AV ➭ 021 PROMISE ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Hating gabi na kami nakaalis mula sa police station pero si Hikaru ay nauna ng nakauwi kanina. Alam ko naman na he will still monitor me pagdating niya sa kanyang opisina. He will just hack the CCTV cameras sa loob at labas ng police station. “Love, ihahatid kita sa tirahan mo sa ayaw at sa gusto mo.” Sabi ni Feitan pagkapasok namin sa kotse niya. Huminga na lang ako ng malalim at tumango. “Sa tono ng pananalita mo parang igagapos mo ko kapag tumanggi ako sa ‘yo.” Natatawa kong sabi. “Talagang gagawin ko ‘yan, Love kung kinakailangan. Pero may ibang option ka pa naman.” Nilapit niya ang mukha niya sa ‘kin at inayos ang seatbelt ko. Napatitig naman ako sa kanya. “Ano naman ‘yon?” Tanong ko. “Kapag tumanggi ka na ihatid kita, sapi

