"Wala kang crush ha? Sinabi mo yan! At kung sakali mang magkagusto ka sa kaniya, aba eh ihanda-handa mo na ang iyong sarili," pag papaalala ni Lhianna kay Dryxx.
"Bakit ko naman ihahanda ang sarili ko kung sakaling magkagusto ako sa ate mo aber?" curious na tanong naman ni Dryxx.
"Dahil wala pang nakakaporma diyan sa ate ko. Karamihan sa kanila nag paparamdam pa lamang nasusupalpal na agad ni ate at kapag nag pupumilit sila nasasapak ni ate." Sabay tawang paliwanag ni Lhianna.
"You mean wala pang nagiging boyfriend ang ate mo?" takang-tanong naman ni Dryxx.
"Mismo! Since birth. May pagka tomboy kasi si ate kaya ganiyan." May papitik pa sa daliri na saad ni Lhianna sabay kindat Kay Dryxx.
Napaisip si Dryxx sa mga sinabi ni Lhianna. Dahil sa mga sinabi nito ay mas lalo siyang naging interesado kay Maxinne. Mukhang ma chachallenge ata siya kay Maxinne.
"Sige kuya ha, balikan ko lang si ate ng makauwi na kami. Umiiyak pa kasi siya ng iniwan ko siya kanina. Bye kuya Dryxx, 'til we meet again," paalam nito sabay kaway kay Dryxx. Tatakbo na sana si Lhianna nang tawagin siya ulit ni Dryxx.
"Teka sandali saan pala ang bahay niyo?" pahabol na tanong ni Dryxx.
"Doon lang sa may kanto pangalawang bahay galing sa may poste ng kuryente," sagot naman ni Lhianna saka nag patuloy sa pag takbo para balikan ang kaniyang kapatid.
Tuwang-tuwa naman si Dryxx sa nangyari. Nasampal man siya ni Maxinne ay 'di na bale dahil sulit naman ang lahat dahil bukod sa nalaman niya na ang pangalan ni Maxinne ay nalaman niya din kung saan ang bahay ng mga ito.Kaya naman sa sobrang tuwa ay napapasuntok pa siya sa hangin habang napakalaki ng ngiti sa labi na animo'y nanalo sa isang laban.
"Sa wakas masisimulan ko nang kilalanin si Maxinne. Hindi pa man ay mukhang nahuhulog na ako sa kaniya. Lalo na nang madampian ko ang napaka lambot niyang labi." Sabay hawak sa lips at dinama ang labi na nadampian ng mga labi ni Maxinne kanina at saka ngumiti.
Umuwi si Dryxx na masaya at tila ba nakalimutan sandali ang problemang kaniyang dinadala. Habang masayang nag dadrive ay nag patugtog pa siya ng radyo at saktong tinutogtog ang kanta ni Willie Revillame na "Ikaw Na Nga". Napapangiti si Dryxx habang ninanamnam ang kanta, at muling bumalik sa alaala ang mga halik ni Maxinne.
Samantalang umiiyak pa rin si Maxinne sa sobrang galit nang balikan ito ni Lhianna.
"Ate, tama na iyan. Umuwi na tayo, dumidilim na din," pag aya ni Lhianna sa kaniyang ate na hindi pa rin makausap.
Pag dating sa bahay ay walang imik si Maxinne. Diretso lang siya sa cr para maligo at pagkatapos ay dumiretso na sa kuwarto, hindi man lamang napansin ang kaniyang inay na nakaupo lamang sa sala na kanina pa naghihintay sa kanilang dalawa.
Takang-taka naman ang nanay nila sa ginawi ni Maxinne dahil hindi siya sanay na ganito ang kaniyang anak. Nasanay siya na sa tuwing ito'y dumarating galing sa kung saan ay masigla ito at nakikipag biruan muna sa kanila bago pumasok sa kuwarto nito.
"Oh! Ano na naman nangyari sa ate mo Lhianna?" takang tanong nito.
"Ninakawan daw po sya inay,"
napapangiting wika ni Lhianna.
"Ninakawan ng ano?" takang-taka naman ang kanilang ina.
