I glared at Arthur because of what he said. Alam ko naman na babaero ako pero kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na ito ang magiging dahilan ng kamatayan ko. But, on second thought? pwede naman nga na mamatay... sa sarap.
"Will you let me tell you the whole story first before you react?"
Tumango-tango naman siya.
"Okay-okay. Magkwento ka na."
I don't know why he looked so uninterested earlier when he came here but right now, he is giving me the aura that he wanted to know everything.
"I was mesmerized by the place that's why I stayed, but then I saw a woman. Nakatalikod sa akin at hindi siya masyadong malinaw sa paningin ko but damn, man. Even her silhouette in the water was sexy... half of her body is in the water, yung mga kamay niya ay nasa batuhan like she was lifting herself, even her curly hair was gorgeous. And her face..."
I closed my eyes to remember the woman's face. Tumagilid ito at tumingala sa buwan pero hindi pa rin sapat para makita ko ang mukha nito.
"You should--"
Nang marinig ko ang boses ni Arthur ay nawala ako sa pag-alala sa nangyari. Itinaas ko kaagad ang kamay ko sa pagtangka niyang pagsasalita.
"Shut up! let me finish!" I opened my eyes and looked at him again. Napangisi naman siya habang umiiling sa akin, paano ako makakatapos sa pagkukwento? alam ko na kapag nagkumento siya ay sasalungatin ko lang 'yon. Isa pa, malapit na maghapon, darating na si lola, hindi ko na matatapos ang pagkukwento ko sa kaniya.
"I followed the woman, then she suddenly disappeared. Naisip ko na baka sumisid siya dahil sa kilos ng tubig sa gawi kung saan ko siya nakita. Kaya naman mabilis akong umahon at pumunta sa dulo kung saan ako makakapunta sa pwesto niya. Then when I got to the spot, a cliff to be exact, I jumped but I didn't know the water was too deep."
And fck, I felt like the sea was swallowing me at that time.
"You didn't know? Nnyx, you know how to swim pero hindi ka nakaahon? o baka naglunud-lunuran ka para sagipin ka nung babaeng kinukwento mo?"
“Of course not! Babaero ako at gwapo, sanay akong ako ang hinahabol kaya hindi ako ganoon ka-desperado!”
Sa inis ko sa pagsingit niya ay binato ko siya kaagad ng throw pillow. Sapul naman siya sa mukha.
"Fck you, pero sinundan mo.”"
Hindi ko na pinansin ang pagmumura niya at sinabi niya dahil inalala ko ang nangyari. Napahilot ako sa sintido ko.
"I tried my best to swim, of course I know how. Pero iba ang lalim ng parte ng dagat kung saan ako tumalon na lang bigla dahil para akong hinihigop non pailalim. Idagdag pa na maalon at tumataas lalo ang tubig. Mas nahirapan pa ako at nawalan na ng hangin nang pulikatin ang paa ko.”
“And yeah, I thought I was going to die that time, Arthur. Really..."
Malalim akong bumuga ng hangin, nakatingin ako sa mga palad ko. I was gasping for air, hawak-hawak ko ang leeg ko non dahil hindi na ako makahinga. I held on to my necklace that lola gave while saying her name, thinking about her that she is waiting for me.
And that... that was the first time I prayed to God to save me. Nakakatawa man pero sinabi ko na hindi na ako mambababae basta makaligtas lang ako kahit sa kabila non ay tiyak mahihirapan akong gawin 'yon.
"When I thought I was going to die, I saw someone, Arthur. A woman. She's coming my way and because it's too dark in the water and I have night blindness, I didn't see her face until I passed out. I lost consciousness already. Akala ko nga nung time na 'yon patay na ako."
"Buti at nabuhay ka pa nga, tangna ka," kumento niya at uminom ng alak. Masama ko naman siyang tiningnan.
"Edi umiyak ka kung namatay ako?”
He just raised his middle finger at me.
“Well, I am safe and alive because a woman saved me, Arthur. Nang mawalan ako ng malay ay siyang pagsagip sa akin nung babae. She did CPR on me, her hands were on my face, her voice was pleading for me not to die, naririnig ko. But my eyes were damn heavy, hindi ako makadilat kaagad."
Pinilit ko naman pero kalahati lang ng mga mata ko ang bukas. Kahit nagawa ko, hindi ko pa rin ito nakita, madilim. That time I was cursing at myself for being blind in the dark. I really want to see her face, even if it's just for a second, fck.
"But one thing is for sure, that's the woman I saw in the water, sigurado ako na siya ang sumagip sa akin. I held on her body, my fingers felt her curly hair. Damn it," I smiled just by remembering what happened.
Hindi ko na ikinwento kay Arthur ang ginawa kong paghalik sa babae pero hindi ko namalayan na napahawak pala ako sa mga labi ko nang maalala 'yon.
"I won't ask what you did next," he said.
Ngumisi ako at pagkatapos ay sumandal sa sofa, hawak ko ang kopita ng alak at iniikot ang laman. After saying she saved me and asking if she is a mermaid instead of expressing my gratitude, I impulsively kissed her lips. And damn it, they were the sweetest and softest lips I've ever kissed in my life. Pero pagkatapos rin ng halik na 'yon ay binigyan niya ako ng malakas na suntok sa sikmura na ikinawala ko ng malay.
At syempre, hindi ko na ito sasabihin pa kay Arthur. Siguradong pagtatawanan lang ako ng bugok na 'to.
“Aahhh.” I groaned.
I slowly get up. Hindi ako makapaniwala na muntik na akong mamatay, pero mas lalong hindi makapaniwala na nawalan ako ng malay dahil sa suntok ng isang babae.
"That woman knows how to hit a man."
Ngiting-ngiti ako habang nahihirapan pa rin sa pagbangon. Ang kamay ko ay nasa sikmura ko. Nang tuluyan na akong makaupo ay napatingala ako sa maliwanag na buwan. Even if it is shining, my vision was not clear. Wala na dito yung babae at hindi ko man lang nakita ang mukha niya.
"If only I saw her face, I could find her easily."
Napahiga akong muli. My heart beat so fast. Hindi ako kailanman kinabahan ng ganito, hindi kailanman tumibok ng ganito ang puso ko dahil lang sa isang babae and even if death knocked at my door earlier, mas iniisip ko pa ngayon kung nasaan na siya na nagligtas sa akin.
"Fck, woman."
Napabalik ako sa realidad nang marinig ang baso ni Arthur na tumunog nang ikatok niya 'yon sa glass table bago muling salinan ng alak. Napapailing siya habang nakatingin sa akin.
“The fishermen found me, sinabi ko sa kanila na nalunod ako at sinagip ng isang magandang babae. Sinabi ng iba na baka sirena ‘yon kasi wala nang gumagawi sa parte na ‘yon ng dagat lalo at gabi dahil malalim nga. May mabait na bantay naman daw na laman dagat ang Maraveles.”
Nagtalo pa yung dalawang mangingisda dahil kung sirena daw edi sana kinuha na ako sa gandang lalake ko daw. I can’t blame the fisherman who said it. Gwapo talaga ako.
“They said it is a good mermaid that save lives.”
Arthur’s eyebrow furrowed at me. Inisang lagok niya ang laman ng kopita na hawak.
"You're scaring me, Nnyx. What if the one who saved you is a real mermaid? What if the fishermen are telling the truth? Creepy.”
That's what was on my mind too but...
"I don't care, right now, I wanted to see her again,” mabilis kong sagot kay Arthur. Wala talaga akong pakialam.
“Don’t tell me nagustuhan mo yung babae?”
Ngumisi ako, “Then, I won’t tell you.”
Napatanga si Arthur sa sinagot ko.
“You are crazy, Nnyx.”
Yes, I am. Nababaliw na nga ata ako dahil hindi ko ito makalimutan.
And this... Napahawak ako sa kwintas na suot ko. This clam necklace I was wearing, which I found in my hand when I woke up that night, definitely belongs to that woman.
"P-Please... huwag kang mamamatay."
I don't remember the face, hindi ko rin alam kung marerecognize ko rin ang boses nito, but I am sure, sa oras na mahawakan ko ang katawan at mukha nito ay malalaman ko. I held her, my body will noticed hers.
"Para iyan sa pagnanakaw ng first kiss ko at hindi Sweet Mary ang pangalan ko!"
I bit my lower lip, suppressing a smile as I thought about her. Right at that moment, when she punched me and said she's not Sweet Mary, I knew I needed to find her and apologize. Hindi maaaring hindi ako makakahingi ng tawad. Hindi maaaring hindi ko masasabi na expression lang ang sweet mary na 'yon at... mas lumapad ang ngiti ko na hindi ko na maitago.
Hindi rin maaaring hindi ko matitikman ulit ang mga labi niya.