CHAPTER 6

1379 Words
Mabilis na lumipas ang isang linggo, kaya naman araw na naman ng pangangalakal nina Maxinne. Kagaya ng dati maagang gumising sina Maxinne at Lhianna upang maaga rin silang makapag simulang mangalakal. "Inay alis na po kami," paalam ni Maxinne sa kanilang ina. "Ang aga pa naman ah? Mukhang excited kayong masyado ngayon sa pangangalap ng kalakal?" nagtatakang tanong ni aleng Teresita. "Mabuti na ang maagap nay. May bayarin kasi ako sa school kaya kailangan doble kayod. Hindi naman ako makapag apply ng trabaho kasi hindi ko kakayanin isabay sa school kasi graduating na ako kaya hanggang gabi ay may mga kailangang gawin. Kaya ito na lang muna talagang pangangalakal ang maaasahan ko ngayon," mahabang paliwanag ni Maxinne na may halong lungkot sa pag sasalita. "Pasensya ka na anak ha, kasi mahina ang labada ko ngayon kaya wala akong maibigay sa iyo. Halos kulang pa nga ang aking kinikita sa aking pag lalabada para sa ating pagkain at gastusin sa araw-araw. Kung nabubuhay nga lang siguro ang inyong ama hindi siguro tayo mag hihirap ng ganito," halos maiyak naman na pag hingi ng pasensya ni aleng Teresita sa anak. "Inay, 'wag niyo na pong sisihin ang sarili niyo, nauunawaan ko po kayo at hindi ko kayo sinisisi. Hayaan niyo inay kaunting panahon na lamang giginhawa na rin tayo," pang aalo naman ni Maxinne sa kanyang ina. "Sige inay lakad na po kami," muling paalam ni Maxinne. "Mag iingat kayo anak at huwag mo nang pansinin yung lalaking sinasabi mo ha para walang gulo," paalala muli ni aleng Teresita. "Opo! inay, paalam po," paalam ni Maxinne at tumuloy na sa pag lakad ang magkapatid. Habang naglalakad ay nag tanong si Lhianna. "Ate paano kung makita mo ulit si kuya Dryxx doon sa gibang building, hindi na ba tayo tutuloy? Sayang marami pa tayong makukuha doon na bakal," pag tatanong ni Lhianna. "At bakit hindi tayo tutuloy? Bakit sino ba siya? Tsaka may plano ako," sagot naman ni Maxinne "Ha, anong plano ate? Aawayin mo na naman ba si kuya Dryxx?" nag aalalang tanong ni Lhianna. "Watch and learn!" pilyang ani Maxinne. "Ate talaga oh! Sobrang pilya mo, isusumbong talaga kita kay nanay!" pananakot ni Lhianna. "Subukan mong isumbong at sasabihin ko rin kay nanay na may crush ka doon sa kapit-bahay nating manananggal!" pananakot rin ni Maxinne. "Anong manananggal ate? At saka paano mo nalaman na crush ko yun?" takang tanong ni Lhianna. "Di ba nga half pinoy half american yun di manananggal kasi half half!" sagot ni Maxinne habang tawang-tawa sa sariling joke. "Sira ulo talaga to si ate. Mag jojoke pa eh waley naman!" natatawa ding saad ni Lhianna. "Eh bakit ka tumatawa kung waley, masyado kang epal!" sabay talikod na wika ni Maxinne na napikon sa kapatid. "Halika na nga maghanap na tayo ng mapapakinabangan!" pag aya nito kay Lhianna. Sumunod na lamang si Lhianna sa kapatid na natatawa pa rin dahil napikon niya ang kanyang kapatid. Pagkarating pa lamang nila sa lugar ay namataan agad ni Maxinne si Dryxx na mukhang tulog na tulog sa mesa na nasa loob ng building. Tila ba may umilaw sa isip ni Maxinne at bigla itong napangiti na may pagkapilya. Hindi naman namalayan ni Lhianna na nawala sa tabi niya ang kapatid dahil abala na siya sa paghahanap ng mga pwd pang ipagbili na mga bakal at basura. Dahan-dahang lumapit si Maxinne sa kinaroroonan ni Dryxx at hinila ang sako na kinalalagyan ng mga bakal at basura na naipon ni Dryxx. Sinigurado niyang nadala niya ang gunting dahil kagabi niya pa ito pinlano. Mabilis niyang ginupit ang ilalim ng sako na siguradong kapag hinila ito ni Dryxx ay hindi nito malalaman na unti unting mahuhulog ang mga laman nito. "Tingan natin kung may maipagbili ka pang mga basura sira-ulong lalaki ka! Tiyak gutom ka kapag wala kang maipag biling kalakal!" pagkausap ni Maxinne sa sarili na dahan-dahang lumalakad palayo mula sa kinaroroonan ni Dryxx. Saka siya lumapit kay Lhianna na tila ba walang ginawang kalokohan. Ngunit malakas ang pakiramdam ni Lhianna lalo na't nahalata niya ang ate niya na tila ba masayang-masaya. "Ate, bakit parang ang saya mo ngayon? May nangyari ba na hindi ko alam?" nagtatakang tanong ni Lhianna. "Ha? ah! eh! wala ah. Sadyang pinagagaan ko lang ang loob ko para hindi ko na maalala iyong pagka badtrip ko sa lalaking buwisit na yun!" palusot naman nito. "Ok!" Napakibit balikat na lamang si Lhianna sa sagot ni Maxinne at ipinag patuloy ang pamumulot ng basura. Habang si Maxinne naman ay hindi maiwasan ang hindi tumigin sa kinaroroonan ni Dryxx. Naalimpungatan naman si Dryxx nang may tumamang sinag ng araw sa mukha. Dahil sa pagkatulog hindi niya napansin na tanghali na pala, nag aabang na yung mga bata na pag bibigyan niya ng mga kalakal na naipon niya. Dahil nga hindi niya naman kailangan ang pinag bentahan ng kalakal na napupulot niya ay ibinibigay niya na lamang ito sa mga batang kalye na siyang tunay na nangangailangan. Kaya naman dali-dali siyang bumangon para madagdagan pa ng kaunti ang kanyang naipon na mga basura para marami siyang maibigay sa mga bata. Subalit habang namumulot si Dryxx ng basura ay hindi niya namamalayan na ang laman ng sako niya ay unti-unting nahuhulog mula sa sako. Ayaw kasi ni Dryxx na pasanin ang sako sa tuwing namumulot siya hinihila lamang niya ito kaya hindi niya namamalayan na wala na palang laman ang sakong dala-dala niya. Tawa naman ng tawa si Maxinne sa nasasaksihan na nangyayari sa mga kalakal ni Dryxx. "Buti nga, tatamad-tamad kasi! Kung binubuhat niya ang sako eh di sana nalalaman niya na nahuhulog na ang mga kalakal niya!" pagkausap pa nito sa sarili at sinasabayan pa ng tawa kaya naman napansin ito ni Lhianna at sinundan ang lugar na tinitingnan ni Maxinne at nakita nga niya si Dryxx na may hilang sakong butas na wala nang laman at tila ba papunta na ito sa pinag bebentahan ng mga kalakal. Nakikita niya sa dinadaanan ni Dryxx ang mga basura na tila ba nahulog galing sa sakong dala-dala nito. Kaya dali-dali niyang nilapitan ang kapatid. "Ate! Anong ginawa mo? Binutas mo ang sako ni kuya Dryxx? Tingnan mo parang hindi niya alam na wala nang laman ang sakong hila niya!" nagtatakang tanong ni Lhianna. "Oo! Bakit? Makapag higanti man lamang sa ginawa niya sa akin nuh! Buti nga sa kanya!" pangangatuwiran pa nito. "Kawawa naman siya ate! Tiyak may pamilya siya na umaasa sa kaniya. Paano kung gutom na pala ang nanay niya o mga kapatid niya na naghihintay sa kaniyang pag uwi?" panenermon naman ni Lhianna. Tila nakadama ng pagka guilty si Maxinne dahil sa ginawa niya kaya naisipan niyang sundan ang pupuntahan ni Dryxx. Tahimik naman na sumunod si Lhianna sa kapatid. Sa 'di kalayuan ay natanaw nila ang mga batang kalye na masayang sumalubong kay Dryxx. "Kuya Dryxx!" masayang bati ng mga bata sa binata. "Hello! Ano gutom na ba kayo?" tanong naman ni Dryxx sa mga bata. "Opo kuya dryxx, wala pa po kaming kain mula kagabi," sagot naman ng isa sa mga bata. Napaawa naman si Dryxx sa mga bata. "Huwag kayong mag alala may mga kalakal ako na dala na puwede nating ipag-bili at makakakain na kayo. Ito oh.." Napatigil si Dryxx nang tingnan niya ang sako na walang laman at nakita niya na butas ito at walang laman ni isa. Napaisip siya kung paano nangyaring nabutas ito eh kabago-bago ng sakong gamit niya. Paano na ang mga bata?Hindi naman siya puwedeng lumabas ng sariling pera dahil baka mabisto siya na nag papanggal lang siya na pulubi. Kaya napailing-iling na lamang si Dryxx dahil sa nangyari. Narinig naman lahat ni Maxinne ang pag-uusap ng mga bata at ng lalaki. Kaya na guilty siya at nakaramdam ng awa para sa mga bata. Kaya napatungo siya sa hiya sa sarili at hindi nakaimik. "Ano ate, masaya ka ba sa nangyari? 'Di ba hindi ako nagkamali? Kawawa naman ang mga bata na yan na umaasa pala kay kuya Dryxx! Di ba mabait talaga siya tulad ng sinabi ko sa'yo?" pangongonsensya pa ni Lhianna. "Tumahimik ka na Lhianna! Oo na, nagkamali ako! Tara na wala na tayong magagawa. Wala din tayo maitutulong sa kanila pwera na lang sa isa," saad nalang ni Maxinne "Sa isang ano?" nagtatakang tanong ni Lhianna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD