Kathryn’s POV Do you know the feeling na…nakabuo ka ng malaking puzzle? Yung feeling na nalaman mo na ang buong pagkatao mo? Diba dapat masaya ka? Pero bakit iba ang nararamdam ko…bakit masakit? After kong makita si TJ that night bigla na lang akong umalis sa bahay nina DJ, hinabol ako ni DJ kaso pinaki-usapan ko siyang hayaan na muna ako. Umuwi na lang ako sa bahay nang walang nakakaalam na nakauwi na pala ako. Basta ang alam ko lang naghilamos at natulog na ako. Pagkagising ko ng umaga, wala ako sa sarili, parang bang pinagtaksilan ako ng mundo. Napatingin ako sa may side table may nakalagay na pagkain dun with note… “Baby, cheer up! There are reasons behind everything. –Mama” Naiyak na lang ako habang iniisip lahat. Ngayon, masasabi kong normal na ako. Kakilala ko na ang buong ako.

