Pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon ay naramdaman ko naman na napanatag na rin si Nnyx. Siya na rin ang nagbuhat ng mga kahon. Dalawa lang naman 'yon. At nang maayos na ang lahat ay bumalik kami sa kusina at kumain. Hanggang sa maalala ko naman ang tungkol sa cellphone ni Nnyx. Gamit na niya 'yon kanina. "Ano pala ang nangyari sa cellphone mo?" tanong ko nang mapatingin doon na nasa lamesa. "About that... when we're about to go out, me and my friends to by gifts. A woman knocked on my room and said Olivia was in the hospital." Olivia... Pagkarinig ko pa lang ng pangalan ay naikuyom ko na ang mga kamay ko. "Because out of pity, at dahil na rin magkaibigan ang mga pamilya namin at walang ibang nakakakilala kay Olivia sa England ay pinuntahan ko siya para tingnan ang kalagayan niya. Pe

