Chapter 3

1171 Words
KATHRYN'S POV “Uy! Penge naman ako niyan?” Kasalukuyang humihingi ako ng Mogu-Mogu sa classmate ko. Ayokong bumili, trip ko lang. Sabi kasi, mas masarap 'pag libre. “Ayoko, ang yaman mo. Ba’t di ka bumili?” Sabi nito. Wow ah! Ang damot! “Sige na oh…” “Ayaw.” “Uy, si DJ oh!” Sabi ko para madistract ito. “Nasan?! Ituro muna..Biliiiss!” Bigla itong nag-hysterical na parang nag-eend of the world na. Kung maka-react, wagas. “Penge muna…” Hahaha. Uso na ang Black Mailing ngayon. Haha! “Eto, sayo na…” Bigay nito sa Mogu-mogu niya. Mabilis kong tinanggap iyon,“Salamat, alis na ako…” “Eh, si DJ?” “Umalis na rin eh…hindi mo nakita kanina tinignan ka niya. Kinikilig nga ako e.’’ pang-uuto ko rito. “Wow! Talagaa!!! Ohmygaad!” We're talking about OA-ness here. “Tss..Maniwala ka naman. Sige mauna na ako ha? Byee…” Nung sinabi ko iyon bigla akong tumakbo palayo. “Nakakainis ka talaga Kath! Pasalamat ka at mabait ako!” Naka-pout na sabi nito. Sanay na talaga sila sa akin, ganun talaga…kahit loko ako, mabait naman. Yun ang sabi nila. “Hello…” Sabi nung lalaki sa likuran ko habang pumipila ako, bibili ako ng mogu-mogu. Feel ko kasi, magkukulangan ako dun sa hiningi ko. “I don’t talk to strangers…sorry.” Sabi ko habang nakatalikod. Iba na talaga kapag sikat, kahit sino kinakausap ka, kahit sino gustong magpapicture, kahit sino--- “Ah, stranger na pala ako ngayon?” Nilingon ko yung lalaki. Ohmygolly. It's DJ! “Hello, Dhie!!!” Medyo napalakas na sabi ko. Narecharged na ang katawan ko nang siya'y aking masilayan. Loko lang. “Dhie?” mahinang sabi niya. Maybe he's wondering kung bakit may nickname na ako sakanya. Feeling close ho kasi ako. “Oo, Shortcut for DJ.” Natawa naman siya sinabi ko,“Shinort-cut mo pa, eh ang ikli na nga nung DJ.” “Wala lang, trip ko lang…” My favorite script talaga ever… Haha! “Kumusta?” tanong ni DJ. “Ayos lang naman….” sagot ko at humarap sa tindera sa cafeteria, “Ate, Mogu-mogu po…Yung lychee. Tatlo.” Masayang sabi ko. “Mauubos mo iyon?” tanong niya. Lagi namang may nagtatanong sa akin niyan. “Oo naman…” sagot ko at binarayan na yung binili ko. Bumili rin si DJ ng mogu-mogu at umupo sa harapan ko. “Ba’t ganyan ka uminom nyan?” tanong ko sakanya, kasi naman direretso niyang iniinom yung Mogu-mogu. “Panu ba? Ngayon lang ako nakainom nito…” kumunot naman ang noo nito, nagtataka siguro kung bakit may tamang pag-inom dito. “Ganito… Kapag iinom ka, hwag mong diretsuhin, mas masarap kasi kung kakagatin mo din yung nata de coco…Like this.” Ipinakita ko sakanya kung paano. “Tapos, sabihin mo….’Hmmm…yum yum yum yum…Delicioso!” Sabi ko at natatawa naman ito. “Hahaha! Kasama pa ba talaga iyon?” Natatawang tanong ni DJ. Minsan lang ito tumawa, ang cute! “Oo, sige…sabay tayong uminom ha?” Sabay nga naming ininom yung mogu-mogu namin. Natuto na rin ito. “Yum..yum..yum,..yum….Delicioso!” Sabay na sabi namin. At saka kami