"What? Wedding? Ako? Sinong ikakasal dad?" sunod-sunod at naguguluhang tanong ni Dryxx.
"Son, let me explain. Me and your mom decided to choose the right woman for you. Kasi nakikita namin na you are not focusing on your future. So we are worried about you and your future anak, ayaw naming tumanda ka ng mag isa. Papalit-palit ka ng babae, kaya we decided na kami na ang maghanap for you at 'yung anak ng business partner namin ng mommy mo na si Queenie ang napili namin para sayo," mahabang paliwanag nito.
"No dad!. I don't like to! I don't like her! Kaya kong maghanap ng babaeng para sakin! Ayoko do'n sa anak ng business partner niyo! A spoiled bratt lady na 'yun! Basta dad I don't like her! Hindi ako papayag!" pag rereklamo nito.
"Ok! Pag bibigyan kita, I will give you a chance na mamili ng babaeng gusto mo in two months. 'Pag wala pa rin sa two months na 'yan, then you will getting married and that's my decision.
," saad nito.
"But dad..."
"No buts! I will give you two months only to find a girl. Bye son. Goodluck!" Nakangiting anito na parang nakakaloko sabay tapik sa likod ni Dryxx at saka sya iniwan na tulala at hindi makapaniwala.
"Hindi ako makakapayag na makasal sa babaeng 'yun! Kailangan kong gumawa ng paraan!" saad nito sa sarili.
Kaya naman dali-dali siyang sumakay sa kotse at pumunta sa kabilang bayan upang mag desguise na pulubi.
Habang nag dadrive ay may nabubuong plano sa kaniyang isip. No choice na siya kung hindi ay makakasal s'ya sa spoiled bratt na si Quennie.
Pag baba n'ya palang sa 'di kalayuan ay natanaw niya na ang magkapatid na namumulot ng mga bakal at iba pang basura na pwede pang pakinabangan.
Kaya naman nagbihis na s'ya ng kanyang damit para makalapit na sa dalawa.
Kunwaring busy sa pangunguha ng bakal si Dryxx ng mapadako ang tingin ni Maxinne sa gawi ng lalaki. Nakaramdam agad ng pag kulo ng dugo si Maxinne sa lalaki kaya naman mabilis siyang lumakad papunta rito para sitahin ito.
"Hoy lalaking animal! Ikaw na naman? Wala ka talagang kadala-dala ano? At may lakas ng loob ka pa talagang bumalik dito!" matapang na sita ni Maxinne.
"Aba miss! Bakit sa'yo ba 'to? Ikaw ba may-ari nito para pag bawalan akong pumunta rito, ha?" malakas na loob ding sagot ni Dryxx.
"Aba't matapang ka na ngayon ha?" galit na sigaw din ni Maxinne sabay duro sa mukha ni Dryxx.
"Bakit anong gagawin mo? Sasapakin mo ulit ako?" palaban ding sagot ni Dryxx.
"Oo! Bakit lalaban ka na? Eh lampa ka naman! Siguro bakla ka ano? Bakla! Bakla! Bakla!" pamimikon ni Maxinne.
"Aba't! Hindi ka titigil sa katatawag sa'kin ng bakla?" napipikon nang ani Dryxx.
"Hindi! Bakit? Eh hindi ka naman marunong manuntok!" dagdag pang sabi ni Maxinne sabay tawa. "Bakla! Bakla! Bakla!" patuloy pa nito.
Hindi na nakapagpigil si Dryxx mabilis na nilapitan nito ang babae sabay hawak sa pisngi at hinalikan ito sa labi.
Nabigla naman si Maxinne kaya parang nanigas ang kaniyang katawan dahil sa paghalik ng lalaki. Bakit parang iba ang nararamdaman ng kaniyang katawan dahil sa halik na iyon? Ano't parang nagugustuhan n'ya at napapatugon sya sa halik ng lalaki? Kaya naman medyo napatagal ang halikan ng dalawa ng tumugon si Maxinne sa halik ni Dryxx.
Napatulala naman si Lhianna sa nasaksihan na halikan ng dalawa halos hindi pumikit ang kaniyang mata sa pag tingin sa dalawa hanggang sa may narinig siyang isang malakas na sampal.
Isang malakas na sampal ni Maxinne sa mukha ni Dryxx ang nag pagising sa diwa ni Lhianna.
"Walang hiya ka! Manyakis! Rapist! Herudes! Papatayin kita! Walang hiya ka!" gigil na saad ni Maxinne habang habol-habol si Dryxx na mabilis na tumatakbo palayo dahil sa takot sa kaniya.