"Hay naku inay mahabang kuwento. Si ate na lamang po ang tanungin niyo at baka mabatukan na naman ako no'n pag minarites ko siya sa inyo. Sige 'nay ligo lang muna ako," mahabang paliwanag ni Lhianna bago tinalikuran ang ina at pumasok sa cr para maligo.
Napatango na lamang si aleng Teresita sa mga sinabi ni Lhianna. Pinuntahan niya si Maxinne sa kuwarto dahil hindi siya sanay na ganito ang kanyang anak. Iniisip niya na mabigat ang problema nito kaya naman kinatok niya ang pinto ng kuwarto ni Maxinne at nakiusap na papasukin siya.
"Maxinne, anak pwede bang pumasok?" Naghintay siyang sumagot si Maxinne ngunit wala siyang sagot na natanggap. Nang hindi sumagot si Maxinne ay binuksan niya na ang pinto at dumiretso sa loob. Nadatnan niyang umiiyak si Maxinne at nakataob sa papag. Nakaramdam ng awa si aleng Teresita sa anak kaya nilapitan niya ito at hinagod ang likod upang kahit papaano ay gumaan ang anumang mabigat na nararamdaman nito.
"Ano ba kasing nangyari anak? Mukhang ngayon lamang ito nangyari sayo ha. Pwede kang mag kuwento, makikinig ako anak," malumanay na pakiusap ni aleng Teresita kay Maxinne na umaasang mag kukuwento ang anak.
Maya-maya ay bumangon si Maxinne at umupo paharap sa ina. Kitang-kita ni aleng Teresita ang pamumugto ng mga mata ni Maxinne dahil sa kaiiyak. Lalo lamang siyang nakadama ng awa para sa anak. Kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit upang maramdaman nito ang kaniyang pang-unawa at pagmamahal bilang isang ina.
Maya-maya ay kumalas si Maxinne sa pagkakayakap ng ina. Mukhang handa na itong magkuwento kaya nag hintay ang kaniyang ina sa pakikinig para sa mga ikukuwento nito sa kaniya.
Hindi pa man nakakapag simula ng kuwento ay humagulhol na ng iyak si Maxinne kaya niyakap na lamang s'ya ulit ng kaniyang ina.
"Sige iiyak mo lang anak, kapag handa ka na saka mo na lang ikuwento," pag aalo nito sa anak.
"Ang daya kasi inay eh! Nirereserve ko yung first kiss ko para sa magiging forever ko pero ninakaw lang ng isang animal na lalaki at yung kaaway na mortal ko pa! Paano na ang ka forever ko hindi na siya ang nauna? Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na kung sino ang magiging first kiss ko ay iyon na ang magiging forever ko! Paano ko magiging forever yun eh kaaway ko nga?" tuloy tuloy na kuwento ni Maxinne at nasisinok pa habang umiiyak.
Kaya hinimas nalang ng ina ang likod ni Maxinne para kumalma ito. Alam kasi nito na sa katulad ni Maxinne ay mahalaga ang first kiss. Katulad din n'ya nung kabataan niya kaya nauunawaan n'ya ito. Simpleng bagay o kaartehan para sa iba pero sa kanila ni Maxinne na isang mahirap ay 'yun na ang nag sisilbing kayamanan para sa kanila. Ang kanilang dangal. Ang kanilang mga firsts.
"Anak matulog ka na ha. Wala ka nang magagawa, nangyari na. Iwasan mo na lamang yung lalaking sinasabi mo para wala nang mangyaring gulo sa pagitan niyo ha. Sige na mag pahinga ka na dahil may pasok ka na bukas," paalala ni aleng Teresita kay Maxinne.
"Opo! Inay, maraming salamat po dahil nandiyan ka palagi para pagaanin ang loob ko kahit na ang babaw naman ng dahilan ng pag eemote ko. I love you nanay," sabi nito sabay yakap at halik sa pisngi ng kanyang ina.
Ngiti na lamang ang iginanti ni aleng Teresita sa anak saka tuluyang lumabas sa kuwarto nito at dumiretso na rin sa kanyang silid upang matulog na rin.
Pag kaalis ng ina ay may binubuong plano naman si Maxinne kung paano siya makakapag higanti sa lalaking nag nakaw ng kaniyang unang halik. nang makabuo ng plano saka siya natulog nang may ngiti sa mga labi.