Hindi ko pa man nakikita at nakakaharap ang mga kaibigan ni Nnyx ay sa mga kwento pa lang niya, masasabi ko na matatag rin talaga ang samahan nila. "Pero, sikreto na muna ang relasyon natin, ha? hahanap ako ng tiyempo sa lola. Hindi rin kasi talaga naging maganda yung naging pag-uusap namin non." Sunod-sunod naman siyang tumango. Ayoko naman rin dumating sa punto na mamimili ako. Huwag naman sana. Umaasa pa rin ako na matatanggap ni Lola Pacita ang relasyon namin ni Nnyx. "Yeah. I will not rush, okay lang na sikreto muna because I understand more of what you feel right now. And I am sorry, baby. Naging mababaw ako at hindi kita inunawa." Muling yumakap sa akin ng mahigpit ang mga kamay niya at ibinaon niya ang mukha sa aking dibdib. "I am really sorry because I walked out on you ea

