CHAPTER 42 ** KYRA POINT OF VIEW ** You can’t go back and change the beginning but you can start where you are and change the ending. Maybe that is the reason why I’m here now. Tiningnan ko si Jamir sa harapan ko pero hindi siya nagsalita. Alam kong narinig niya ang pagbanggit ko sa pangalan ni Dylan kanina at hindi ko itatanggi ang bagay na ‘yun. Kahit magalit siya ay wala akong pakialam. Kung meron mang may karapatang magalit ngayon, ‘yun ay si Dylan. “Where is Dylan?” deretsong tanong ko kay Jamir. Nakita kong nagbago ang emosyong pinakita niya sa ‘kin na para bang hindi niya nagustohan ang mga salitang lumabas sa bibig ko pero wala akong pakialam. Tapos na ako sa mga kasinungalingan niya. “Bakit siya ang hinahanap mo? Nakalimutan mo na ba –“ “Hindi ako nakakal

