Chapter 3 - Althea at Samantha

1574 Words
Chapter 3 Marahang dumilat si Jared, nanlalabo ang paningin niya gawa ng tumutulong dugo sa mukha niya. Sa nanlalabong paningin nakita niya si Ashley na duguan din, naalala niyang sinubukan siya nitong itulak pero huli na ang lahat. Pilit niya itong inabot pero nilamon na siya ng dilim at nawalan ng malay. Nakadilat din si Althea at nakikitang pilit siyang inaabot ni Jared pero walang lakas kahit ang dulo ng daliri niya para gumalaw man lang. Kriinngg!.. Napabalikwas siya ng bangon. Tumatagaktak ang pawis niya. Tinakip niya ang mga palad sa mukha, ang sama ng panaginip niya parang totoong totoo. Nasagasaan daw siya kasama ang isang lalaki. Napahawak siya sa sentido niya, sumasakit ang ulo niya. Muli siyang nahiga. “Hay! Ang lambot ng higaan ko ang sarap pang matulog.” wika niya sa sarili nang bigla siyang matigilan. “Teka!” muli siyang napabalikwas ng bangon. Kinapa niya ang higaan. “Nasa kama ako?” nagtatakang tanong niya. Inikot niya ang mata sa kabuuan ng silid, air conditioned ang silid na iyon puting puti at malambot ang kama. May magarang salamin at telebisyon sa loob niyon. Magara din ang pagkakaayos ng kwarto halatang mayaman ang may-ari. “Nasaan ako?” nataranta siya at tumayo, muling kumirot ang sentido niya kaya muntik na siyang matumba. Saglit siyang pumikit para mawala ang pagkahilo niya. Pagkatapos ay naglakad siya sa loob ng kwarto napadaan siya sa isang whole body mirror. “Oh sh-t!” hinawakan niya ang mukha niya, isang hindi pamilyar na mukha ang nakikita niya sa salamin. Dinama niya ang sarili, kinurot niya ang braso pero nasaktan siya. “Sino ka? Sino ako?” nalilito na siya sa sarili. Alam niyang si Althea siya at hindi siya nananaginip dahil nasasaktan siya kahit anong kurot niya sa sarili niya pero bakit ibang mukha ang nakikita niya sa salamin? Paano nangyari ‘to? Litong-lito na siya. Umikot pa siya sa loob ng kwarto hanggang sa binuksan niya ang isang pinto, walk-in closet pala ito pumasok siya sa loob. Napupuno iyon ng mga branded bags at mga sapatos, sandamakmak din ang mga sexy dress na andoon. Lumabas siya ng beranda nalula siya sa taas ng building na kinaroroonan niya, nasa isang condo pala siya. “Ano bang nangyayari?” naiiyak nang wika ni Althea paikot-ikot siya sa loob para makahanap ng kasagutan. Nagulat pa siya nang tumunog ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Atubili siyang sagutin iyon dahil hindi naman niya cellphone yun pero walang tigil ito sa kakatunog kaya napilitan din siyang sagutin ito. “Hello Samantha, I'll pick you up at nine ok?” wika ng kabilang linya hindi siya umimik dahil hindi naman niya kilala ang tinatawagan nito. “Samantha, are you there? Samantha?” pero pinatay na niya ang cellphone baka makahalata ito na iba ang sumagot sa telepono. Pagpunta niya sa sala ay nakita niya ang isang malaking portrait ng mukha niya, Samantha Villarreal ang nakalagay na pirma sa ibaba nito. “So, Samantha pala ang pangalan ng nagmamay-ari ng mukhang ito. Pero bakit? Ano ba talagang nangyari? Bakit nandito ako sa katawan ni Samantha, si Althea ako!” parang batang nagmamaktol na sabi ni Althea. Napatingin siya sa hawak na cellphone, binuksan niya iyon out of curiosity tumambad sa kanya ang petsa na nakalagay sa screensaver nito. January 9, 2045. Nanlaki ang mata niya. “Year 2045?!” gulat na gulat na bulalas niya hindi siya makapaniwala dahil taong 2023 nang madisgrasya silang dalawa ni Jared. “Si Jared!” dali-dali siyang nagpalit ng damit, naghalughog siya ng pambahay na damit sa closet at saka binuksan ang pintuan palabas. Saktong pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang isang babae nakasuot ito ng sexy long dress na mababa ang neckline kaya kita ang hubog ng dibdib nito, gulat na gulat din ito ng makita siya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Samantha, diba sabi ko sayo I’ll pick you up at nine? Bakit ganyan ang suot mo?” dire-diretsong pumasok ang babae sa loob ng kwarto niya habang hatak siya. “A-ano k-kasi, hindi ako ‘to. Hindi ako si S-Samantha!” bulalas niya dito. “So? Hindi rin ako si Martel na kapatid mo? Anong drama yan?” wika nito. Napatingin ito sa ayos niya, maluwag na damit at loose na short ang suot niya. “Bakit suot mo ang damit ni Kuya Gab?” ang tinutukoy nito ay ang isa pa nilang kapatid na paminsan-minsan na nakiki-sleep over sa kanila kaya may ilan itong naiwang damit sa closet ni Samantha. “Look! Martel, ganito kasi. H-hindi ako-” magpapaliwanag pa sana si Althea pero tinulak na siya ni Martel papasok ng kwarto. “ATE MARTEL. Pagtutuwid nito. Kahit dalawang taon lang ang agwat ko sa iyo ate mo parin ako.” pinanlakihan siya nito ng mata. “Magbihis ka na nga! Naghihintay na ang lahat, maiinip sila mommy at daddy sa kakahintay sa iyo. Remember it’s dad’s birthday party.” pinaikot nito ang eyeball ng mata palatandaang naiinis na ito sa kanya. “Ate Martel please makinig ka muna sa akin ok?” pakiusap niya dito. Huminga ng malalim si Martel bago tumango at naupo sa gilid ng kama niya. “Ok, talk.” wika nito. Saka niya ikinuwento ang lahat mula sa pagkakadisgrasya niya hanggang sa magising siya na nasa ibang katawan. Sinabi niyang ang pangalan niya ay Althea. Nakatitig lang sa kanya si Martel na waring tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo. “Are you on drugs Samantha Villarreal?!” maya-maya ay bulalas nito. “Kapag nalaman ito ni Kuya Gab, you’re dead Samantha! Now get dress at huwag mo akong paghihintayin.” sermon nito saka isinarado ng pabalagbag ang kwarto niya. Walang ibang nagawa si Althea, napaupo na lang siya sa gilid ng kama niya. “Kailangan sumunod muna ako sa agos at saka ako mag-iisip kung ano ang gagawin ko. Tama, tama hindi ako makakapag-isip ng matino kung ganito.” wika niya sa sarili saka pumunta sa walk-in closet at namili ng damit na isusuot. Napili niya ang long sexy dress na black ang kulay, halter dress ito kaya kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Saka siya namili ng make-up at nagsimulang maglagay kolorete sa mukha. Pagkatapos ay namili siya ng ilang mga alahas na babagay sa suot niya. Pati siya ay nagulat sa kinalabasan ng itsura niya. Nagulat din siya dahil nagawa niyang mamili ng isusuot at maglagay ng make-up sa mukha dahil hindi naman siya marunong ng mga ganoong bagay, siguro ay dahil nasa katawan siya ng ibang tao kaya naaadapt niya ang mga bagay na alam nito. “Ang ganda at ang sopistikada mo naman.” kinausap niya ang sarili sa salamin na waring naiinggit sa kagandahang nasa harapan niya. Lumabas siya ng kwarto at naabutan na umiinom ng tsaa si Martel, pumalakpak ito sa nakitang ayos niya. “Now we have to go.” nakangiti nitong sabi na parang nalimutan na ang mga sinabi niya kanina lang na hindi siya si Samantha. Bumaba sila mula sa ika-dalawampung palapag ng condo at sumakay sa isang magarang sasakyan. Pinagbuksan sila ng driver ng pinto ng sasakyan. “Thank you.” nahihiya niyang sabi dito na ikinagulat ng driver pati si Martel ay nagulat sa sinabi niya na para bang big deal iyon. “Bakit may nasabi ba akong hindi maganda?” tanong niya kay Martel pagpasok sa loob ng sasakyan. “Wala lang, parang may nagbago lang sayo. You never say thank you lalo na sa mga taong mababa ang level, sa sungit mong yan halos lahat ng tauhan ilag sayo.” wika nito. “Ah, g-ganun ba? For a change diba? Hindi ba pwedeng magbago ang isang tao?” sabi niya. Nagkibit lang ng balikat si Martel saka tumahimik sa buong biyahe nila. Nakakalula ang laki ng mansion na pinuntahan nila pakiramdam niya mga hari at reyna ang nakatira sa bahay na iyon. Maraming tao sa loob na halos lahat magaganda ang kasuotan at masasabi mong may mga sinasabi talaga sa buhay. Nagsisimula na ang party nang dumating sila. Nang makita sila ng host ay bumulong ito sa isang lalaki na bagamat may edad na ay matipuno pa rin at gwapong-gwapo sa taglay nitong tikas. “Please all welcome my daughters! Samantha and Martel!” wika nito sa mikropono. Palakpakan ang mga tao at humawi ang mga ito nang dumaan sila sa gitna ni Martel. So, ito pala ang daddy ni Samantha. Isip-isip ni Althea. “Happy birthday dad.” wika ni Martel sabay halik sa ama. Gumaya naman si Althea, humalik din siya sa ama at bumati ng happy birthday. “Please enjoy the party everyone!” sigaw ng ama. Sa buong panahon ng kasiyahan sa mansion ay naging abala si Althea sa pag-iikot para malaman ang buhay na meron si Samantha, umaasa siya na makakakuha ng kasagutan sa kung ano ang matutuklasan niya. Palihim siyang pumasok sa isang kwarto, puno ang silid na iyon ng iba’t-ibang awards at mga plake. RODRIGO VILLARREAL. Rodrigo pala ang pangalan ng kanyang ama at CECILIA VILLARREAL naman ang kanyang ina. Nagmamay-ari sila ng napakaraming kumpanya at minahan ng ginto sa bansa. “Ang ganda naman ng buhay na meron si Samantha.” muli ay nakaramdam siya ng inggit sa buhay na meron ito. Pero bakit napunta ako sa katawan ni Samantha? Anong nangyari sa katawan ko? Patay na ba ako? Sunod-sunod ang mga tanong niya sa sarili na gusto niyang mahanapan ng kasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD