Ang ibang mga kasambahay, si Lola at Ma'am Nyla ay nasa harapan para makita na umalis si Nnyx habang ako ay narito sa backgarden, nakaupo at patuloy ang pagdo-drawing ng mga disenyong bulaklak na napili ng Ma'am Nyla. Samantalang ang Sir Nicholas naman ay may dumating na bisita--Si Governor Matias. Nasa gazebo ang mga ito at nag-uusap. Inaasahan na bisita naman 'yon at matalik na kaibigan daw ng sir ang sinabi ng Kuya Lito. Matataas na tao talaga sila, pero para sa akin naman? hindi naman 'yon mabigat na dahilan para magkalayo kami ni Nnyx. I felt that will not be the reason. Napatigil ako sandali sa naisip ko at naipilig ko ang aking ulo nang ma-realize na nag-iisip ako ng tungkol sa hiwalayan. I sighed deeply and put down the pencil I was holding. Kinuha ko ang bottled water sa gilid

