AV ➭ 007
❀
❀
❀
LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †
Dito sa isang mamahalin na restaurant ko nakitang huminto ang sasakyan ni Feitan. Pinarada ko ang motor ko sa hindi kalayuan. Pumasok si Feitan sa restaurant matapos may sabihin sa dalawa niyang bodyguard. Base sa galaw ng bibig niya, sigurado ako na sinabihan niya ang mga ito na dito na lang sa labas maghintay.
Ilang sandali pa ako naman ang pumasok sa loob. Kampante naman ako na hindi niya ako makikila bilang secretary at bilang nagbanta sa buhay ng uncle niya. Malayong-malayo ang itsura ko sa pagiging old fashion na secretary at suot ko pa rin ang dark brown contact lense ko kaya hindi niya makikilala ang asul kong mga mata.
I am wearing a black form-fitting tank, high-waisted leather pants, and a pair of ankle-length boots na pwede kahit mag-drive ako ng motor. Hindi gaya ng araw-araw na nakikita sa akin ni Feitan na maluwag na blouse na patay ang kulay at mahabang palda na pang manang. Wala din akong make-up at lalong wala akong malaking nunal sa mukha na muntik pa ako ipahamak.
Pagpasok ko sa pinto ay may nakasabay ako at hindi sinasadyang nagkabanggaan ang mga balikat naman. Sinundan ko na lang ang tingin ang likod ng taong ‘yon ng tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok na parang walang nangyari. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil hindi naman siya lumingon sa akin, nakasuot din siya ng jacket at facemask. Nailing na lang ako at hindi na pinatulan pa.
Mabilis na sinipat ng mga mata ko kung nasaan si Feitan, nakita siya sa dulong bahagi. Tumaas ang isang kilay ko ng may babaeng parang clown na biglang yumakap sa kanya at humalik sa pisngi pero wala naman reaksyon si Feitan. Bakante ang lamesa na nasa likuran ni Feitan kaya dito na ako umupo para mas marinig ko kung ano ang pag-uusapan nila.
“Aalis din ako kaagad. Ano ba ang kailangan mo sabihin, Aryssa?” Malamig na tanong ni Feitan sa babae.
“Ahm, Zach… Nakiusap kasi si mommy kung pwede ka daw dumalaw sa mansion. Gusto ko daw niya ipagluto.” Mapang akit na sabi ng nagngangalang Aryssa.
“Look, Aryssa. You know how busy I am. Abala ako sa pagpapahanap sa taong nagtangka sa buhay ni Uncle Danilo kaya wala akong panahon pa para sa mga ganyang bagay. Kung wala ka ng sasabihin na importante, aalis na ako.” Walang emosyon na sabi ni Feitan. Naramdaman ko ang pagtayo ni Feitan pero agad nagsalita si Aryssa para pigilan siya.
“Wait lang, Zach. Kahit pagbigyan mo na lang ako mag-dinner ngayon. Samahan mo ako, please.” Napaismid ako sa sinabi ng babae.
“Tsk. Desperada.” Sani ng aking isip.
Kanina pa ako banas na banas sa babaeng ‘to. Ka-babae niyang tao siya pa talaga nagyayaya sa lalaki na makipag-date. Hindi ba niya nahahalata na ayaw sa kanya ni Feitan? Hmp.
“No, Aryssa. Kung kailangan mo ng makakasabay sa pagkain, you can go home ang eat with your family. Pwede rin naman iwan ko sa ‘yo ang isang tauhan ko, siya na lang kasabay mo. Now choose.”
Napangisi ako at may kakaibang tuwa sa puso ko ng hindi pagbigyan ni Feitan ang hiling ng babae. Hindi ko alam kung para saan ang ngiti ko, basta masaya lang ako.
“NO! I mean, uuwi na lang ako.” Tunog nalugi na sabi ni Aryssa.
“I'm going.” Tanging sagot ni Feitan tsaka tumayo.
Nang tumalikod na si Feitan para lumabas, napansin ko ang taong nakabanga ko kanina na tumayo din kasunod sa likuran nito. Ilang sandali lang ay sumunod na rin ako kay Feitan paglabas nito. Sinundan ko siya muli at sa isang malaking subdivision na ito pumasok. Hindi na ako nagtangka sumunod pa mula dito dahil mahigpit masyado ang siguridad nila. Nag-obserba muna ako ng ilang sandali sa paligid at sa mga dumadaan na sasakyan. Nang makabisado ko na ang paligid, tsaka ako umalis pabalik sa condo unit ko.
KINABUKASAN, bumungad agad sa akin ang babaeng malandi na mukhang clown. I mean, ang babaeng katagpo ni Feitan kagabi. Akala ko tapos na ang bangungot ko kagabi, may part 2 pa pala ngayong umaga.
“May appointment ka ba kay Sir Feitan?” Walang emosyon kong tanong dito nang papasok na sana ito sa opisina ni Feitan ng walang pasabi.
