AV ➭ 006
❀
❀
❀
LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †
“Hikain, para sa anong sakit ba ang honeymoon tea?” Biglang na ibuga ni Hikaru Ryosuke ang kapeng hinihigop.
Narito kami ngayon sa coffeeshop ko-LH Café Noir. Wala akong pasok sa Huxley Enterprises ngayon dahil araw ng sabado.
“What's funny?” Inosenteng tanong ko. Nagpipigil kasi siya tumawa.
“Pūtā! San mo nalaman ang tungkol diyan?” Natatawa niyang tanong habang pinupunasan ang bibig.
“Sa kaibigan ni Feitan. Honeymoon tea lang daw kasi ang dapat inumin ng kaibigan niya kasi may sakit ito.” Dito na lumakas ang tawa ng kaibigan kong baliw. Nakahawak pa siya sa tiyan habang natawa.
Pinagtitīnginan na kami ng ibang customers. “What the f**k! Ilang taon na ba ang boss mo na ‘yan? Nasa 60’s na ba?” Tumigil na siya katatawa at pinunasan ang munting luha.
“Nope. He's just 30 years old.” Seryosong sabi ko.
Napanganga si Hikaru at hindi makapaniwalang nakatingin sa ‘kin. “King ina! Seryoso ka?” Tia gulat na gulat niyang tanong.
“Oo nga! Bakit ba? Para saan ba kasi ‘yun?” Naiinis ko ng tanong dahil ayaw pa sabihin agad.
“Sorry, sorry, hindi lang talaga ako makapaniwala. Hahaha! The main use of honeymoon tea ay para tumindig ang sandata ng lalaki at tumagal sa laban.” Ako naman ngayon ang napanganga at hindi makapaniwala sa narinig.
“What the hēll!” Tawa ng tawa si Hikaru sa reaksyon ko. Sana pala nag-research na lang ako at hindi na nagtanong sa kanya. Tsk.
Matangkad, may magandang pangangatawan, napakayaman at sobrang gwapo, hindi tinitigasan sa babae? Geez!
Paano naman ako? I mean ang magiging asawa niya?
“Bakit ko ba pinoproblema ang s*x life niya? Ang target ko ang dahilan kung bakit ako pumasok bilang secretary niya.” Kastigo ko sa aking sarili.
“Disappointed?” May tono ng pang-aasar na tanong ni Hikaru, tinaasan ko siya ng kilay.
“Pinagsasabi mo?” Mataray kong tanong.
“Kahit hindi ka na magsalita, pinahamak ka na ng facial expression mo.” Naiiling niyang sabi.
“Tss.” Tanging naisagot ko. Yeah, I’m a bit disappointed. Just a bit.
Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog sa cellphone ko. “Si Kohen Tandang.” Mahinang sabi ko. Sinagot ko rin kaagad. “Yes?”
“Pinapakamusta ni boss ang trabaho mo kay Danilo Verdad.” Bungad nito sa akin.
“Bigyan nyo pa ako ng konting panahon. Tatapusin ko ang nasimulan ko.” Kumunot ang noo ni Hikaru habang nakikinig sa ‘kin.
“Sige, ako na bahalang magsabi kay boss. Siya nga pala, kaya mo pa ba tumanggap ng iba pang trabaho? Ikaw agad ang una kong tinanong dahil ang next target ay related kay Danilo Verdad. Isa ‘yon sa mga tuta niya na baka sakaling may makuha ka.” Tanong ni Kohen.
“Sige, tatanggapin ko. Sino siya?”
“Great! Siya si Alec Javier, isang Mayor at kaalyado ni Danilo. Recruiter siya ng mga kabataan na rebelde at mga nasa lansangan na wala ng pamilya o ‘yong mga naglayas para ipasok sa sindikato. Ginagawa nila itong taga deliver ng droga, mga mandurukot at mga namamalimos. At kung bakit walang pamilya ang hinahanap nila, ‘yon ay para walang maghabol na pamilya at magpa imbestiga kung sakaling mamatay o mahuli ang mga kabataan dahil sa pinapagawa nila. Ang ibang kabataan naman na nakuha nila ay dinukot lang nila at sapilitan pinapagawa ng masama.” Naikuyom ko ang kamay ko sa narinig ko kay Kohen.
“I will send the full details to your email. A. S. A. P ‘to, Ashen Veil. Gigil na gigil na si boss sa Alec Javier na ‘yan. Bawat araw na nabubuhay pa ‘yan, maraming kabataan silang nakukuha.” Patuloy pa nito.
Lumingon ako sa paligid kung may ibang tao na maaaring makarinig sa akin bukod kay Hikaru. Nang masiguro na wala tsaka lang ako nagsalita. “Hihintayin ko ang email mo, Kohen. Mag mamanman muna ako sa kanya para mapag-aralan ko ang mga kilos niya.”
Matapos namin mag-usap ni Kohen, natanggap ko na rin agad ang detalye na kailangan ko. “Kailangan mo ba ng tulong ko?” Seryosong tanong ni Hikaru.
“Oo. Bago pa lang ako sa company ni Feitan at hindi ako basta pwede mag-absent baka sa mga sandaling wala ako may makaligtas sa ‘kin na kaalaman tungkol kay Danilo.” Tumango-tango siya bago nag salita. “Ano ang maitutulong ko?”
“Doon tayo sa opisina ko mag-usap baka may makarinig sa atin dito.” Pumunta kami ni Hikaru sa opisina ko dito sa loob ng coffeeshop. Selyado itong opisina ko, kahit may mag-construction dito sa loob, walang kahit anong inggay ang maririnig sa labas. May mga high-end CCTV camera din dito na pwede ko marinig ang pinag-uusapan ng narito sa loob at pwede din nila ako marinig kapag nagsalita ako sa speaker.
At kahit nasa ibang lugar ako kaya kong i-lock ang pinto kung sakali man may makapag bukas nito na may masamang balak gamit lang ang cellphone ko. Lahat ng controls sa opisina ko ay konektado sa device ko-cellphone at laptop. Thanks to my genius friend, Hikaru Ryosuke Yoshida. Hindi lang halata pero matalino talaga ‘yan.
“Ito si Alec Javier…” Pinakita ko ang larawan na sinend ni Kohen. “Alamin mo kung ano-ano ang daily routine niya at regular activities niya. Alamin mo rin kung anong weakness niya at ano pa ang ibang connection nila ni Danilo Verdad. Kailangan ko siya tapusin sa maikling panahon ng walang sablay. Hindi na ako maaaring magkamali ngayon.” Nakakaunawa na tumango naman si Hikaru.
“Sige, ako ng bahala. Tatawagan kaagad kita.” Sagot ni Hikaru.
Inasikaso ko lang ang ilang bagay dito sa coffeeshop ko bago ako umalis para magmasid sa mga kilos ni Feitan. Naglagay ako ng napakaliit na tracking device sa loob ng relo niya ng minsan niya itong maiwanan sa banyo noon. Walang kasiguraduhan kong ito pa rin ba ang kaparehong relo na susuotin niya pero at least, may chance na malaman ko ang location niya. Gagawan ko pa ng paraan ko paano ko ma-install sa cellphone ni Feitan ang special app na ginawa ni Hikaru para madali siya dito magkaroon ng access. I am sure na marami kaming makukuhang impormasyon sa cellphone niya sa kinaroroonan ni Danilo.
“Great! Suot niya ang relo.” Laking tuwa ko ng makita kong gumagalaw ang red dot sa screen ko.
Sinuot ko ang itim kong facemask bago sinuot ang helmet ko. Mabilis ko pinaandar ang motor ko na parang nakikipag karera papunta sa lokasyon ni Feitan. Hindi siya kalayuan kung nasaan ako ngayon. Ilang sandali pa natanaw ko na ang ang kulay Graphite Gray Metallic Mercedes-Benz EQS-Class na sasakyan ni Feitan.