DJ’s POV Pagkatapos ng mga pangyayari, uhm, kalokohan ni EJ noong Haloween wala namang ibang nangyari. Napatawad na kami ni Kath kaya wala ng problema. Naging normal lang ang mga buhay namin, masaya, pero syempre may darating ding mga problema pero ngayon masasabi kong mas naging matatag ang pagsasama namin ni Kath. Nalalampasan na namin ang bawat problema namin. Kaya lalo kaming napapamahal sa isa’t isa kasi hindi lang love ang binibigay namin…kasama din ang trust. Trust? Hindi ko alam kung deserving ang trust na ibinibigay sa akin ni Kath…pero sinisikap kong maging deserving ako para doon. Sabay kaming nag-enroll ni Kath for the second semester. Walang pagbabago sa university. Sa barkada? Same pa rin, kami kami pa rin. Si Julia at Coco, sila pa rin. December na ngayon, malapit na ang