Taas kilay itong lumingon sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng may panghuhusga. “Sino ka naman? Mukhang janitress ka lang naman dito. Nasaan ang boyfriend ko na amo mo?” Arogante na tanong nito.
Seryoso at malamig kong tinignan ang babaeng makapal ang pintura sa mukha. “Hindi ako ang tanungan ng nawawalang kalabaw. Kung wala kang appointment sa boss ko, mawalang galang na pero makakaalis ka na.” Tumalim ang tingin ni Aryssa sa akin at aktong sasampalin na ko pero may kamay na agad humarang dito.
“Stop it, Aryssa. Subukan mo pagbuhatan ng kamay ang secretary ko o kahit sino sa mga empleyado ko, hindi ka na makakatungtong sa lahat ng properties ko kahit kailan.” Nakakatakot na sabi ni Feitan. Wala sa itsura niya ang pagbibiro.
“H-hindi ko naman siya talaga gusto saktan, Zach. ‘Yang secretary mo naman kasi eh, nagtatanong lang naman ako kung nasaan ka, ayaw ako sagutin ng maayos. Napaka bastos.” Ang sarap padugüin ng sinungaling niyang bibig.
“I heard everything, Aryssa. Humingi ka ng tawad sa secretary ko at palalampasin ko ang ginawa mo ngayon.” Seryosong wika ni Feitan. Lihim naman akong napangisi.
“H-ha? Pero…” Kontra nito pero masama lang ang tingin sa kanya ni Feitan.
“S-sige.” Lumunok muna si Aryssa ng laway bago humarap sa ‘kin. “S-sorry, M-miss.” Hindi ko naramdaman ang sincerity niya. Well, expected ko naman ‘yon. Saglit ko pa nakita ang pagtalim ng tingin niya sa akin.
“Okay.” Tanging sagot ko lang tsaka bumalik sa ginagawa ko kanina.
“Makakaalis ka na, Aryssa. I have meetings today.” Tinalikuran ni Feitan ang babae.
“S-sandali, Zach! May dala akong…” Hindi nagtuloy ang sasabihin ni Aryssa ng huminto si Feitan at nagsalita.
“Sumunod ka sa ‘kin, may gagawin tayo.” Saad nito ng hindi lumilingon.
“T-talaga? Oo, sige!” Excited na sabi ni Aryssa. Nagmamadali na lumapit si Aryssa kay Feitan pero magka salubong ang mga kilay na humarap si Feitan sa babaeng mukhang clown.
“I’m not talking to you, Aryssa.” Lumingon sa akin si Feitan, “Sumunod ka sa ‘kin sa loob, Ms. Levana.”
Pagtalikod ni Feitan, nanlilisik na tingin ang binigay sa ‘kin ni Aryssa. Kuyom ang kamay niya at parang nanggigigil may gawin sa ‘kin na hindi maganda. Nginisian ko lang siya para lalo pa siyang asarin. “Āssuming.” Mahinang sabi ko malapit sa tenga niya bago ko siya tuluyan nilampasan.
Pagharap ko kay Feitan, saglit akong nagulat sa pamamaraan ng tingin niya sa akin. He is intently looking at me.
I composed myself and cleared my throat. “Ehem… Ano po ang ipagagawa mo, Sir Feitan?” His eyes darkened. Hindi ko mabasa ang laman ng isip niya.
“Feitan?” Tumango-tango siya at bahagyang ngumiti. “Ngayon lang may tumawag sa ‘kin ng second name ko. Ang ganda pala pakinggan kapag sa ‘yo galing. Sige, ‘yan na lang ang itawag mo sa ‘kin at ikaw lang ang papayagan ko tumawag sa pangalawang pangalan ko.” Makahulugan niyang sabi at ngumisi.
Mairita ang dapat kong maramdaman ngayon pero sa loob-loob ko ay napangiti ako. Nagsimula na maging questionable sa akin ang mga nararamdaman ako. Bago lahat ito sa akin.
Hindi ko binigyan pansin ang sinabi niya at tinago na lang ang konting saya na naramdaman ko sa loob ko. Bagay na hindi ko naman dapat maramdaman. Pamangkin pa rin siya ng target ko na halang ang kaluluwa kaya isang pagkakamali na magkaroon ako ng espesyal na nararamdaman para sa kanya. Hindi dapat.
“Pwede ko na ba malaman kung ano ang ipagagawa mo?” Seryoso kong tanong kay Feitan.
“Ah… yeah! Ipapalipat ko dito sa loob ng opisina ko ang table mo. Mula ngayong araw, dito ka na rin sa loob para lagi kita nakikita. What I mean is, para hindi na hussle kapag may kailangan ako ipagawa agad sa ‘yo. Mabilis lang kita matatawag.” Hindi ako agad sumagot at tinitigan lang siya.
Iyon nga ba talaga ang totoong dahilan?
Bakit pakiramdam ko may iba siyang intensyon?