Nakayari ako sa pagliligpit na na nag-aalala pa rin sa mga nalaman ko. Napatingin tuloy ako sa bahay namin ng lola, ayokong masira ito, ang lola ang nagpagawa nito, naghirap siya sa pag-iipon at kung matutuloy ang pagbebenta ay pati ito tiyak na magigiba. Napabuga ako ng hangin. Isa-isa kong kinuha ang mga picture frame na nakasabit at ilang mga sketch portrait na gawa ko. Kumuha ako ng kahon para ilagay 'yon at nang ang ibang mga larawan naman ang aabutin ko ay si Nnyx na ang kumuha non. Pati ang mga medals ko na nakasabit. "Lahat ba ng mga nakasabit na ito ay ilalagay sa kahon, baby?" tanong niya sa akin at namg tumango ako ay inilagay niya ang mga 'yon sa kahon. Dadalhin ko na sa mansion, naalala ko kasi na gustong-gusto na tinitingnan ng Lola ang mga medalya ko. Isasabit ko sa silid

