Ramdam na ramdam ko ang emosyon sa mga salitang binitawan sa akin ni Karlos. Pati ang init ng palad niya na hawak ang kamay ko. "Karlos, naman." Nang bawiin ko ang kamay ko sa kaniya ay napatitig naman siya doon at napatango. "Pasensiya ka na, Allie. Hindi ko na rin kasi natiis. Ilang beses ko na sinabi sa sarili ko na hihintayin ko na lang na makauwi ka sa Maraveles para makamusta at makausap pero lumipas na ang ilang buwan hanggang sa mas tumindi yung pag-aalala at pag-iisip ko sa 'yo." "And I am sorry if I told them that I am courting you. Pero, Allie, hindi ba talaga pwede? Hindi pa rin ba pwede? a-ayos lang naman sa akin kung narito ka. Okay naman ako sa LDR." Hindi niya ako naiintindihan. "Wala ang pakikipagrelasyon sa isipan ko, Karlos. Magtatapos pa ako ng pag-aaral, dadalhin

