DJ’s POV Hinatid ko muna si Kath tapos dumaretso na sa bahay. Gusto pa nga ni Kath na ngayon na daw siya ipakilala kaso ang sabi ko bukas na lang tutal sa bahay namin siya magno-Noche Buena. Pumayag naman siya inasar pa nga niya ako na baka mas gwapo daw si TJ sa akin. Imposible yun, mas gwapo ako dun. -- “Bro! Wazzup man?” Nakipag-apiran ako kay TJ. Kahit paano eh namiss ko toh. “Buti naisipan mong umuwi.” Sabi ko at saka umupo sa may sofa. “Na-miss lang kita, bunso!” Asar, ayaw na ayaw ko talaga kapag yun ang tinatawag niya sa akin. “Babae ‘yan noh?” Hindi niya ako sinagot basta nagkibit balikat na lang. “DJ, TJ, kain na daw tayo.” May narinig akong tumawag sa amin. Si Baby Moosh! Nilapitan ko siya at saka niyakap, “Namiss kita, pinsan!” “Hahaha, oo na. Nagugutom na ako, kain n

