Chapter 2

1131 Words
KATHRYN'S POV After school… “Ma? Tara na!” I shouted when I entered the house. “Bakit baby? San tayo pupunta?” nalilitong tanong ni mama. “Ma, nakalimutan mo? Yung deal natin!” Excited na sabi ko. “Anong deal iyon? 'Yon bang mananahimik ka ng one day or makakapasa ka sa test?” Si mama. “Yung last.” sagot ko. “Weh?” pilosopong tanong ni mama. By looking at her, I could really say that she didn't believe me. “Ma! Ito oh, tingnan niyo.” Ipinakita ko rito ang test paper ko. “Baby! Naduduling ako, h'wag mo namang ilapit masyado.” saway ni mama, iniharap ko kasi sa mukha niya. “Hay. Sorry ma, naeexcite lang ako.” Sabi ko. “68/100…. Not bad. Mataas na ito dahil Math ang subject. Pero bakit walang solution ang mga sagot mo? Puro answers lang?” Tanong ni mama. Lagot… mahuhuli pa yata ako. “Sa ibang papel ko nilagay ang solutions ko.” I tried to lie knowing that the first time my mom laid her eyes on the papers, she already knew the truth. “Okay. Enough of those lies. Halatang nangopya ka.” sabi ni mama. “Ma, a deal is a deal. Hindi naman kaya pweding maging apple ang deal. Kaya a deal is always a deal.” Okay, hindi ko alam kung saan ko galing iyon. That was the lamest joke I've ever made. Well, I think there's a lot more. “Huh? Nakainom ka?” Si mama. “Opo, uminom ako ng Mogu-Mogu yung lychee bago umuwi. Bakit po?” “Hay! Pinapasakit mo lang ulo ko, hintayin mo ako dyan, kukunin ko lang ang bag ko.” Sa pagkahaba-haba ng byahe ay sa huli iyon din ang sasabihin ni mama. Anong problema non? Itinatanong niya kung nakainom ako tapos sinagot ko naman. Nakakasakit ba ng ulo iyon? Tsss… si mama talaga. *Fast forward…* “Okay na ba itong iPhone 6?” Tanong ni mama “Yeah, ma. Okay na yan.” “Hintayin mo ako dito,” sabi ni mama. While waiting for my mom, I saw two guys. Hindi ko sadya pero I overheard their convo. “Pare, mas okay itong silver na 6.” sabi ng isang lalaki sa kasama niyang lalaki. “Hindi, itong gold," sabi naman ng nakatalikod na lalaki. “Silver nga…” “Gold…” "Silver.” "Gold.” Napakamot ako ng ulo, dahil likas na ang kakulitan sa katawan ko. Naglakad ako palapit sakanila and joined their conversation. “Oh mga pare. Mukhang may mis-understanding dito ha? Alam niyo, ang mabuting gawin niyo bili ka na lang ng silver na 6 and then bili ka rin ng gold na iPhone case, or vice versa. Parang walang gulo…tsss..” singit ko sa usapan nila. Hahaha! Wala lang, trip ko lang. Napatanga ang lalaki. At humarap naman ang lalaking nakatalikod sa akin. “DJ!” nasigaw ko, hindi ko kasi expect na siya 'yon. “Ikaw pala iyan.” nakangiting sambit ni DJ. Ayan na naman ang ngiting iyan! Kinikilig ako. Pakelam niyo ba? Ewan… Trip lang. “Anong ginagawa mo?” tanong ko. “Bumibili ng bagong phone…” sagot nito. Napatingin naman ako sa kasama niya mukhang shocked ito. Shocked na shocked sa kagandahan ko. Hahaha! Ang yabang ko! Ewan, trip ko lang. Dumikit ako ng pasimple kay DJ at bumulong… “Anong nangyari sa kasama mo?” bulong ko rito. “Hayaan mo na yan. Ganyan talaga iyan 'pag nakakakita ng maganda.” sagot nito. Kinilig naman ako, maganda pala ako sa mata ni DJ. “Ah… ang weird naman.” “Parang ganon na nga.” “Anong parang? Weird talaga.” pangungulit ko. “Hahaha! Sige na nga, ang weird niya." tawa ni DJ at saka ginulo nang bahagya ang buhok ko. Oh my! Nasa langit na ba ako? Hay! Bawal pala ako dun! “Baby?” Narinig kong tawag ni mommy. She was looking at the gentlemen in front of me. “Ma, I want to introduce DJ….?” sabi ko sa mama ko at bumulong kay DJ, “Ano nga palang real name mo?” “I’m Daniel John Alcantara. Nice meeting you, Ma’am.” pagpapakilala ni DJ. Ewan ko kung guniguni ko kang iyon pero nakakita ako ng kaba sa mga mata niya. My mom can really be intimidating. Kaya natatawa ako kapag may natatakot sa kanyan. “Don’t call me Ma’am, Tita na lang. Tutal kaibigan ka naman ng baby kath ko.” sabi ni mama. My mom was being nice, I knew it. Because this is actually the first time I introduced someone to her, and he was not even my friend. “Ah…Kath.” mahinang sabi ni DJ. Hindi pa pala alam ni DJ ang name ko. “Yeah… and by the way, who is he?” tanong ni mama sa guy na hanggang ngayon ay shocked na nakatingin pa rin sa akin. “My friend…Enrique.” pakilala ni DJ. “Ma, nakabili ka na ng case?” tanong ko kay mama. “Pili ka sa mga nakadisplay.” sabi ni mama. “Yung isa don ma. Yung couple case…” sabi ko kay mama. “Pero dalawa yun, baby.” She reminded me. “Okay lang po. Dalawa naman ang iPhone 6 ko e.” nakangiting sagot ko kay mama. “Huh? Dalawa? Isa lang ang binili ko sayo ha?” nagtatakang tanong niya. “I forgot to tell you, ma. Binili pala ako ni papa, nakalimutan ko.” pa-cute na sabi ko kay mama. “Okay…okay. Wait for me here.” “Yung gold mas maganda, para parehas tayo.” sabi ko kay DJ. Okay, ako po ay isang dakilang feeling close. “Okay, I’ll take it.” Lumapit ito sa may counter at kinausap saglit ang tagatinda non. “Baby, lets’ go.” Pagkatapos ay agad na akong tinawag ni mama. Bago kami umalis, nagpaalam muna ako kina DJ. “DJ! Alis na kami.” “O sige, ingat!” nakangiti siya habang sinasabi niya iyon. Hmm...malayo sa DJ na nakikito ako sa campus. Naglakad na ako palapit kay Enrique na nakatulala pa rin. Anong problema nito? Tss… anong klasing trip yan? Magaya nga iyan. Tumigil ako sa harapan niya at nagkunwaring nakatulala rin sa kanya. “WOOOOY!” Saway ko rito pagkatapos. Mukhang nagising naman ito. Malakas na ang topak ng lalaking ito. Gwapo rin sana. Bakit kaya shocked na shocked iyon? Ganon na ba ako kaganda? Tss…wala lang, trip lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD