Chapter 3

2829 Words
Survey Nanuyo ang aking lalamunan sa huli niyang sinabi. I hurriedly looked away and busied myself by slicing the steak. I could feel his intense gaze piercing at me, pero hindi ko na inabala ang sariling kumpirmahin ‘yon. Ever since I started working for him, I couldn’t remember being that conscious and uncomfortable around him. Kahit na isaksak ko sa ulo ko na huwag bigyan ng malisya ang lahat, tuwing naaalala ko ang tanong niyang nagsimulang magpagulo sa isipan ko, mas lalo akong nawawala sa sarili. I wanted so badly to open that topic again, but I’d rather keep quiet. Baka lalong hindi ko kayanin. “Chantal.” Para akong pinitik ng kanyang boses at halos mapatalon nang ibinalik ang atensyon sa kanya. The gentleness he showed was replaced by his usual stoic expression. Nang dahil doon ay muli akong kumalma. “Yes, Sir?” Muling nagtaas ng kilay si Xaiver nang muli akong naging pormal. I hoped he would be lenient with me. Hindi magiging madali ang pag-a-adjust ko sa pagtawag sa kanya lalo na’t ayon na ang nakasanayan ko. Napalunok ako saka inulit ang tanong. “B-bakit?” Umayos siya ng upo, ngunit hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. “I think I forgot to tell you that we’re going to Manière for a fitting tonight,” he said. “I booked a schedule last night after receiving the invitation for Hari’s charity ball.” “Miss Hariette?” I asked to confirm. Xaiver simply nodded and took a sip on his soda. Hariette Dela Vega is Xaiver’s cousin. She is also the current President of Prime Retails, which is one of DVH’s subsidiaries. Although she seemed pretty tough and wild, she is also a well-known philanthropist. Ever since she took charge of their company, she had been organizing charity events to give help and promote the welfare of those who are in need. As her cousin, Xaiver never missed her charity events to support Hariette and her vision. He is also very generous when it comes to giving donations, especially every time he successfully signed a deal and launched a new project. “She said she forgot to give me an invite earlier this month. We were out of the country at naging abala rin siya sa pag-o-organize since it’ll be her biggest charity event yet,” pagpapatuloy niya. Tumango-tango ako. “Okay. Sasabihin ko sa driver na sa Manière ang diretso natin mamaya.” Xaiver flashed a brief smile. “Thanks.” Hilaw akong ngumisi pabalik. Hindi ko na alam ang dapat ko pang sabihin kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Kakasubo ko pa lang ng steak nang napaangat akong muli ng tingin sa kanya. Pirmi pa rin ang kanyang titig. “What is your favorite flower?” Xaiver asked out of the blue. Sa pagkabigla sa kanyang tanong ay para akong nabulunan. I turned away, coughed, and patted my chest hard. Xaiver didn’t waste a beat and quickly stood up. Umikot siya palapit sa akin at tumayo sa tabi ko. “Let me help you,” sabi niya bilang paalam bago marahang hinagod ang aking likod kasabay ng pag-abot niya ng tubig. Nanlaki ang aking mga mata. It helped that he was concerned for me to recover. Pilit akong umayos at tumigil sa pag-ubo upang tumigil siya sa paghagod sa likod ko. Fortunately, it worked. Xaiver got his hand off me right away and took a step back. Hindi nga lang siya umalis sa tabi ko. Pinapanood niya lamang ako habang umiinom ng tubig. Nakakunot ang noo niya, tila hindi na alam kung ano pa ang sunod na gagawin. “Are you okay now?” tanong niya matapos kong maubos ang tubig para guminhawa ang pakiramdam. “Yes, Sir—I mean, Xaiver.” Ang hirap nga naman talaga, oh! Tahimik at nag-aalangan siyang tumango-tango. Inabot niya sa akin ang table napkin. Hindi ko na pinatagal ang pag-alok niya sa akin at mabilis ko ‘yong kinuha para punasan ang bibig. “You should be more careful when you eat.” Xaiver breathed in relief, though there were still creases on his forehead. “There are thousands of deaths from choking recorded every year. It’s not something we should overlook. Take your time whenever you eat. There’s no need to rush.” Mariin akong napalunok. Alam kong pinapaalalahanan niya ako pero parang tinataningan niya na rin ang buhay ko. Mukhang siya pa ata ang ikakamatay ko. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang sariling sagutin siya. Baka may masabi pa akong hindi niya magustuhan at masisante pa. Saka na siguro kapag malaki-laki na ang naiipon ko at nakahanap na ako ng bagong trabaho. The most stressful lunch had finally ended after Xaiver chose to keep his mouth shut. Mas bumilis ang pagkain naming dalawa. I was also more comfortable with the growing silence between us. He went back to work afterward, and I also did the same. “How’s lunch with Mr. Dela Vega?” bungad na tanong sa akin ni Joseph nang makabalik ako mula sa pagbaba ng aming pinagkainan. I almost choke on air. Muling bumalik sa akin ang sinabi ni Xaiver tungkol sa mga namamatay dahil doon. “Ano ba ‘yang tanong mo, Joseph!” reklamo ko saka inabot na rin ang sariling tumbler para makainom ng tubig. “Nagtatanong lang naman ako.” Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko lang ma-imagine ang sarili ko na kasama siyang kumain ng lunch sa opisina. Feeling ko masasakal ako.” Hindi lang feeling. Masasakal ka talaga. Napabuntonghininga na lang ako. Maglalabas sana ako ng tunay na saloobin tungkol sa pagkain kasama si Xaiver, ngunit muli siyang nagsalita. “Pero kung sabagay, lagi naman kayong magkasabay kumain. Hindi na siguro bago ‘yon sa ‘yo,” sabay bawi niya at saka bumalik sa trabaho. Ngumuso na lamang ako at hinarap na rin ang nakapatay na monitor. He’s right, though. Ilang beses na nga kami magkasabay ni Xaiver kumain, pero parang hihimatayin ako kanina sa kaba. Halos manigas na lang din ako sa kinauupuan ko dahil hindi ako komportable. Gusto kong isisi lahat sa sarili ko na kasalanan ko ‘yon dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko, ngunit alam kong si Xaiver din ang puno’t dulo ng lahat. If he didn’t ask me that annoying question about marriage, I wouldn’t feel this way. “Tang ina.” Lukot ang aking mukha nang mapalingon kay Joseph dahil sa bigla niyang pagmumura. His eyes were slightly wide open while looking at his monitor. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay nilingon niya rin ako saka hilaw na ngumisi. “Ano meron?” Itinagilid ko ang aking ulo sa kuryosidad. Habang pilit na nakangiti ay umiling lamang si Joseph. “Wala, wala…” sabi niya ngunit tila parang pinagpapawisan kahit na malamig sa opisina. Pagkatapos akong sagutin, ibinalik niya ang tingin sa computer. He quickly started typing something. Mukhang seryosong-seryoso siya sa ginagawa kaya inabala ko na lang din ang sarili. I texted Xaiver’s driver and told him about his fitting schedule at Manière. Medyo malapit lang ang exclusive boutique nila sa kompanya at halos isang oras lang ang biyahe kahit traffic. Pagkatapos kong sabihan ang kanyang driver ay muli kong itinuon ang atensyon sa email. An unanswered message from Entrepreneur caught my eyes right away. Mabilis ko ‘yong binasa at nakitang nag-aayos na sila ng schedule ng photoshoot at interview. Entrepreneur was asking for Xaiver’s availability in two weeks, so I checked his planner on my iPad and listed down the dates. Kung hindi siya available, willing silang i-move ang issue kung saang featured si Xaiver. That only showed how much they wanted him to be on their cover. Pagkatapos kong isa-isahin ang lahat ng dates ay isinend ko ang lahat kay Xaiver para siya na mismo ang mamili. I knew all his schedule and plans when it came to work, but for his personal life, I had no clue kaya mas mabuting siya na ang pumili. Anyway, I didn’t think it would be hard for him. Ang team ng Entrepreneur na mismo ang lilipad sa Pilipinas kaya mas mapapadali ang pag-set ng schedule. Inilagay ko rin ‘yon sa email kay Xaiver para aware siya. In less than three minutes, Xavier had finally replied and picked his chosen date. I was about to send the details to Entrepreneur when Joseph suddenly came up to me. Nagulat ako nang mapansin siyang nakatayo sa harap ng lamesa ko. “Joseph?” pagtataka ko. “May ginagawa ka bang importante?” “Importante? Wala naman. Magre-reply lang sana ako sa emails,” paliwanag ko. “Bakit? Do you need help with anything?” “Baka pwedeng paki-fill up muna ‘yung questionnaire na sinend ko sa email mo. Sandali lang ‘yon.” “Questionnaire?” I narrowed my eyes, then hovered my mouse to open my inbox. Agad kong nakita ang kaka-send lamang na form ni Joseph. I quickly clicked the link and was redirected to another tab. I skimmed through the form. Muling napakunot ang noo ko nang mabasa kung tungkol saan ang questionnaire na ‘yon. Madali lang ang mga tanong, pero napasakit ng mga iyon ang ulo ko. Favorite color, food, flower… Ano ba ‘to? Slam book? “Ano ‘to?” Naguguluhan akong nag-angat ng tingin sa kanya. “Para saan ‘to?” “Survey.” “Survey?” ulit ko. “Company survey.” Joseph’s answers got me even more confused. Nagkakaroon naman talaga kami ng regular company survey para malaman ang satisfaction rate ng mga empleyado sa kompanya o kung mayroon pang mai-improve ang pamamalakad ng mga higher bosses. However, it was certainly not like this one. “Alam mo, Chantal, huwag ka na magtanong. Sagutan mo na lang. Mabilis lang naman ‘yan,” sabi na lang ni Joseph nang makitang hindi pa rin ako kumbinsido. I pursed my lips, still feeling hesitant. “Sige na. Balik na ako sa trabaho ko. Sagutan mo na agad, ah? Tapos ibalik mo sa akin pagkatapos na pagkatapos mo.” Iniwanan na ako ni Joseph matapos akong bilinan. I didn’t know why he seemed to be acting like his life was on the line if ever I wouldn’t answer his so-called survey. Kahit punong-puno pa rin ng pagtataka, sinagutan ko na lamang ‘yon. Wala rin namang mawawala dahil puro tungkol lang naman sa personal preferences ang mga tanong. Like I said, it was almost like a slam book. Kulang na lang pati ang motto ko sa buhay o how do I define love ay itanong na rito. Favorite drink: Iced coffee. Favorite food: Kare-kare. Favorite flower: White Rose. Favorite color: Lilac. Favorite song: Last Kiss by Taylor Swift. Favorite movie: 500 Days of Summer. “Describe your dream man…” I whispered the item where I pondered the most. Napahinto ako saka sumandal sa aking upuan. I planned to just skim through answering the questions, but I couldn’t help but get all serious while thinking of my standards in men. It was hard for me to come up with something realistic. Parang nasa fictional world lamang ang lahat ng mga katangian na gusto kong nasa isang lalaki. Maybe that’s why I’m still single. After thinking so much, I listed down the important qualities I looked for in a man. First of all, he should be respectful, especially toward women. I would also love someone who has clear plans for his future—someone ambitious and goal-driven. He should also be honest and trustworthy. Tumigil akong magsagot nang maisipan kong masyadong napapahaba ang sagot ko. “Okay na siguro ‘to…” wala sa sarili kong bulong at nagpatuloy nang sagutan ang mga tanong na natitira. Pagkatapos kong sagutan ang survey ay agad ko ‘yong binalik kay Joseph. I heard him sigh in relief once I did. He was acting very unusual, but I just shrugged my shoulders and continued composing an email for Entrepreneur. It wasn’t long after when Knoa suddenly arrived in the office. The CEO of La Vega Lands was in his casual attire. Parang galing lamang siya sa galaan at hindi pumasok sa trabaho. “Good afternoon, Sir,” bati sa kanya ni Joseph nang mapansin din ang kanyang pagdating. Knoa just simply nodded at him, then went straight to me with a sweet smile on his face. He rested his hand on my table, leaning his body close to me. If I didn’t know better, I would get the wrong idea and thought that he was hitting on me, but luckily, I knew him well enough to know that he was just really flirty. Bali-balita ko pa ay marami na siyang napaiyak na babae at talagang may pagka-playboy. He was completely the opposite of his cousin. Ang isa ay mailap sa mga babae habang siya naman ay parang hindi nabubuhay ng walang fling o girlfriend. “Hey, Chantal,” Knoa greeted me, still wearing his killer smile that would make other girls faint. “Is Xavi free right now?” “Good noon, Sir Knoa.” Tipid akong ngumiti at tumango. “Nasa loob po siya ngayon ng office niya.” “Got that. Thanks.” Knoa winked at me, then stood straight before going inside the office. Pagkapasok niya sa loob ay saktong nakatanggap ako ng text mula kay Xaiver. He asked me to buy two orders of iced coffee at the coffee shop downstairs. Mabilis kong sinunod ang kanyang utos at bumaba para bilhin ang inumin nilang dalawang magpinsan. I bought two iced americanos. Ayon ang gusto ni Xaiver pagdating sa iced coffee at natatandaan kong ganoon din ang iniinom ni Knoa. And as I was tempted to drink coffee as well, I bought an iced latte for myself. Pagkaakyat ko ay iniwanan ko muna ang iced latte ko sa lamesa bago dumiretso papasok sa opisina ni Xaiver. Bumungad sa akin ang nakakunot niyang noo habang may suot na mapaglarong ngisi si Knoa. Nang makita akong pumasok ay nawala ang mga linya sa kanyang noo. Xaiver watched me as I walked to his table. Maingat kong nilagay sa coaster ang iced coffee niya pagkatapos lagyan ng tissue paper ang ilalim. Napansin kong nakatitig siya sa isa pang iced americano habang abala ako. “Do you like iced americano, too?” Xavier suddenly asked, sounding very curious. “Uhm, hindi…” nag-aalangan kong sagot. “Napapaitan kasi ako.” Kumunot ang noo niya. “Why did you buy that one, then?” “Para po kay Sir Knoa ‘tong isa, ‘di ba?” sabi ko at lilingunin ko pa lang sana si Knoa nang nauna na itong nakalapit sa lamesa. “Coffee for me, Chantal?” Knoa asked, his voice was soft and endearing. “No.” Si Xaiver ang sumagot. I snapped my head back to him. Hindi ko sigurado kung ako ba ang sinasagot niya o ang pinsan. “I asked you to buy two iced coffees…” ulit niya sa kanyang utos. “Uh, dalawa nga ang binili ko?” Pinakita ko ulit sa kanya ng isang iced americano na hawak ko pa rin. “I mean… Sa ‘yo sana ‘yung isa. Not for Knoa,” nahihirapan niyang paliwanag. My lips parted at that. Bumilis ulit ang paghampas ng puso ko sa aking dibdib. I could feel the awkward tension rising around us. I subtly glanced at Knoa to see his reaction. He looked surprised at first, but then he suddenly flashed an annoying grin to replace his usual sweet smile. “Should I leave the room and give you two some privacy?” Knoa meaningfully asked. Hindi nakatulong ang mapang-inis niyang ngiti. Xaiver shot him a sharp glare. I swallowed hard, then quickly shoved the remaining iced americano to Knoa. Mabuti na lang at hindi ko ‘yon nabuhos sa kanya. Nakataas ang kilay niyang tinanggap ‘yon mula sa akin saka sumulyap sa pinsan na mukhang hindi na maganda ang mood. “Excuse me. May gagawin pa ako,” sabi ko na lang at tipid na ngumiti sa kanilang dalawa. Pagkatapos kong magpaalam ay nagmamadali akong naglakad palabas ng opisina. I could feel their burning gaze behind me. Pakiramdam ko pa ay para akong madadapa dahil sa kaba. “f**k you,” dinig kong mura ni Xaiver kay Knoa bago ko tuluyang nasarado ang pinto pagkalabas ng opisina. I heaved a sigh and brisk walked back to my table. Nakita ko agad ang aking iced latte na iniwan ko kanina at naalala ko bigla ang sinagutan kong questionnaire kanina. “Favorite drink…” I whispered to myself when I realized that I wrote down iced coffee as my favorite. Tahimik akong napatingin kay Joseph. He was busy with his work on the computer, oblivious to my turmoil. I didn’t know if it was just a coincidence, but I had a strong feeling that Xaiver was behind that suspicious survey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD