CHAPTER 55 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Halos hindi makapaniwala si Kaira na may buhay sa loob nang kanyang tyan. Dalawang buwan. Dalawang buwan na niyang dinadala ang bata sa sinapupunan niya nang walang kamalay malay. Hindi niya maiwasang mapaluha. Nandito pa rin sila sa hospital ni Jamir at hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak habang si Jamir ay tahimik lang at walang imik sa tabi niya. Sobrang naging komplikado ang lahat para sa kanila. Una, nalaman nilang buntis si Cassy, ngayon naman ay buntis si Kaira at talagang si Dylan pa ang ama. Gustong gulpihin ni Jamir si Dylan. Gusto niya itong sugurin at pasabugin ang bungo nito. Hindi na ito nakontento na sinaktan nito si Kaira dahil talagang binigyan pa nito ng problema ang dalaga. Napahilot siya sa sintido niya. Sinas

