CHAPTER 25 - A ** AYN POINT OF VIEW ** “Ayn, pinapatawag ka ni Mrs. Remonde. Congrats nga pala!” salubong sa ‘kin ni Angel, isa sa mga kaklase ko. Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing pupunta lang ako mamaya sa faculty. Agad kong inayos ang mga gamit ko saka ako lumabas para pumunta sa faculty. Agad ko namang nasalubong si Mrs. Remonde na dala-dala ang gamit niya at halatang uuwi na. Ngumiti ito saka lumapit sa ‘kin. “Good afternoon, Ma’am.” Bati ko sa kanya. “Hi, hija. I would like to congratualate you to your research. Finally, it’s approved. Mukhang graduation na lang ang hihintayin mo.” Ngumiti ako kay Mrs. Remonde. “Thank you po talaga, Ma’am.” Huminto ito sa paglalakad saka humarap sa ‘kin. “Hija, you don’t have to thank me. It’s all your talent and determination to finish t