tumawa… “Hahahaha!” tawa ni DJ. “Bakit ang saya ni DJ? Kapag kasama niya si Kath?” “Sino ba naman hindi matatawa kapag kasama niya si Kath?” “Sabagay….pero parang may something eh.” “AYYIIIEEEHHH….” Panunukso ng mga tao sa cafeteria… Okay, ako na kinikilig. “Nakakatawa ka talaga, Kath!” Sabi ni DJ. “Talagaa?!” Sabi ko. Eing? Diba ayokong natatawag na ‘Nakakatawa’ Bakit pagdating kay DJ, parang natutuwa pa ako. ANO BANG NAGYAYARI SA AKIN? Naengkanto ba ako? “Oo… Napapasaya mo ako.” Sincere na sabi nito. “Good. Oh kumusta na?” Tanong ko. “Ayos lang naman, ikaw?” “Kinamusta mo na ako kanina ah…” Sabi ko. “Oo nga pala, ibahin ko na lang… Kumusta na ang iPhone4s?” Tanong ni DJ. “Ay! May naalala ako…wait lang ha?” Sabi ko at kinuha ang isang iPhone4s ko sa bag ko. “Sayo na lang…” At saka ko ibinigay yung iPhone4s ko sakanya. “Huh? Diba ito ang binili mo kahapon?” “Oo.” Sagot ko. “Eh, ba’t binibigay mo sakin? H’wag mong sabihin nagsawa ka na agad…” Sabi ni DJ. “Hindi, dalawa kasi yung nabili nila sa akin.” “Ah… Eh bakit mo ibinibigay sa akin?” Tanong nito. “Eh, kasi dahil sayo ibinigay sa akin iyan…” Sabi ko. Nalito naman ito. “Paano?” Nalilitong tanong nito. “Ganito kasi iyon, sabi ni mama kapag napasa ko ang test ko, ibibili niya ako ng iPhone4s. dahil alam kong imposibleng mangyari iyon, nagpabili na lang ako kay daddy. Natatandaan mo nung itinanong ko kung may girlfriend kana? Yun yung favor nung classmate ko, nung una ayaw kong itanong kaso sabi niya papakopya niya ako kung itatanong ko iyon. Kaya pumayag ako at nakapasa ako sa test, kaya ibinili ako ni mommy at naibili na rin pala ako ni daddy. Kaya nadoble…” Pagkukwento ko. “Ahh…ito ba yung iPhonecase na binili mo?” Tanong nito… “Oo…Ang cute diba?” “Oo.” “Sayo na yung iPhone ko ha?” Sabi ko. Kinuha naman niya yung phone at inalis yung case. Ah! Baka ayaw niya yung case na iyon. Pero cute naman ha? “Akin na lang tong case, hindi ko tatanggapin iyang iPhone4s.” “Sayo na toh eh…” Pangungulit ko. “Nakabili na ako kahapon, diba?” At saka kinurot ng bahagya ang ilong ko, Oo nga pala, bumili rin ito, “Sige, sayo na lang iyang case.” Sabi ko. “Salamat…” Nakangiting sabi ni DJ. At saka inilagay yung case sa iPhone4s nito. Inilabas ko rin yung iPhone ko. Na may kapartner nung couple case. “Ang cutee!!!” Sabi ko nung pinagdikit namin yung iphone namin. “Picture-an natin.” Sabi ni DJ. “Eh, pano?” “Gamitin mu yung isa mong iPhone.” “Ah o sige..” Pinicture-an ko nga. Ang cute talaga, parang ako lang. he-he-he. (Nasa gilid yung pic) “DJ? May naalala lang ako. Yung kasama mo nung binili natin ito….” “Napano?” singit nito. “Hmmm…Ganon siya makatingin?” Tanong ko. Mukha namang nabigla si DJ. “Si Enrique? Uhmm… a-ah…” Tila ninenerbyos na sabi ni DJ. Ano bang nagyayari dito? Bakit parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha nito??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD