CHAPTER 17 – B ** JAMIR POINT OF VIEW ** FLASHBACK FIVE YEARS AGO Nakatitig ako sa natutulog na si Ayn. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya kaya naman dadalhin ko siya sa Manila. Mananatili na muna kami sa mga magulang ko bago ako magdedesisyon kung anong gagawin ko sa kanya. Sa totoo niyan ay simple lang naman sana ang gagawin ko pero ginagawa ko pang komplikado. Pwede ko naman siyang ihatid sa hospital at sabihing wala akong kinalaman sa aksidenteng nangyari pero mas pinili ko pa rin ang mahirap at komplekado na daan. Tiningnan kong muli ang hawak kong cellphone saka ko binuksan kung sino man ang nag text. ‘You have to tell me everything.’ Nabasa ko pang text ni dad. I can trust mom pagdating sa ganitong bagay pero sa mga oras na ‘to ay kailangan ko munang umuw

