Ngayon ay parang natakasan naman na ako ng salita at hindi na nakasagot sa kaniya. May parte ko na naniniwala pero may parte ko pa rin na nagsasabing maaaring gusto lang niya akong subukan o gantihan dahil sa mga ginawa ko dati. Pero kasi... yung mga mata niya, hindi ko nakikitaan ng pagsisinungaling. "Can you tell me what's running in your head, Allie? dahil parang lalabas ang puso ko sa kaba habang hinihihtay ang sasabihin mo." Napatikhim ako at dumausdos ang kamay ko na hawak niya na nasa tapat ng kaniyang dibdib. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa akin at hindi man lang lumuluwag ang pagkakapit niya sa baywang ko. "Sigurado ka ba talaga sa nararamdaman mo sa akin?" tanong ko. "I am certain. I even want to leave this country after realizing that I am in love with you." At iyon nama

