"Senyorito! Allie! I'm here na!" Ang bilis ng pagbangon ko nang marinig ang boses na 'yon ng Kuya Lito mula sa labas. Para 'yong alarm clock sa lakas. Sht! Kaagad ko na tiningnan si Nnyx na nasa tabi ko, nakayakap pa ang kamay niya at wala siyang pang-itaas na damit. Pero suot pa rin niya ang slack pants niya. "N-Nnyx!" matigas ko na bulong sa kaniya. Nag-iingat na huwag kaming marinig mula sa labas. "Allie! ay, wala ata sila dito? umuwi na kaya?" Napatingin naman ako sa bintana na nasa taas ko dahil lumalapit ang boses ng Kuya Lito. At nang makita ko na nakasarado na ang bintana na bukas kanina ay napahinga ako ng maluwag. Muli ko na tinawag si Nnyx, niyugyog ko rin siya pero umingit lang siya at iniyakap pang lalo ang kamay sa akin. "Andito na si Kuya Lito! Nnyx! ano ba!" "Hmm...

