Nakasimangot si Nnyx habang katabi ko siya ngayon sa likod ng sasakyan. Kabaligtaran ng itsura ng Kuya Lito ngayon na nagmamaneho. Nakangiti at kumakanta-kanta pa ito ngayon. Ipinagluto ko na lang ito kanina ng hotdog at itlog. Naghanap ako sa mga ipapamigay at binawasan na lang. Natatawa pa nga ako kanina kasi nang malaman nito na si Nnyx ang nagluto ay biglang bawi na joke lang daw. "Allie, ang dami mo na trabaho pag-uwi. Naroon sa bahay ngayon ang mga amiga ng Ma'am Nyla at naku, nang makita ang mural mo sa likod, lahat halos ay gusto na magpagawa. Tinanong pa ang Aling Pacita kung magkano raw ang bayad, eh wala naman maisagot ang lola mo." Bigla naman napalingon si Nnyx sa akin na nakasalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana lang kanina. "She's busy with so many things already,"

