CONNECTED

1222 Words

AV ➭ 020 CONNECTED ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Nakangisi na lumapit sa akin si Hikaru at ginulo muna ang buhok ko bago tuluyang umalis. Napanguso naman ako. Nang lingunin ko ang boyfriend ko, umiigting ang panga niya at mabigat ang awra na bumabalot sa kanya. “Love…” Tawag ko dito. Masama pa rin ang tingin niya sa likod ni Hikaru. “Nasaan nakalagay ang first-aid kit?” Matigas niyang tanong ng hindi pa rin inaalis ang masamang tingin sa kaibigan ko. Nagbuntong hininga muna ako, “galit siya.” Wika ko sa aking isip. “Hindi na kailangan, Love. Maliit na sugat lang naman ‘to. Hindi naman masakit.” Pagtanggi ko. Dito naman siya biglang lumingon sa akin na magkasalubong ang kilay at parang hindi sang ayon sa sinabi ko. “Where?” Seryoso nitong tanong. “Galit nga talaga siya.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD