CHAPTER 27 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Ilang oras nang hinahanap ni Jamir si Ayn ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito nakikita. Dumating na ang mga bisita ngunit kahit anino ni Ayn ay hindi niya man lang mahagilap. Napahilot siya sa kanyang sintido habang pinapakinggan ang report ng security. Ang sinabi nito ay umalis si Ayn kaninang alas singko ng umaga at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalil. Nagtanong kanina ang mga magulang nila Ayn at Jamir kung anong nangyayari ngunit malungkot na binalita ni Jamir na hindi matutuloy ang Engagement party dahil may nangyari. Sinabi niyang nawawala si Ayn at hindi pa rin ito bumabalik. Nag-aalala na ang mga magulang ni Ayn kaya naman nanatili muna ito sa kung nasaan si Jamir at hinihintay ang balita rito. “Sino

