas? Ang lakas pa naman ng hangin rito sa labas.” Hindi ko sinagot si Mom. Alam niyang pinaka ayaw ko sa lahat ay ‘yung sinasamahan ako ng kahit sino. Gusto kong lagi lang mag-isa at mas gusto kong walang kasama. “Umalis na naman ang bagong nurse mo. Wala na talagang tatagal sa ‘yo anak.” Nawawalang pag asang wika ng aking ina pero hindi ko ito pinansin.   Nakaharap ako ngayon sa karagatan ay pinakiramdaman ang malamig na hangin. Masarap sa pakiramdam na tila ba napaka mapayapa ng lahat sa paligid ko. Sa lugar na ‘to nagiging relax ang katawan ko at tulad ng dati ay wala akong ibang maisip kundi si Kyra.   “Son,” tumabi sa ‘kin si Mom. Kahit hindi ko siya nakikita alam kong umiiyak na naman siya sa tabi ko. Minsan nga naiisip kong lumayo na lang sa kanila dahil ayaw kong nakikita nila ako. Mas nahihirapan sila sa sitwasyon ko kaya kulang na lang ay lumayas ako sa puder ng mga magulang ko ngunit hindi ko ‘yun magawa dahil kahit saan ako pumunta ay paniguradong makikita pa rin ako ni mommy. Ako lang naman ang hindi nakakakita sa rito at hindi ang mga magulang ko.   “Mom, stop crying –“ hinanap ng kamay ko ang mukha ng aking ina. Agad niya namang hinawakan ang kamay ko.   “I’m begging you, son! Please, accept the surgery. May pag-asa ka pang makakita pero bakit nagmamatigas ka –“ agad akong tumayo at hindi siya pinakinggan.   “I’m going to Davao next week, mom.”   “Dylan! Son! Listen to me!” umiling ako sa sigaw ng aking ina at hinanap ang aking sungkod saka siya tinalikuran. Narinig ko pang ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Gaya ng lagi kong sinasabi ay anong silbi kung lilingon ako kung hindi ko naman sila nakikita?   Bumalik ako sa loob ng private villa na ‘min. Kahit hindi ako nakakakita ay nakabisado ko na rin ang bawat bahagi ng lugar na ‘to. Limang taon! Limang taon akong nakatira rito at ilang ulit kong sinabi sa sarili ko na kailangan kong matutong mag-isa sa lugar na ‘to at hindi ako hihingi ng kahit anong tulong mula sa mga nurse na hina-hire ni mom at dad. Ako ang nag-iisang anak nila mom at dad, ako ang inaasahan nilang magmamana ng mga ari-arian nila pero nang mamatay ang babaeng mahal ko ay para bang huminto na ang mundo ko.   Pumasok ako sa loob at naglakad papunta sa kwarto ko. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Huminto ako saka hinanap ang pinto. Nang makapasok ako sa loob ay hinanap ko agad ang aking kama bago ako humiga. When I close my eyes, I see you. When I open my eyes, I miss you. Its always been you, Kyra. Hindi ko mapigilang isipin ang mga panahong kasama ko siya.   “You may not be here with me but thought of you are always in my heart.” I murmured hoping that she’s here with me.   Pinikit kong muli ang mga mata ko at inaalala ang mga sinabi ni mommy kanina. Tama nga siya, pwede ko namang ipa-opera ang mga mata ko pero hindi ko ginawa. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko kahit na nabulag ako. Marami namang paraan kung may pera ka lang. Sa pag-aaral ay walang problema dahil home schooling naman. Ginawa ko lahat ng gusto nila maliban ang pagpapaopera.   “I just . .” napabangon ako sa ‘king higaan at napayuko. Limang taon na ang nagdaan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa mga nagawa kong kasalanan. Kung hindi ako nagmatigas, at nakinig lang sana ako sa mga paalala ni Kyra ay malamang buhay pa rin siya.   Kahit hindi nila sabihin alam ko naman na sinisisi nila ako sa pagkawala ng babaeng mahal ko. Oo, aksidente pero sana nawala na rin ako. Sana sumama na rin ako kay Kyra. Iniisip ko na baka ito ang kaparusahan ko sa mga nangyari. Iniisip ko na tama lang na nabulag ako para hindi na ako lumingon pa sa iba at manatili na habang buhay sa nakaraan.   “Son,” hindi na ako nagulat sa biglang pagsulpot ni mommy. Kahit hindi ako nakakakita ay nakakaramdam naman ako dahil sa talas ng pandinig ko. Maaring hindi ko nakikita ang mga nasa paligid ko pero nakakaramdam rin naman ako.   “Pupunta rito ang bagong nurse mo.” Hindi ako sumagot dahil paniguradong hindi rin naman ito magtatagal. Pag umaalis ang nurse ay palaging darating agad rito si mom para pag-aralan ako kaya nasanay na ako na palagi silang may ipapalit. Naramdaman kong lumapit si mom sa dereksyon ko at umupo sa kamang inuupuan ko. “Sigurado ka bang pupunta ka sa Davao?” tumango naman ako bilang sagot. Lahat ng gusto ko ay binibigay ng mga magulang ko. Siguro dahil na rin sa naaawa sila sa akin. Ilang beses ko na nga bang pinagtangkaan ang buhay ko? Hindi ko na mabilang kung ilang beses na basta ang alam ko lang ay sa tuwing na de-depressed ako ay ‘yun lagi ang sumasagi sa isip ko. Kaya rin natatakot si mom na iwan akong mag-isa.   “Malapit na pala ang 6th death anniversary ni Kyra.” Hindi ko sinagot si mom at saka tumayo. Hindi ko narinig ang sinabi niya at eksakto namang tumama ang ulo ko sa pinto ng kwarto. Darn! Ang sakit! Bakit hindi ko agad nakita? Napailing ako. Paano ko naman makikita?   “I’m sorry, anak. Hindi ko sinirado ang pintuan pero tumama namang ang ulo mo sa pinto. Sana pala binuksan ko pa ng maayos para hindi ito ka natitisod –“ hindi ko na pinakinggang ang mga paliwanag ni mom at alam kung nagpipigil siya ng tawa. Napailing na lamang ako sa sitwasyon ko saka napahilot sa noo ko. Sa dami-daming tumama ay talagang ang noo ko pa. Naglakad ako papunta sa kusina at hinawakan ang ref saka kumuha ng makakain. Ano bang meron dito? Hindi ko makita kaya hinahawakan ko lahat ng laman ng ref. Wala akong ibang nahawakan kundi itlog kaya kumuha na lang ako ng isang bote ng tubig at ininum ‘yun.   Pagbalik ko ay wala na si mommy sa loob ng kwarto ko. Nasaan na naman kaya siya? Paniguradong may kausap na naman ‘yun sa telepono tungkol sa Negosyo. Ilang beses na nila akong kinukulit sa Negosyo nila ni dad pero tumatanggi ako dahil paniguradong pag pumayag ako ay agad nilang ipapaopera ang mga mata ko. ‘Yung ang pinaka inaayawan ko sa lahat.   Humiga ako sa kama at pinikit muli ang aking mga mata. Ano ba ang pinagkaiba ng nakapikit at dilat ang mata ko? Wala rin naman akong nakikita. Palagi ko na lang iniisip na kasama ko siya at nandyan siya. Lagi ko ring iniisip na kasama ko siya at buhay siya.   I wish you were here.   **   Maagang lumanding ang eroplano sa Francisco Bangoy International Airport of Davao. Kasama ko ngayon ang aking body guard. Tulad ng inaasahan ay umalis na naman ang hi-nire ni mommy na nurse. Hindi sila tumatagal sa ‘kin kaya naman ang kasama ko ngayon ay ang aking personal body guard. Hindi tulad ng aking nurse ay hinahayaan lang ako ni Mang Fernand sa ginagawa ko. Lumalapit lang siya pag tinatawag ko siya at ‘yun ang nagustohan ko sa kanya bilang isang body guard. Hindi kami malapit sa isa’t isa pero mapagkakatiwalaan ko siya.   Nilasap ko ang simoy ng hangin habang hinihintay na dumating ang kotse na ‘min para sunduin kami. I live here in Davao since we were young. Dito ko nakilala si Kyra at dito rin ang lugar kung saan kami nagsimula. Umalis ako rito limang taon ang nakakaraan dahil sa trahedyang nangyari ay nahirapan akong umahon.   “Kung sana nandito ka lang at salubungin ako.” Bulong ko sa sarili ko.   “Sir, andito na po ang sasakyan.” Inalalayan ako ni Mang Fernando pero sinabi kong kaya ko na. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ‘yung kinakaawaan ako. Inayos ko ang suot kong shades at tinanong si Mang Fernand kung ilang lakad ang gagawin ko para marating ang aming sasakyan.   Nang makapasok kami sa loob ng kotse ay agad kong tinanggal ang aking shades at hinanap ang aking headphone at nakinig ng musica. Pinikit ko ang aking mga mata at inaalala ang mga narinig kong bulungan kanina.   “Psh! Kahit hindi ako nakakakita ay hindi naman ako inutil. Kaya ko naman kahit ako lang mag-isa. Nakakainis!” nilakasan ko ang volume ng aking headphone at pinikit ang aking mga mata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD