CHAPTER 3

1078 Words
"Ano kumusta ang pag hahanap ninyo ng bakal?" tanong agad ni aling Teresita kay Maxinne pag dating nito mula sa pangangalap ng mga bakal at basura. "Ai naku nay! Stress iyang si ate," mabilis na sagot naman ni Lhianna. "Tumigil ka nga diyan Lhianna! Ayoko nang maalala 'yung lalaking buwisit na 'yun!" saway ni Maxinne sa kapatid. "At bakit Maxinne ano bang nangyari?" tanong ng kaniyang inay?" tanong ng kanilang ina. "Ay naku inay! May nakaaway 'yang si ...." Hindi na natapos ni Lhianna ang sasabihin dahil nakatikim na siya ng batok mula kay Maxinne. "Aray naman ate!" pag rereklamo naman ni Lhianna. "Oh! Ano? Aangal? Sabat ng sabat 'di naman ikaw ang tinatanong ni inay!Maligo ka na 'dun ang baho mo na!" galit pa ding saad ni Maxinne. Padabog naman na pumunta ng cr si Lhianna at naligo. "Ano ba kasi ang nangyari Maxinne ha at ika'y parang tumaas ang dugo?" pag tatanong ng kaniyang inay. "Kasi inay may lalaki na nangunguha din ng basura. Aba'y hawak ko na 'yung bakal agawin ba naman sa 'kin at sabi daw ay kaniya daw 'yun at nauna daw s'ya, eh hawak ko na nga paano siyang mauuna? Nasugat tuloy 'yung kamay ko dahil sa pag-agaw n'ya sa 'kin nung bakal," mahabang pag sasalaysay ni Maxinne na mababanaag ang sobrang galit kay Dryxx. "Oh! Eh anong ginawa mo?" tanong nito. "Sinapak ko! Ayun basag ang nguso at natulala! Kaya naagaw ko ulit yung bakal saka namin iniwan na tulala pa rin. Eh wala naman palang binatbat sa 'kin. Lakas ng loob mang agaw!" maangas pang kuwento ni Maxinne na nakatawa pa. Kaya naman nabigla s'ya ng bigla na lamang siyang batukan ng kaniyang ina "Nay naman! Ba't ba kayo nang babatok ang sakit-sakit eh," pag rereklamo ni Maxinne. "Ikaw kababae mong tao ang hilig mo makibasag ulo. Lalaki pa man din ang hinamon mo, paano kung patulan ka no'n eh walang-wala ka sa lakas ng mga lalaki Maxinne tandaan mo yan!" mahabang sermon ng ina. "Nay kaya ko ang sarili ko. Kung malakas sila aba'y malakas din naman ako. Bakit sila lang ba ang anak ng Diyos?" pag mamayabang pa nito. "Ay naku Maxinne! Ewan ko sayo! 'Di na ako nanalo sa'yo pag dating diyan sa pakikibasag-ulo mo!" Iiling-iling na sabi ni aleng Teresita at mukhang suko na sa katigasan ng ulo ng kaniyang anak. "Wag lang talaga magpapakita ulit sa 'kin 'yung lalaking 'yun, hindi lang labi n'ya papuputokin ko," pag babanta pa nito. "Ay naku Maxinne! Alalahanin mo may pinag aralan ka, teacher ka pa mandin. Ano ituturo mo sa mga studyante mo ang makipag-basag ulo? Tigil-tigilan mo na 'yang ganiyang ugali Maxinne ha, para kang walang pinag-aralan!" panenermon pa ng ina. "Nay! eh gumaganti lang naman ho ako. Kung hindi naman sila ang nag uumpisa eh hindi naman ako mansasapak ng basta!" sagot pa ni Maxinne. "Ay naku Maxinne, matanda ka na at matalino alam mo na ang tama at mali. Sige na maligo ka na rin at medyo sumasakit na ang ilong ko sa amoy mo!" saway nito kay Maxinne. "Grabe siya oh! Ang bango ko kaya." Sabay yakap sa ina habang tumatatawa. "Maligo ka na Maxinne ano ba? Para kang bata!" anang kaniyang nanay na tumatawa na rin dahil sa kakulitan niya. "Inay naman eh! Ayaw mo na ba ako kayakap?" paglalambing pa nito habang tumatawa. "Hindi ngayon Maxinne dahil ang baho-baho mo! Hala! Ligo." Sabay dampot sa walis na akmang papaluin si Maxinne. Kaya naman bumitaw na si Maxinne dahil ayaw nyang mapalo ng walis. "Sige na nga maliligo na." Sabay punta sa cr dahil nakita n'ya nang lumabas ng cr si Lhianna. Napapangiti naman ang kaniyang ina dahil sa kakulitan ni Maxinne. Naisip nito na kahit mahirap sila masiyado naman siyang pinagpala dahil binigyan s'ya ng dalawang mababait, magagalang at mapag-mahal na mga anak at higit sa lahat ng napaka responsableng panganay na kagaya ni Maxinne. Pagkatapos maghapunan ay natulog na ang mag anak. Kinabukasan. "Good morning everything!" Sabay bangon at unat-unat ng kaniyang katawan si Maxinne. "New day! New life! Thanks G for another day!" Gabayan Niyo po kaming muli sa araw na ito. Amen!" pag dadasal ni Maxinne at pagkatapos ay bumaba na at naabutan n'ya ang kaniyang ina na naghahanda na ng almusal. Nag mano si Maxinne sa kaniyang ina. "Mano po inay and good morning!" Sabay halik at yakap sa ina. Routine na 'yun ni Maxinne kaya naman sanay na ang kaniyang ina. Puwera na lang kung ito'y nag mamadali na halos parang ipu-ipo na sa pag mamadali kagaya noong nakaraan. "Gisingin mo na ang kapatid mo Maxinne at nang tayo'y magkasabay- sabay nang kumain," utos nito kay Maxinne. "Sige po inay." Sabay punta sa kuwarto ni Lhianna. "Goood morning sisterit! Bangon na diyan!" pasigaw nitong pag gising sa kapatid, ngunit ayaw bumangon ni Lhianna. "Ah ganoon ha! ayaw mo bumangon?" Kaya naman pinaliguan ng kiliti ni Maxinne si Lhianna dahil alam niyang 'yun ang kahinaan ng kaniyang kapatid. "Oo na ate!" anito habang tumatawa. "Babangon na po! Tama na," pakiusap nito sa kaniyang ate. "Oh! sige na bangon na mangangalakal ulit tayo dahil lunes na bukas may pasok na ulit. Bumaba ka na ha!" "Opo ate!" sagot naman ni Lhianna na napilitan nang bumangon kahit antok na antok pa. Masayang nag almusal ang mag anak at naghanda nang pumunta sa building na giba. Samatala si Dryxx naman ay nag hahanda na rin sa pag punta sa kabilang bayan para mangalakal at para siyempre makita ulit si Maxinne. Dahil hindi man nya aminin ay na eexcite siyang makita si Maxinne. Nag hanap siya ng damit na puwedeng punitin para naman mas akma ang hitsura n'ya bilang isang pulubi. Pero s'yempre mamaya n'ya pa 'yun isusuot kapag andoon na siya, para hindi makita ng pamilya niya ang kaniyang kalokohan. "Son, where are you going? Balita ko hindi ka na daw pumapasok sa office. Can you explain it?" saad ng kaniyang daddy nang pag baba niya mula sa kuwarto sa 2nd floor ng kanilang mansion. "Dad, good morning! Yes dad. Ahm... I want to have atleast a month vacation dad. Just one month. I felt restless, because of work I think? Is it ok with you dad?" sagot naman ni Dryxx. "Oh! Yes of course! It's ok son. I know this year is full of tiring and stressfull work so you can do whatever you want to do before your wedding day," tuloy-tuloy na sabi nito. "What?" nabibiglang tanong ni Dryxx.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD