CHAPTER 51 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** “Bakit mo siya sinusundan?!” Galit na salubong ni Cassy sa kanyang ka live-in ngayon na si Dylan. Pinasundan niya kasi ang lalaking ‘to sa kanyang private investigator at nalaman niyang sinusundan din ni Dylan si Kaira. Pagkatapos nang business meeting nila kanina sa kompanya nila Jamir ay ramdam na nang dalaga na hindi mapalagay si Dylan. Mas naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Alam niya namang nandito ang binata sa tabi niya dahil buntis siya. Alam niya namang si Kaira pa rin ang mahal nang binata kahit pa sinabi nitong pananagutan siya nito. Naalala niya pa nong muntin niya nang pagtangkaan ang sarili niya nang malaman niyang si Kaira pa rin ang pinili ni Dylan pagkatapos nitong sabihin na buntis siya at si Dylan ang

