HEAD MASSAGE

1203 Words
AV ➭ 008 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaking nasa harap ko. Duda ako sa dahilan niya pero sa kabilang banda ay pabor ito sa akin para mas masubaybayan ko pa ang bawat kilos niya. “Okay, Sir. Kung ‘yan ang gusto mo.” Pag sang-ayon ko. Lumawak naman ang ngiti ni Feitan na animo’y nanalo sa online sabong. “Good. Pinapunta ko na dito ang mag-lilipat ng gamit mo.” Ilang minuto lang ay dumating na ang mga taong naglipat sa mga gamit ko. Nakapwesto ako malapit sa pintuan pero tanaw na tanaw niya lang ako. Nasa unahan niya ako at siya naman ay nasa kanang bahagi ko, parang pa letter L. Simula ng dito na ako nakapwesto sa loob ng opisina ni Feitan, hindi na ako mapalagay. Pakiwari ko ay palagi niya ako tinititīgn pero sa tuwing susubukan ko lumingon sa kanya, naaabutan ko naman siyang nakayuko at nakatingin sa papeles or ‘di kaya ay sa laptop niya. “Weird.” Bulong ko sa aking sarili. Am I hallucinating? Sanay ako magmasid sa kilos ng mga tao lalo na kung target ko ito pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko nakamasid siya sa bawat kilos ko hindi dahil sa may balak siyang patāyin ako kundi para siyang isang stalker na gusto pagmasdan ang mga kilos ng taong kinahuhumalingan niya. Ilang taon ako nag-training bilang ássássin pero nasa tabi ko lang ang taong pinaghihinalaan ko na nakamasid sa ‘kin, hindi ko pa mahuli-huli sa akto! Ang init ng pakiramdam ko ngayon kaya naisipan ko ipunin ang nakalugay kong buhok sa isang kamay ko para itaas sandali at punasan ng wet tissue. Bakit ba parang ang hina ng aircon? · · ─────── ·𖥸· ─────── · · ZACH FEITAN HUXLEY ⚜︎ “Dāmn it!” Mahinang mura ko sa aking sarili. Napalunok ako ng laway ng makita ang napaka kinis at napaka puting batok ng secretary ko. Ano ba ang meron sa babaeng ‘to? Manang kung manamit at laging walang emosyon kung makipag usap sa ‘kin. Higit sa lahat, hindi naman niya ako inaakit pero kakaibang pakiramdam ang dulot niya sa akin kapag nakikita ko siya o kahit sumagi man lang siya saglit sa isip ko. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na dito siya sa loob ng opisina ko magtrabaho, para kasing ako na mismo ang nag-torture sa sarili ko. Gusto ko na lagi siyang nakikita bagay na hindi ko maintindihan sa sarili ko. “Nababaliw na siguro ako.” Kausap ko sa aking sarili at mabilis na binaling ang tingin ko sa document na hawak ko ng lilingon na si Levana sa gawi ko. Manyak na ba ako kung sasabihin ko na pinagnanasaan ko si Levana ng hindi ko naman gusto gawin? Kusa ko lang talaga ito nararamdaman whenever she’s around. I consulted my best friend, Wesley about my situation-na pagdating kay Levana, nabubuhay bigla ang pagka lalaki ko bagay na hindi ko naman nararamdaman sa ibang babae. Si Wesley ang personal doctor ko at pinakamatalik na kaibigan mula pagkabata. Hindi siya naniniwala sa himala pero sa nangyayari sa akin lately, parang gusto na niya maniwala. Iniinom ko naman ang mga niresta niyang gamot noon pero wala naman nangyayari kaya tinigil ko na tapos bigla na lang isang araw nagkaroon na ako ng erēction at nagsimula lang ang lahat ng masilip ko ang dibdib ni Levana ng hindi sinasadya. Bawat araw sinusubukan ko naman pigilan ang sarili ko magkaroon ng ibang feelings para kay Levana. Empleyada ko siya kaya hindi tama na taluhin ko siya and without any affection, Levana is spectacular. Siya lang ang namumukod-tanging secretary ko na kayang higitan ang expectations ko pagdating sa trabaho. Malaking kawalan siya sa akin kapag ng resign siya dahil lang sa kagaguhan ko. “Sir.” Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng kanina pa laman ng isipan ko. “Ehem… Yes?” I leaned forward and looked at her intently. Kakaibang babae siya. Hindi ko mabasa ang laman ng isip niya. “I just want to remind you that you have a meeting with Mr. and Mrs. Laude this afternoon. Here.” Nilapag niya sa table ko ang isang flash drive. “Naka-save diyan, sir ang report na kailangan niyo para mamaya. Kindly check kung may gusto ka pa idagdag or ipabago.” Hindi agad nag-sync in sa utak ko ang sinabi ni Levana. Abala ang diwa ko sa pag-iisip kung ano ba ang kaibahan ng dibdib niya sa ibang babae at bakit sa kanya lang ako nagkaganito. “Are you with me, Sir Feitan?” Kunot-noo na tanong ni Levana. Tumikhim at niluwagan ko ang necktie ko. Umiwas din ako ng tingin sa nakakaakit niyang hinaharap. “Sorry. What is it again?” Muling bumalik sa malamig ang tingin niya sa ‘kin. “Tapos ko na ang pinapagawa mong report. Please check the soft copy kung may kailangan pang ayusin.” Tumango-tango ako. “Alright. Thank you.” “You want something to drink, sir? Mukhang kailangan mo ng maiinom.” Hinilot ko ang ulo bago tumango. Sumakit ang ulo kakaisip. “Yes, please.” ang nasa isip ko ay dadalhan niya ako ng kape. Umalis agad si Levana sa harapan ako at ilang sandali lang ay bumalik din agad. Hindi na ako nag-abala na tingnan siya. Nanatili lang ako na nakapikit habang nakatukod ang dalawang siko sa lamesa at hinihilot ang sintido. Masakit ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog kakaisip kay Levana at sa nakakahiyang sakit ko. Agad ko na langhap ang mabangong amoy ng nilapag niya sa lamesa. Sigurado ako na hindi ito ang kape na madalas ko inumin. Natuod ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ang dalawang malambot na mga kamay na masarap na humahagod sa ulo ko. “Ako na, Sir. Inumin mo na lang ang tsaa mo.” Malumanay niyang sabi. Inabot niya muna sa akin ang tasa ng tsaa tsaka muling sinimulan ang paghilot sa noo ko. “Ang sarap.” Mahinang sabi ko ng bahagyang diinan ni Levana ang pag pisil sa sintido kasabay pa nito ang paghigop ko sa masarap na tsaa. “Marunong ka pala mag masahe, Ms. Levana.” Basag ko sa katahimikan. Tinakpan ko ng folder ang pagka lalaki ko para hindi niya mapansin ang umbok nito. Fück! Ang hirap pag labanan ng tukso. Ang sakit na ng puson ko! “Ang mommy ko ang nagturo sa ‘kin. I mean, ang nanay ko.” Wika niya. “Hindi mo naman ito kailangan gawin pero salamat. Kanina pa kasi talaga masakit ang ulo ko.” I said honestly. “No worries, Sir Feitan.” “By the way, anong tsaa ito? Masarap at mabango.” Muli akong humigop ng sunod-sunod na halos maubos ko na. “Yan ang dalang tsaa ni Sir Wesley kahapon. Ipainom ko daw sa ‘yo.” Balewala niyang sabi at mas diniinin pa ang bawat hagod sa ulo ko. Ang sarap talaga! “Dala ng kaibigan ko?” Nagtataka kong tanong. “Yes, Sir. ‘Yung honeymoon tea.” Bigla ko naibuga ang iniinom ko. “What the hēll!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD