CHAPTER 35 – C ** AYN POINT OF VIEW ** Pagkatapos ng ginawa ni Dylan ay nawalan na ako ng gana na bumaba pa at pumunta sa labas. Nawalan na ako ng gana at mas gusto ko na lang manatili sa tabi ni Jamir. Gusto kong umiyak at magsumbong sa kanya. Gusto kong sabihin kay Jamir ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Muli kong binuksan ang pinto saka ako pumasok sa loob ng kwarto. “Ay palaka!” gulat na napahawak ako sa dibdib ko saka ko tiningnan si Jamir na nakatayo sa harap ng pinto, “Kanina ka pa ba dyan?” kinakabahan na tanong ko. Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka ko hinawakan ang braso niya. “Hey –“ “Anong ginagawa mo sa labas?” tanong niya na siyang nagpakaba sa dibdib ko. Sana hindi niya napansin ang mata ko na kagagaling la

