Napalunok ako nang makita si Nnyx. Seryoso ang tingin niya at walang kangiti-ngiti sa mga labi. Akala ko pa naman ay malalim na ang tulog niya! Nakaramdam ako ng kaba pero ikinahinga ko ng maluwag at talagang ipinagpasalamat ko nang makita ang suot niyang itim na slack pants--yung suot niya kagabi at itim na t-shirt na may print na 'Happiness' na isa sa mga damit ko. Gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang kagigising lang! mukhang hinanap niya ako kaagad. "Narito siya kasama mo?" tanong ni Karlos. Nakatingin siya at hindi niya inaalisan ng pansin si Nnyx habang palapit sa amin. I'm nervous because of the way he's looking at Nnyx. "A-Ahh, oo. Dumating kagabi ang Senyorito Nnyx," sabi ko at tumalikod kay Karlos. Pagkaharap ko kay Nnyx ay pinanlakihan ko siya ng mga mata na parang sinasab

