CHAPTER 30 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Nakatulala si Ayn habang nakatitig sa harap ng karagatan. Nandito siya ngayon sa veranda ng hotel na tinutuluyan nila ni Dylan. Ito ang pangalawang araw na wala siyang balita sa mga naiwan niya sa villa. Paniguradong nag-aalala na ang mga pamilya niya sa kanya, lalong lalo na si Jamir. Hindi natuloy ang engagement party nila at paniguradong nagluluksa ngayon ang kanyang fiancé. Napabuntong hininga siya nang lumapit si Dylan sa kinatatayuan niya. inabot ng binata ang isang baso ng kape sa dalaga. “What are you thinking?” tanong ng binata sa kanya. Nanatili siyang tahimik at hindi pinansin ang tanong ni Dylan. Umupo ang binata sa isang bilog na lamesa saka humarap sa dalaga, “You don’t have to think about them.” “Paano ko sila hindi

