Kampante na ako at wala nang bigat sa dibdib ko tungkol kay Olivia pero napalitan naman 'yon dahil sa mga salita ng Sir Nicholas. Napabuntong hininga ako nang isa-isa ko nang buhatin ang mga maliliit na paso. Naupo naman sa gilid ang lola at Ma'am Nyla. Naririnig ko na inaalo ng Ma'am ang lola ko. Nasaktan tiyak ang Lola Pacita. Haa. Iba rin ang tabas ng dila ng Sir Nicholas napakalayo sa ugali ng Ma'am Nyla. Kaya rin pala ganoon ang takot ni Nnyx sa ama. "Allie, don't think too much about Nicholas' words, okay? Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal ng anak ko. Mabait naman 'yon, minsan hay, ewan ko ba kung ano ang tumakbo sa utak niya at pati ikaw ay naisip niyang isa sa mga binibiktima ni Carson." Napangiwi ako. Talagang ang salita ay biktima. "Mabait po ang senyorito, Ma'am. To

