Hindi ako sumagot pagkatapos ng pagtatapat sa akin ng senyorito. Ang totoo ay sobrang nakakabigla. Pero dahil sa mga nangyari ng mga nakalipas na araw ay ang hirap paniwalaan ng mga sinabi niya. Nakatingin lang ako sa senyorito at ganoon rin siya sa akin. Nang umangat ang kamay ko at haplusin ang kaniyang pisngi ay napaawang ang mga labi niya. "Allie--" Pero napatigil siya sa pagtawag sa pangalan ko nang tumama ng malakas ang palad ko sa pisngi niya. "O-Ouch!" He was so surprised because of that hard slap I gave. Namimilog rin ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Kasabay ng paghawak niya sa nasaktan na pisngi ay kumawala ako sa pagkakahapit niya. "What... w-what was that for?" puno ng hinanakit na tanong niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Oo, nagulat pa rin ako k

