Chapter 1

1238 Words
Allie Carlottha Sandiego "Kahit kailan ay hindi ko naman sinabi kasi sa 'yo na magtinda ka ng isda, kabibe o ng kahit anong laman dagat sa palengke. Kita mo, ngayon ay ilang oras na lang ang pananatili ko rito at hindi mo pa ako makakasama sa hapunan dahil wala ka pa." Napakamot ako sa aking batok habang nakayuko at nakaharap kay Lola Pacita. Siya lang ang nag-iisa kong pamilya. Wala siya at madalang umuwi dahil Mayordoma siya sa mansyon ng mga Portano. Hindi ko naman kasi alam na uuwi siya ngayon araw, kadalasan ay sabado o linggo ang uwi niya. "Eh, lola, may pasok rin naman po ngayon kasi. Hindi ho ba at whole day ako sa school? edi, gabi rin ho ninyo ako maaabutan kung sakali." Umikot ang mga mata niya sa akin at pagkatapos ay umiling. Tinalikuran rin ako. Mabuti na lang, mukhang tapos na ata ang sermon ng lola? Sumunod ako agad sa kaniya, sumulyap pa sa may bayong na nasa ibabaw ng lamesa. Napangiti ako dahil baka may mga tsokolate ulit doon. "La, dito ka na lang kaya matulog? mabait naman ang Ma'am Nyla, hindi po ba? baka mapayagan kung tatawag na po kayo ngayon," sagot ko. Paano kasi, sa isang buwan ang uwi lang ng lola ay tatlong beses, swere kung magiging apat pa. Matagal na kasi siyang kasambahay ng mga Portano at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan. Hindi pa ako ipinapanganak ay naroon na siya. Pero ang kwento ng Lola Pacita, dati daw niyang alaga ang panganay na anak ni Ma'am Nyla. "Naku kang bata ka, hindi natin ugali na porke alam natin na mabait ay gagamitin na natin 'yon para sa pansariling kagustuhan," sagot niya. Napanguso nama ako. Paano ba? eh minsan lang naman. Saka kung ngayon na huwebes ng tanghali siya dumating, ibig sabihin ay hindi siya uuwi ng sabado. Isang araw na nga lang kami kung magkasama. "Hindi naman po sa ganon, 'la. Paminsan-minsan lang po naman. Hindi po ba pwede? kasi kung babalik na rin po kayo mamaya, eh." Napatigil siya sa paglalabas ng mga pinggan. Naglakad ako at naupo pagkatapos ay nagsalumbaba sa harapan ng lola. "Hayy, may mga bisita sa mansyon bukas kaya nga ngayon na ako umuwi rin dahil sa susunod na mga araw ay magiging abala ako." Sayang naman... "Ganoon ho ba, kung hindi po talaga puwede ay ayos lang, lola. Pero siguro naman po ay pwede na mahuli kayo ng pagbalik ngayon? kakausapin ko na lang ho si Mang Ando, sa kaniya ko po kayo ipahahatid sa sakayan ng bus," sagot ko. Umikot ang lola at nilapag ang pinggan sa harapan ko. Pagkatapos ay maingat na inalis niya ang pagsalumbaba ko. "Sabi ko na sa 'yo. Iitim ang siko mo kapag palagi mong itutukod sa lamesa." Ngumiti ako at tumango. Nagsimula nang maglagay ng pagkain ang lola sa pinggan ko. Hindi siya sumagot sa huling request ko kaya sa tingin ko ay ayos naman. Iyong una ay tinutulan niya, eh. Pagkaupo ng lola ay masaya kami kumain na dalawa. Pasulyap-sulyap rin ako sa kaniya. Sa tuwing uuwi siya ay ugali ko nang pagmasdan ng matagal ang Lola Pacita. Tinitingnan ko kung namamayat ba siya, kung dumarami ang puti sa buhok niya o kung may sugat siya. Siguro ang paranoid ko para laging gawin 'yon? Natatakot kasi ako sa paglipas ng panahon at labing siyam na taong gulang na ako pero ang bagal ng usad ng buhay ko. Gustong-gusto ko nang makatulong sa kaniya at bawat araw, iyong takot ko na magkalayo kami ay mas tumitindi. "Damihan mo ang pagkain, Allie. Pumapayat ka," sabi niya. Nilagyan niya ng putong puti ang pinggan ko. “Naku, ‘la! Malakas po ako kumain! Nasaksihan ‘yon nila Aling Martha nung kumain ako sa karinderya nila. Ang sabi nga po niya, malakas daw pala ako kumain pero ang payat ko, sa height ko daw po ata napupunta ang mga kinakain ko.” Mataas rin kasi ako, 5’7 ang height ko. "Pero kahit na, damihan mo pa rin at mag-vitamins ka. At iyang pagkain, isang tupperware na malaki ang dala ko. Ilalagay ko sa ref at para hanggang bukas maaari mo pang kainin. Iinit mo na lang. Mayroon rin akong dala na mga delata at noddles para kung abala ka sa paaralan at hindi makakapagluto ay madali kang makakakain. Huwag mong ginugutom ang sarili mo, Allie." Nanghaba ang nguso ko, pinatagal ko sa aking bibig ang tinidor pero nang mapansin ni Lola ay tinapik niya ang kamay ko. "Dalaga ka na, hindi maganda sa dalaga ang ganiyan," suway niya. "Opo." Lumaki ako sa pangangalaga ng Lola Pacita dahil kahit sino sa mga magulang ko ay ayaw akong kupkopin. Ang nanay ko ay nagtitinda sa palengke at ang tatay--na anak ni Lola, ay isang mangingisda. Sa totoo lang, inabandona na nga ng tatay ang lola ko noon kasi hindi nagbibigay ng pera, ang lakas ng loob iyang itakwil gayong inaruga siya at pinagtapos pero mas pinili niya ang buhay dito. Batugan at tamad magtrabaho. Sa tuwing tatanungin nga ako ng lola kung gusto kong magpunta sa nanay ko sa Maynila ay sagot ko na ayoko. Pero, gusto ko doon tumira, gusto ko makita yung malalaking building na napapanood ko sa TV. At ang nais kong makasama ay si Lola Pacita. Hindi ang mga iresponsable kong mga magulang. Siguro normal lang naman makaramdam ng galit? dahil tinakasan nila ang responsibilidad nila sa akin. Nakakainggit nga sa tuwing makakakita ako ng buong pamilya. Pero gayunpaman, hindi man rin kami madalas na magkita ng lola ay palagi naman niya akong kinukumusta sa tawag. Kahit ang lola ko lang, nararamdaman ko ang pagmamahal ng nanay at tatay sa kaniya. "Kamusta pala ang pag-aaral mo, Allie?" Tapos na kaming kumain at ngayon ay naghuhuga sna ako ng pinggan. Pero sa tanong ng lola ay napatigil bigla ang mga kamay ko. "A-Ah, ayos lang naman... po," mahinang sagot ko. Napangiwi pa ako. Ang totoo ay sa isang subject ko malapit na ako ma-drop. Lagot ako kapag malaman 'yon ng lola. Strikta rin kasi siya. Pero may kasunduan na kami ni Ma'am Zapanta. Ang dahilan naman ay hindi pagbabarkada... "Baka naman napapadalas ka pa rin sa dagat? Allie Carlottha, sinasabi ko sa 'yo, ang atupagin ay pag-aaral hindi ang pagsisid ng mga perlas at panghuhuli ng isda." Guilty ako don. Ayoko kasi hingin sa lola lahat ng pambayad sa school kaya naman nag-iipon rin ako. Bagay na ayaw niya. Nagagalit talaga siya at sinasabi na hindi pa raw ba sapat ang mga ipinapadala niya. Kaso syempre, matanda na rin ang Lola Pacita, 68 na siya, eh. Gusto ko na mabili rin niya kung ano ang mga gusto niya. Aam ko naman na nung wala pa ako, nagpapadala siya ng pera kay tatay, hindi niya natitiis kaya wala rin siyang nabibili para sa sarili niya. Tapos ngayon ako naman ang pinagkakagastusan. Pagkatapos namin kumain ng lola ay nagpaalam ako sa kaniya na magpapalit na muna ng damit. Tagong-tago ko pa nga yung supot ng mga sea urchins na nasisid ko kanina. Dadalhin ko sa dagat ulit mamaya, sabi ni Karlos iyong kaibigan ko ay hapon pa uuwi ang tatay niya, alas singko. Ito kasi ang kumukuha ng mga laman dagat na dinadala sa palengke para itinda. At naku, mabuti na lang talaga at nagpatagal ako sa dagat dahil natuyo agad ang buhok ko sa lakas rin ng hangin. Matagal pa naman itong matuyo dahil makapal ang pagkakulot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD