CHAPTER 49 (Part 2) ** KAIRA POINT OF VIEW ** Hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Sigurado ako sa nakita ko. Sigurado akong si Dylan ang sumusunod sa 'min kanina. Shoot! Bakit ako kinakabahan? Pinaghalong kaba, lungkot at pagkagalak ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi pa rin ako nakaka get over sa nakita ko kanina. "Hey? What's wrong with you?" Inangat ko ang paningin ko kay Jamir. Halos nakalimutan kong may kasama pala ako dahil sa kakaisip ko kay Dylan. Nakaramdam tuloy ako ng guilt para kay Jamir. Siya ang kasama ko pero ibang lalaki ang tumatakbo sa utak ko. Its really unfair to him lalo pa at alam kong umaasa siyang may pag asa pa kaming dalawa. "Nothing. I'm just thinking." I smiled to him saka patuloy lang sa pag kain. Nandito kami ngayon sa res

