Chapter 1

1126 Words
"Family meeting, sa library," Ate Sinag told me bago siya maglaho sa aking harapan. Malalim akong napabuntong-hininga at binalik ang tingin sa pinanunuod na movie. "Gusto mo pa bang kaladkarin kita? Saan ba ako hahawak, sa paa o sa buhok mo? Mamili ka," mahinahon ang pagkakasabi ng ate ko pero alam kong gigil na siya. Muli pala siyang bumalik. Yamot kong ginulo ang aking buhok at saka padabog na tumayo. Alam ko na kasi kung anong kapupuntahan ng pag-uusap na iyon. Naabutan ko roon si Ate Sinag na nakaupo sa couch. Nakataas pa ang mga paa niya at naghihikab. Tulad ko ay parang tinatamad din siya sa kung anong agenda ni Mommy. "So, what's up, Mom?" Ate asked her. "I will be soon transferring the Sunshine Crown Empire to you, Tala," nakangiting pahayag ni Mommy. I made a wide grin. Si Ate Sinag naman ay napabalikwas ng tayo at saka umupo sa kaharap kong silya. "Finally! Makakapag-focus na ako sa Phoenix," ani Ate sa masayang tinig. Phoenix Securities was originally my sister's part and mine was the Sunshine Crown Hotels in the Philippines. It was one of the elite hotels second to ABEV Royal's that is owned by the Villaroel's. Siya ngayon ang pansamantalang namumuno roon dahil sa anomalya about the board members since my father’s death. She didn't want me to take over na ganoon ang sitwasyon kaya inayos niya muna. Napagtagumpayan naman iyon ng ate ko, like always. She was really the best. My dream was to be the heiress of my mother's admiring legacy. Nag-umpisa siya sa isang maliit na bed and breakfast namin sa home town namin sa Naic Cavite hanggang sa nagyabong at nadala na sa iba't-ibang parte ng Pilipinas. At ikinalulugod kong ipagpapatuloy ang nasimulan ng aking ina. Kinuha ko ang makinis niyang mga kamay at marahang pinisil iyon. "I will make you proud, Mom. I promise to do my best." "I will be forever proud of what you have become, anak. Kayo ng Ate mo." Nakangiti niyang nilingon si Ate Sinag bago ibalik sa akin ang mga mata. “Pero wala ka ba talagang balak na mag-asawa? Once you're in, you cannot go out, iha. Puro trabaho na lang ang aatupagin mo and I know how workaholic you are. Paano ka pa makakapag-asawa kung puro ka na trabaho?" Ang kaninang excitement ay biglang napalis. Tamad akong tumingin kay Mommy habang pinapaunawa sa akin ang kahalagahan ng pag-aasawa. Kesyo mas maganda raw na may karamay ako at makakasama sa buhay. Blah, blah, blah. Hindi ba siya napapagod na pangaralan ako araw-araw tungkol sa pag-aasawa? I'm still young so, why the rush? Ano na naman kayang drama ng nanay kong ito? "Mom, my decision is final, I don't need a husband. Kuntento na ako kay Luna. She is my life and I couldn't ask for more," pagod kong paliwanag. Tumayo ako upang kumuha ng tubig dahil medyo naubo siya. Malalim siyang napabuntong-hininga pagkatapos. Ang magaganda niyang mga mata ay pirming nakatitig sa akin. Punong-puno iyon ng pag-aalala. "I just want you to be happy, anak. Your Ate Sinag is settled. Ako naman ay matanda na. Hindi na ako magtatagal sa mundong ito. Malapit ko nang makasama ang daddy mo," madramang pahayag ng ina. "Baka hanggang doon naman sa langit martir ka pa rin. Walang medal sa langit, Mommy. Walang medal si Lord," pilosopo kong sagot. Malakas na napahalakhak si Ate Sinag. "I love your humor, baby sis. Huwag ka nang umasa kay Mommy. Immune na 'yan." Pinaikutan kami ng mga mata ni Mommy. Si Ate Sinag naman ay hindi pa rin tumitigil sa paghagikhik. Parati pa naman silang magkaaway. Matigas ang ulo ng ate ko but she was a selfless daughter and sister to me. She'd done too much sacrifices for this family and I admired her for being strong. "What? Real talk hurts? Duh," maarteng sabi ni ate, ang mga mata nila’y nagtutuos. “Don't go drama on us, mom. So, what's the catch? There's always a catch. Spill it," my sister demanded. "Get married, Tala. You have to get married first before you become the CEO of my empire. Take it or leave it." Hindi ako makapaniwala sa narinig. Walang salita akong lumabas mula sa library at nagtungo sa aking silid. Kailangan kong gawin iyon dahil alam kong may lalabas na hindi magandang salita mula sa aking bibig. Minsan, hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga magulang ko. I have a womanizer father and my mom embraced it whole heartedly without batting her eyes. She was a crazy martir but I love her. I love her, yes, but I can't tolerate her crazy antics anymore. Hindi niya ba niya na-realize na pabor iyon sa kaniya dahil hindi niya ako makikitang masaktan nang dahil sa mga pesteng mga lalaking 'yan? I am happy and contented with my daughter. Sigurado akong hindi ako tatanda mag-isa. Napagpasyahan kong lumabas muna upang magpahangin. I felt exhausted and suffocated with our talk. I need to think of a move on how to get rid of that crazy idea of Althea Mahika. Maybe I could hire a fiancee and few months after ay magbi-break kami? Tapos kunwari ay masasaktan ako nang sobra-sobra at magda-drama sa nanay ko. At dahil mahal ako ni Mommy ay hindi niya ako hahayaang masaktan and she might realized na hindi ko kailangan ng asawa kung sasaktan din lang naman ang pinakamamahal niyang bunso. That's brilliant! Reverse psychology? Right! That would be the plan. I'm sure that my sister will support me kaya naman agad akong naglakad patungo sa kaniyang silid. Kuya Drei was not yet home kaya makakapag-usap kami nang kami lang. Baka kasi pagtawanan ako ng bayaw ko sa nakakaloka kong plano kung sakaling marinig niya 'yon. Bigla akong nagdalawang isip na itulak ang kaniyang pinto nang may naulinigan akong kausap niya. Babalik na lang siguro ako mamaya. Aalis na sana ako ngunit bigla kong narinig ang pangalan ko. Tinulak ko nang kaunti ang seradura upang ganap na marinig ang lahat. "Neileon, it's not an option, matalino si Mommy. Alam niya kung magpapanggap lang si Tala." Okay, that was fast. She already anticipate that I would have a plan, at mukhang hindi na matutuloy pa. Great! Well, she was right, malakas makakutob si Mommy. I sighed when I realized that. "Neil, I'm tired...I don't know what to do. This is her dream and I want to make that happen. Please tell me what to do." Laking gulat ko nang biglang humikbi si Ate Sinag. I never saw her breaking down like this. "P-Pagod na pagod na ako. I'm so tired of fixing everything.” She was helplessly crying. Napalunok ako at dahan-dahang isinara ang kaniyang pinto. I guess I know what I really need to do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD