"I don't need this, lola." Nakapalibot sa akin ang tatlong lalake na sinabi ni Pacita na mga albolaryo. I can't believe this. Akala ko pa naman ay nagkaroon kami ng malinaw na usapan pero nang sabihin naman niya sa akin kanina na seryosong sitwasyon ito at hindi dapat baliwalain ay naintindihan ko naman siya. Maybe she is just really worried about me. I felt her care, she also wouldn't just tell lola the things that I do, nang may inuwi akong babae dito sa mansion noon ay tinulungan niya pa akong ipuslit palabas nang hindi nalalaman ng lola and she also warned the maids who saw about it. So yeah, for sure she did this out of concern. And I am not mad at Pacita. But then when it comes to my grandmother, siguradong aaksyon nga siya agad, like what is happening right now. Nasa gilid lang

