Dahan-dahan siyang lumapit dito na kunwari walang nakikita at busy sa pag hahanap ng basura.
Kukunin na lamang ni Maxinne ang nakitang bakal nang biglang may umagaw nito sa kaniya.
"Ano ba? Ba't ka ba nang aagaw? Akin to ah! Ako nauna pumulot nito!" sigaw ni Maxinne kay Dryxx.
"Anong ikaw? Ako kaya? Nando'n palang ako nakita ko na yan!" Sabay turo kung saan siya nanggaling kanina.
"Patawa ka?! Eh ako nauna kumuha eh ibig sabihin ako ang nauna!" sagot na pasigaw naman ni Maxinne.
"Hindi! Hindi ako papayag akin na 'yan! Ako nauna d'yan!" Sabay hablot ni Dryxx ng bakal sa kamay ni Maxinne at dahil lalaki at mas malakas ay naagaw niya ito mula kay Maxinne.
Halos umusok naman ang ilong ni Maxinne nang maagaw ng lalaki ang bakal na pinaghirapan niyang hilahin kanina at nasugatan pa siya makuha lamang ito. At ngayon may panibagong sugat ulit sa palad niya dahil sa pag hila ng biglaan ng lalaki.
"Akin sabi yan eh!" Sabay suntok sa pagmumukha ni Dryxx na nabigla at hindi nakailag. Basag ang labi nito at may dugo dahil sa ginawa ni Maxinne kaya naman nabitawan n'ya ang bakal na inagaw niya mula sa dalaga dahil hinawakan niya ang kaniyang labi na may bahid ng dugo dahil sa suntok.
Kaya laking tuwa ni Maxinne nang makitang nabitawan ng lalaki ang bakal. Mabilis niya itong dinampot sabay talikod sa lalaki na animo'y natulala sa pagkabigla sa ginawa niyang pag suntok dito.
"Bilib naman talaga ako sa'yo ate! Walang binatbat si mister pogi sa pagka astig mo!" tuwang-tuwang sabi ni Lhianna na bilib na bilib sa kaniyang ate.
"Tse! Tumigil ka diyan at baka ikaw ang sunod na masapak ko diyan eh! Ang sakit kaya ng ginawa n'ya sa palad ko. Konti lang sana galos nito kanina. Tingnan mo nga dumugo na. Buwisit na lalaking 'yun! 'Wag lang siyang mag papakita ulit sa'kin!" gigil na ani Maxinne.
"Tayo na, uwi na tayo. Marami-rami na rin 'to. Saka na bad trip na ako. Balik nalang tayo bukas. 'Wag ko lang talaga makita pag mumukha n'ya bukas dito kundi manghihiram siya ng mukha sa aso," pagbabanta pa nito na gigil na gigil.
Samantala sa bahay ng mga Montecarlo.
"Bro ano bang pinag gagagawa mo sa sarili mo? Bakit may basag iyang nguso mo? 'Wag mong sabihing pagka sawa mo sa mga chicks eh pag babasag-ulo naman ang trip mo ngayon?" hindi makapaniwalang aní Dhariuz, kapatid ni Dryxx.
"No bro! It's just a part of my plan," ani Dryxx
"Plan? Makipag-basag ulo? What plan? I don't understand you Dryxx, kung kailan ka tumanda eh saka ka magiging warfreak! Isusumbong kita kay dad!" pag babanta ni Dhariuz.
"Hoy! Dhariuz, l know what I'm doing. I am too old para takutin mo sa pag susumbong kina dad and isa pa, baka nakakalimutan mo na panganay ako sa iyo kaya manahimik ka!" pang babara dito ni Dryxx dahil napipikon na siya sa kapatid.
"Bahala ka! You are old enough na nga kaya bahala ka sa buhay mo. My point is napapabayaan mo na iyong work mo sa office!" dagdag pa ni Dhariuz
"Bro! Ngayon lang oh, please! Ikaw muna bahala sa office. Kailangan ko lang gawin to. You will understand it soon." pakiusap ni Dryxx sabay talikod nito kay Dhariuz.
Kaya nagkibit-balikat na lamang si Dhariuz dahil hindi niya maunawaan ang kanyang kapatid. Susuportahan niya na lamang kung ano man ang plano na sinasabi nito.
Pagkapasok sa kwarto ay agad naligo si Dryxx dahil napakadumi niya. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang best friend na si Andrei.
"P're, Tara bar tayo, I need someone to talk. Parang nakilala ko na s'ya," ani Dryxx
"Talaga? Good for you, pre. Sige tara. Expect me in twenty minutes, andoon na ako sa dati. Ok. Bye! See yah!" masiglang paalam nito na mahihimigan mo ang excitement sa boses.
Alam lahat ni Andrei ang kaniyang mga plano kaya ito lamang ang makakaunawa sa kaniya. Ayaw niya kasing ipaalam sa pamilya niya dahil baka pag tawanan lamang siya ng mga ito. Kilala kasi siya ng pamilya niya na babaero. Kaya kay Andrei niya lamang sinabi ang lahat ng gusto niyang mangyari. Gusto niya ring sorpresahin ang kaniyang pamilya sa kaniyang pagbabago. Tiyak matutuwa ang mga ito para sa kaniya.
"Pre, Oh! What happened? First day mo pa lang may ganiyan agad?" natatawang bungad ni Andrei kay Dryxx
"Pare, part ata ito ng aking plano ang masaktan," ani Dryxx na naiiling.
"Bakit kaba kasi nakipag-away? Sino ba nakaaway mo at parang hindi ka man lamang nakailag? Ano resbakan natin? Mag sabi ka lang," mahabang litaniya ni Andrei.
"Pre hindi ako nakipag away ok. Babae ang may gawa nito," paliwanag ni Dryxx
"Bakit may tinakbuhan ka na naman ba? Isa yan sa mga babae mo nuh? Akala ko ba magbabago ka na. May pa mission mission ka pang nalalaman yun pala..."
Hindi na natuloy ni Andrei ang sasabihin dahil pinutol na agad ito ni Dryxx.
"Hep hep hep. It's not like that, ok? Kaya kita pinapunta dito dahil may kinalaman dito sa pasa ko ang aking mission.
Listen ok," ani Dryxx
"Ok, ok! But before that, let's order some drinks muna. Mas maganda ang kuwentuhan habang tumatagay 'di ba?" natatawang ani Andrei.
"Waiter!" Sabay tawag nito sa dumaang waiter at saka umorder ng kanilang iinumin.
"Ok. So what happened!" pagsisimula ulit ni Andrei
"Di ba nga nag panggap akong pulubi?" pagsisimula ni Dryxx sa kaniyang kuwento.
"Ok?" sagot nman ni Andrei
"Nag panggap akong basurero dun sa kabilang bayan. Alam ko kasing merong mamumulot ng basura dun," kuwento pa ni Dryxx.
"And then?" tanong naman ni Andrei na parang hindi makapag hintay.
"Hindi nga ako nagkamali. Merong pumunta na dalawang babae. Isang dalagita at isang dalaga. Magkapatid sila dahil naririnig ko ang usapan nila. Masaya silang nangunguha ng mga basura at bakal at ramdam ko na mahal na mahal nung panganay ang kaniyang kapatid at pamilya base na rin sa usapan nila," mahabang salaysay ni Dryxx.
"So? Nag paka marites ka pa dun pre ha!" tatawa-tawang ani Andrei.
"Iba pare eh. Hindi ko pa 'to naramdaman sa ibang girls na dumaan sa 'kin," pagpapatuloy ng kuwento ni Dryxx.
"Eh anong kinalaman ng pag kabasag ng nguso mo diyan sa kwento mo?" nag tatakang tanong ni Andrei.
"Dahil nga sa naramdaman ko pre nag plano ako kung paano ko makikilala yung girl. Ang ganda n'ya pre. Kahit madungis ang ganda niya talaga pare. Kaso, my plan goes wrong," malungkot na anito.
"Why? What happened next?" takang-tanong tanong ni Andrei na parang biglang na bitin sa pagkukuwento ni Dryxx.
"Dahil gusto kong mapansin n'ya ako inagaw ko 'yung napulot niyang bakal. Sabi ko nauna ako, eh nakipag-agawan din sya kasi siya daw 'yung nauna."
"Tapos?" naeexcite na tanong ni Andrei.
"Tapos dahil mas malakas ako naagaw ko at nasugat yung kamay n'ya dumugo!"
"Then?" tanong pa ni Andrei.
"After no'n hindi ko inexpect bigla niya akong sinuntok sa may labi ayun putok! Ang lakas niya pre! Hindi man lang ako nakailag sa suntok niya. Ayun sapol ako sa nguso! At natulala nalang ako. Kasi hindi ko inexpect na ang tulad niyang babae ay kayang gawin ang ganoon sa lalaki nang sobrang lakas pa ha!" Iiling iling na kwento pa ni Dryxx
Hagalpak naman ng tawa si Andrei kaya naman nakatikim siya ng batok kay Dryxx.
"Tatawa ka pa diyan nasaktan na nga ang tao eh!"
"Aray! Ano ba?" saad nito ng mabatukan
siya ni Dryxx.
"Ikaw kasi eh, nang aasar ka pa!" natatawang saad ni Dryxx.
"Ikaw? Si Dryxx Montecarlo, the famous bachelor, bilyonaryo. Hindi man lang naka porma sa isang babae? At isang himala 'yun ah? Lahat ng babae pag nakikita ka ay halos mag lumuhod na diyan sa harap mo at mag makaawa pansinin mo lang at maikama. Tapos isang basurera lang pala ang tatalo sayo at ni hindi man lang napansin ang kaguwapuhan mo? At ito pa ang malupit sinapak ka pa! Unbelievable!" patuloy pa nito habang nakahawak na sa tiyan dahil sa hindi matigil na pag tawa.
"Syempre pre. Madungis ako noon alangan namang lumuhod iyon sa harap ko eh pulubi lang naman ako," paliwanag naman ni Dryxx
"Sabagay." Tatango-tangong pag sang-ayon naman ni Andrei habang naka hawak sa baba na animo'y nag iisip ng malalim.
"So what's the plan?" tanong pa nito.
"Hindi ako susuko pare hanggat hindi ko nakikilala yung babaeng yun," sagot naman ni Dryxx.
"So for that, let's cheers!" Sabay nag cheers ang dalawa.