Natutuwa ako sa reaksyon niya. Hindi ko alam na ganito rin pala kapikon si Nnyx. At ngayon nga na nawala na siya sa mood ay tinigilan ko na. Hindi ko na rin siya inasar lalo at mukhang kapag tinuloy-tuloy ko pa ang pamumwisit ay baka sa kung saan na umabot ang mga labi niya. "Mahalaga ba talaga ang first kiss?" tanong ko. Hindi nakangiti pero nasa boses ko ang pagkatuwa. Why does he looks so cute while sulking like this? Parang unang halik lang. "Ikaw nga marami nang mga nahalikan na ibang babae," at sa sinabi ko na 'yon ay ang bilis ng paglingon niya sa akin ulit. Hindi siya sumagot kaagad dahil pumwesto siya sa tabi ko. Now, he's lying beside me. Nang tumingin ako sa kaniya at tumagilid ay iniangat naman niya ang braso upang gawin kong unan. My hand rested on his naked chest. Wala pa