Nang hindi maabutan ni Maxinne si Dryxx ay saka ito napaupo at humagulhol ng iyak dahil sa galit na nararamdaman sa lalaki.
"Ate ok ka lang?" Sabay hagod sa likod ng kapatid.
"Hayop na 'yun, magnanakaw!" sabi nito habang umiiyak.
"Magnanakaw ate? Ninakaw niya ba 'yung mga bakal na nakuha natin kaya ka umiiyak?"
"Syunga!" umiiyak na sagot ni Maxinne.
"Eh kasi sabi mo magnanakaw?" naguguluhan namang sabi ni Lhianna.
"Magnanakaw siya! Ninakaw n'ya ang una kong halik! Yuck! At galing pa talaga sa isang pulubi ang una kong halik. Mabuti kung pulubi lang eh ang mortal ko pang kaaway ang nakakuha ng first kiss ko! Hayop na 'yun! Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na ang unang makakahalik sa akin ay 'yun na ang magiging forever ko!" hagulhol pa ni Maxinne na halos mag lupasay na sa lupa.
"Hala! Ate baka siya nga ang mapapangasawa mo!" pang aasar pa ni Lhianna.
"Yuck! Hindi nalang ako mag aasawa kung sya lang naman!" sagot naman ni Maxinne na parang masusuka na wari mo'y nandidiri dahil sa sinabi ni Lhianna.
"Weeehhh! Di nga? Eh mukhang nagustuhan mo naman 'yung halik n'ya ate eh! Meserep beh?" Sabay takbo ni Lhianna dahil alam niyang lagot na naman siya kay Maxinne dahil sa mga pinag sasasabi niya.
Bwisit ka Lhianna! Isa ka pa!" walang magawang sigaw ni Maxinme dahil nakalayo na si Lhianna.
Sa katatakbo ni Lhianna ay nakita n'ya sa 'di kalayuan si Dryxx habang nagpapahinga sa may gilid ng kalsada. Kaya nilapitan nya ito.
"Hi kuya. Ako si Lhianna. Ikaw? Ano name mo?" bungad nya kay Dryxx.
"Ikaw pala. Lhianna? Ang gandang pangalan. Ako naman si Dryxx. Hindi ka ba galit sa 'kin?" nagtatakang tanong ni Dryxx kay Lhianna.
"Bakit naman po ako magagalit sa'yo kuya eh wala ka namang ginagawang masama sa 'kin?" nakangiting sagot ni Lhianna.
"Di ba nga kasi galit na galit sa 'kin ang ate mo?" talang tanong nito.
"Si ate yun, hindi ako. Saka mukhang mabait ka naman. Isa pa pare-pareho lang naman tayong mahihirap bakit ba ako magagalit sayo?" sagot naman ni Lhianna.
"Ang bait mo naman pala, salamat. Ano nga palang pangalan ng ate sungit mo?" tanong ni Dryxx.
"Lagot ka tinawag mo siyang sungit. Sumbong kita!" nanlolokong ani Lhianna habang tumatawa.
"Naku, 'wag! Masungit naman kasi talaga ang ate mo eh!" ani Dryxx na napakamot pa sa batok.
"Joke lang hindi naman kita isusumbong at baka masapak ka pa ulit ni ate. Maxinne nga pala ang name ng ate ko," ani Lhiannna.
"Maxinne ang gandang pangalan din. Bagay na bagay sa ganda nya." napapangiting wika ni Dryxx na tila ba may kung anong iniimagine nang bigkasin nito ang pangalan ni Maxinne.
"May crush ka sa ate ko nuh?" nanlolokong tanong ni Lhianna.
"Hindi ah! Wala! Magkaka crush pa ba ako do'n eh bugbog-sarado na nga ako ngayon pa lang? Kaya no way! Hindi ako magkagusto sa kaniya ever!" tanggi naman ni Dryxx. Ngunit tila iba ang sinasabi ng kaniyang puso sa sinasabi ng kaniyang bibig. Tila ba kumokontra ang kanyang puso sa bawat pag tanggi nya.
"NO!" malakas na sigaw niya kaya naman nagitla si Lhianna.
"Bakit kuya? Bakit bigla kang sumigaw ng no?" nabibiglang tanong ni Lhianna.
"Ah! eh! wa.. wala ma.. ma.. may na naisip lang ako bigla. 'Yun! oo! May naisip lang ako," nabubulol naman na paliwanag ni Dryxx.
"Wala kang crush ha?! Sinabi mo yan."
Napaisip na lamang si Dryxx dahil sa mga sinabi ni Lhianna.