bc

Tale of Ayehster (Tale Series #6)

book_age16+
136
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
playboy
confident
princess
queen
bxg
humorous
lighthearted
magical world
like
intro-logo
Blurb

A fantasy collaboration with TinyYuki, FilipinangManunulat, _chameeh, iam_Marceline, Lavenderpen, JeimSue15 and Criptica_G.

Tale of Ayehster

By JeimSue15

From the beautiful kingdom of Astheria, there was a cursed Princess, siya ay si Ayehster, ang anak ni Reyna Ariah at Haring Moluchas. Dahil sa sumpa ni Dentrahs, ang hari ng kadiliman at mortal nilang kaaway ay mapapasakamay niya ang prinsesa. Mula sa magandang anyo nito at magiging katakot-takot na black dragon, na bumubuga ng apoy.

Gagamitin ni Dentrahs si Ayehster upang ipalaganap ang kadiliman sa sanlibutan. Kusang maglalagablab ang apoy nang galit sa kaniyang puso kapag nakakakita siya ng liwanag. Siya rin ang itinadhang sisira sa kanilang kaharian.

Mawawala lamang sumpa kapag nakita na niya ang mga nagniningning na mata ni Hugo, isang mortal na tao na may kakayahang tumawid sa kaharian ng mga bituin. Dala nito ang tunay at wagas na pamamahal upang wasakin ang sumpa ng kadiliman.

chap-preview
Free preview
KABABATA 1: LIWANAG SA DILIM
Third Person’s POV Bago pa man gawin ng Diyos ang mundo ay inuna muna niya ang dilim at liwanag. Ginawa niya ang araw, na siyang magbibigay liwanang sa buong kalawan, upang makita ng mga tao ang ganda ng kanyang nilikha para sa kanila. Sumunod naman ang dilim sa gabi na magliligaw sa landas ng mga tao, kaya naisipan niya ring bigyan ng kulay ang kalangitan. Doon ay inilagay niya ang bituin at buwan upang maging gabay at magbigay liwanag sa lupa. Sa mataas at maniningning na langit at itinalaga niya si Ariah upang pagharian at pamunuan ang mga bituin. Obligasyon niyang gabayan at patunguhin sa maayos na landas ang mga tao sa ibaba. Kasali rin sa kaniyang pamamahala ang paramihin ang kanilang lahi at ikalat sa buong kalawakan, pati na rin ang pagtupad sa mga kahilingan. Dahil sa kakayahan ni Reyna Ariah na pamunuan ang kaharian ay tinawanag nila itong Astheria, ang bahay ng mga makukulay at masasayang bituin. Ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapabuti ang lahat, kasama ang kaniyang kapatid na lalaki, si Dentrahs. Siya ang prinsipe sa kaharian ngunit sa labis na inggit sa kaniyang nakatatandang kapatid ay nabalot ng galit ang kaniyang puso at tubuan ng dalawang malalaking sugay sa ulo. Bumuo siya nang isang malawakang rebelyon sa Astheria, upang pabagsakin ang Reyna at siya ang magiging hari. Mula sa kaniyang anyong kumikintab na parang ginto ay binalot siya ng itim na aura, na nagdala ng dilim sa buong kaharian. Nagkaroon rin siya ng pakpak at nag-aapoy na mga mata ang katakot-takot tingnan. Kumapit sa kaniyang ang demonyo at lahat nang kampon nito. Likas naman na malakas ang kaharian, kung kaya’t hindi siya nagtagumpay sa kaniyang masamang pagbabalak na agawin ang trono. Naparating naman ito ng diyos sa pamamagitan ng mga mensaherong tala at ihinulog sa kailaliman ng lupa si Dentrahs upang pagharian ang kasamaan at tatawagin niya itong Dehstero. Doon ay nakasama rin niya si Pantora, ang kaniyang kanang kamay sa paghahasik ng kadiliman. Sa nangyaring ‘yon ay hindi pa rin siya nakuntento at gusto niyang pahirapan ang kaniyang kapatid. Kaya ginawa niyang bigyan ng dilim ang gabi upang mas lalong maligaw ang landas ng mga tao sa lupa. Gusto niyang makitang lumuhod si Reyna Ariah sa kaniyang harapan at kusanitong isuko ang trono sa kaniya. Gusto niyang mahigitan ito at siya naman ang magiging utusan sa lahat ng bagay patungkol sa kaniyang pamumuno. Sa paglipas naman ng panahon, habang dumarami ang lahi ng mga bituin ay mas lalong nagliliwanag ang kalangitan sa gabi. Idagdag pa ang sinag nang buwan sa kaharian ng Munehria na pinamumunuan ni Haring Moluchas at iba pang mga nilalang doon. Nagkaibigan naman ang Hari at Reyna, kaya nagsanib pwersa sila upang magapi ang mapanlinlang na dilim. Mas naging malakas sila sa at nagawa nilang protektahan ang mga tao sa gabi. Mula noon ay hindi na rin nagpakita pa sa kanila sa Dentrahs at ang mga kampon nito upang sakupin ang Astheria. Nabuhay sila nang mapaya sa piling ng isa’t isa at biniyayaan sila ng isang supling at pinangalanan nila itong Ayehster, ang pinakamalaking bituin sa langit at prinsesa ng kaharian ng mga tala sapagkat babae ito. Sa pagdating nang munting prisesa ang nagkaroon sila ng pagdiriwang. Sabay-sabay silang tumupad ng mga kahilingan mula sa lupa at doon ay nagkaroon ng meteor shower sa kalawakan. Nagdiwang ang kaharian sa pagdating ng kanilang prinsesa, na siyang proprotekta sa kanilang nagniningning na palasyo. “Mabuhay ang prisesa! Mabuhay!” masaya nilang sigaw sa harapan ng palasyo at nang batang hawak-hawak ni Vytariah, ang bituing yaya. Lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong lihim na nagmamanman sa kanila nang araw na ‘yon. Ito ay si Pantora at ipinarating nito kay Dentrahs ang nasagap na balita. Nang malaman naman nito ang kaganapan sa inaasam-asam na Astheria ay lumabas siya ng kaniyang lungga at tumingala sa kalangitan. Mula doon ay nakita niya ang napakagandang pagbagsak ng mga ilaw na nagmumula sa mga tala at nakaramdaman siya ng takot sa mga ito. Takot sa kaniyang paparating na kamatayan. Bahagya na lang rin siyang natawa dahil hindi niya hahayaang mangyari ‘yon. Tinawag niya ang buong miyembro ng kaniyang kaharian at gumawa ng plano. Sa darating na itinakdang panahon na itatalaga si Ayehster bilang bago at ganap na prinsesa nang Astheria ay doon sila susugod. Hindi sila papayag na mas lalo pang lumakas ang kanilang kapangyarihan, na ngayon ay nahahanapan na nila ng kahinaan. At naniniwala rin ang Hari ng kadiliman na mapagtatagumpayan rin nila ang kanilang pangarap na alipinin ang lahat ng mga bituin upang balutin ng dilim ang buong sanlibutan. Matapos ‘yon ay bumalik rin sila sa kani-kanilang mga lungga upang mag-hibernate. Kinakailangan nilang magpalakas nang magpalakas sa loob ng maraming taon upang maisagawa nilang ang kanilang ninanais na makamtan. Ibinaon nila ang kanilang mga sarili sa lupa at gumawa ng itim na orasyon ang mga mangkukulam sa kanila gamit ang langis at dugo ni Dentrahs. Nang sa gano’n ay mas lalong mananalaytay sa kanila ang bagsik na dala ng mga kasamaan. Huling ginawa sa Hari ang orasyon at siya ay binalot ng mga telang may sulat ng demonyo, bago ihulog sa mainit at nagbabagang lahar. Sa pamamagitan nito ay makukuha rin niya ang kapangyarihan ng apoy, na siyang magagamit niya sa gaganaping digmaan. Magagawa niya na ring pagalawin ang lupa, tubig, hangin at paputukin ang mga bulkan. Makukuha niya ang sapat na lakas dahil dito. “Humanda kayong lahat sa aking pagbabalik dahil sisiguraduhin kong makukuha ko na ang dapat na sa akin. Mapapasaakin rin ang Astheria at ang lahat ay magiging sunod-sunuran ko!” saad ni Dentrahs at malakas na tumawa ng nakakakilabot. Ang orasyon ay mangyayaring sa loob ng tatlong daang libog taon at sa mismong araw na gigising silang lahat ay siya ring kaarawan ni Ayehster. Nais nilang sirain ito, na siyang kanilang magiging kasiyahan. Hindi na sila makapaghintay sa araw na ‘yon, ngunit kailangan pa nilang maging malakas upang maisakatuparan ito. Pagkatapos ng lahat ay tumawa lang nang matinis at kapangi-pangilabot ang mga itim na mangkukulam. Bumalik na rin sila sa kanilang mga kweba upang ipagpatuloy ang paghahasik ng kasamaan at sa darating na taon ay muli silang magbabalik upang gisingin ang lahat ng kampon ng kadiliman. Sa ngayon ay sila muna ang kikilos pansamantala upang hamakin ang mga tao. Samantala, patuloy pa rin ang pagsasaya sa Astheria at Munehria. Walang kaide-ideya ang lahat sa masamang binabalak ni Dentrahs para sa kanilang lahat. Kitang kita sa bawat isa ang labis na kagalakan dahil sa sobrang linawag na kanilang inilalabas. Mula sa ibaba ay makikitang nagsasaya ang kalangitan na tinitingala ng mga tao. Wala silang kaalam-alam na may natatagong kaharian sa likod nito. Namamangha na lang sila sa taglay nitong kagandahan at sa araw rin na ‘yon ay kapaskuhan. Kitang kita ang malaki at maliwang na bituin mula sa langit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook