Chapter 2

1004 Words
Hindi ako masyadong nakatulog kinagabihan. I was eaten by my conscience because of what I saw and heard. Bigla kong naisip ang lahat ng sakripisyo ni Ate Sinag para sa pamilya namin, lalong-lalo na sa akin. She has been my shield and armour from the true colors of my parent's relationship. She even endured all the pain and sacrificed her happiness for my own good. Siya ang nagsilbing magulang namin ni Bituin noong mga panahong magulo pa ang lahat. Siya rin ang tumayong ina ng anak kong si Luna noong mga panahong hindi ko kayang magpaka-ina. Ate Sinag had done so much and those were too much. I need to get up my ass and be a daughter to my mom and be a mother to my child. My sister might be a badass all the time but it was her way of showing her love. Tough love, and I admire her for that. Pero iyong nakita ko kagabi ay patunay na nauubos din ang lakas niya. I am the only one who’s responsible for my future at hindi na niya ako dapat na pinoproblema pa. Kaya naman buo na ang loob ko na sundin na ang gusto ni Mommy. Getting married wouldn't be bad at all. I will treat that as a ticket to my success. Hindi lang naman para kay Mommy ang gagawin ko kundi para rin kay Luna. I want to give her a good and comfortable life. Gaya ng binigay sa akin ng mga magulang ko. Naputol ang pagninilay-nilay ko nang biglang umiyak si Luna. We were at the dining table having our breakfast. Parang kidlat si Ate Sinag na lumabas mula sa kaniyang silid. Gulo-gulo pa ang buhok nito at pupungas-pungas. "What's wrong? Bakit umiiyak ang baby ko na 'yan?" paawang tanong ni Ate sa pamangkin. Lalo tuloy humikbi si Luna. Such a spoiler tita. "I want more bread, Mama Sinag" she mumbled. Nagkatinginan kami ni ate at pigil na pigil ang tawa. Nilagyan ko ng slice bread ang pinggan ng anak ko. "There you go. Now, stop crying na, anak," I told her, smiling. "But my tummy can't take it anymore," naiiyak na sagot ni Luna. Doon na kami tuluyang natawa na magkapatid. Lalo tuloy umiyak ang batang mataba kaya naman niyakap siya nang mahigpit ng Mama Sinag niya. Pagkahatid kay Luna sa eskwelahan ay dumiretso na ako ng Sunshine Crown. I was working there for a year now. Bilang soon to be CEO ay kailangan kong matutunan ang pasikot-sikot sa loob ng hotel kaya nag-umpisa ako sa ibaba. Nadestino na ako sa kitchen, bar, and reception. I was at the banquet and sales now that team up with the marketing para naman sa events. Kahit na lunod sa trabaho ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang solusyon sa problema. Do I need to go on a blind date? Online dating apps kaya? Napangiwi ako. I heaved a deep sigh and just continued what I am doing. Mamaya ko na nga lang iisipin. Afternoon came ay umakyat na ako para ayain si ate na mag-lunch. Hindi kasi talaga iyon kakain hanggat hindi ko pinupuntahan. Madalas ay nakakaligtaan na niya ang oras ng pagkain dahil sa dami ng trabaho. Nakunsensiya na naman tuloy ako. She was the acting CEO as of now dahil hindi ko pa nga kaya. I plastered a smile on my face before pushing the door open. Naabutan ko ang kapatid na kunot na kunot ang noo at tutok sa laptop. "Ate, tara na lunch na tayo." Aya ko sa kaniya na siyang nagpaangat ng tingin. She smiled at me pero mababakas mo na agad doon ang pagod. Maaga pa lang pero drain na iyong hitsura niya ng dahil sa trabaho. What more pa kaya mamayang hapon? "Padeliver na lang tayo? Dami pa nito, e. Alam mo na, month-end," she told me, bakas ang pagod kahit sa boses. Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Our food was delivered from one of our outlet restaurants para mabilis lang gawin. Laking tuwa ng puso ko nang makitang ganado sa pagkain ang aking kapatid. I made sure to order her favorite dish. Kahit man lang sa ganitong bagay ay mapawi ko ang pagod niya. Alam kong kulang na kulang iyon para sa mga sakripisyo niya sa akin ngunit malaking bagay na iyon upang mapagaan ang kaniyang loob. I love her so much. "Hey. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa'yo. We can hire a fiancee for you. Just act good, Tala, okay? I mean very good." She pointed out. "I will show you later their profile later. Galingan mo lang..." “Ate, I'll do it," I cut her off. Saglit akong napatitig sa kanya. How could this woman could be selfless than my own mother? Iniisip ko pa lang ang dapat gawin ay may solusyon na agad siya para sa akin. "Okay," she nodded. "Basta iyon nga galingan mo..." "I mean I will find a husband...a real husband and I will marry him." Nagkunot noo si ate sa'kin. Hindi makapaniwalang nakatitig lang. Kapag ganoon ang mukha niya ay alam kong hindi niya gusto ang pinaplano ko. Pero buo na ang loob ko. There is no backing down. Sa pagkakataong ito ay ako ang aayos ng buhay ko at gagawa ng kapalaran ko. "You are not serious," nanunukat niyang anas. Umiling ako, ang mata ay mariin ang titig sa kaniya. "Who are you going to marry? As in for real? Tala, you are crazy! Mamaya serial killer pa 'yang mapangasawa mo kung basta ka na lang dadampot ng lalaki. Paano ka na? Si Luna?!" "You can do a background check, investigate." Depensa ko. "No!" Mariin niyang tanggi. "Ate Sinag, have a little faith in me. Okay? I got this." I sighed. "Ate, give this to me, please. Just...Just trust me." Saglit siyang natigilan at nag-iwas ng tingin. Itinuon niya iyon sa bintana bago binalik sa akin. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "So, who is it gonna be?" she curiously asked. "The father of my child."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD