Chapter 14

1339 Words

Allie "Mukhang pagod na pagod ka, lola? marami bang ganap sa bahay ng mga Portano ngayon? madalas magpa-party?" Pabagsak na sumandal ng sofa ang Lola Pacita pagkauwi namin. "Haa, oo marami-raming ganap pero hindi naman mga party." Ito at malalim rin ang itim ng kaniyang mga mata. Akala ko ay wala na siyang masyadong trabaho doon sa mansion? baka naman sinasagad niya ang sarili niya? haay. Pagkagraduate ko talaga ng kolehiyo ay aalis na kami dito sa probinsya ng San Rafael Lorenzo. Mahalaga naman itong probinsya sa akin, lalo ang maliit na lugar na ito ng Maraveles pero kasi ang layo rin ng lola, tumatanda na siya. Kung pupunta kami ng Manila pag nagkatrabaho na ako ay wala naman na siyang ibang iisipin, ako na ang maghahanapbuhay para sa amin. Kaso lang matagal pa, apat na taon pa an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD