*THIRD PERSON's POV*
Dahan dahan na bumaba ng kama si rosemarry ng makita nyang tulog na tulog na ang binatang katabi niya agad siyang kinuha ang roba ng nighties nya at walang ingay na lumakad palabas ng silid nila.
Dahan dahan nya itong isinarado huminga muna sya ng malalim tsaka sya tumingin sa paligid kung may gising pa ba nang masigurong wala ng gising ay dahan dahan ulit syang lumakad pababa ng hagdan.
Kinakabahan ito dahil once na nakagawa sya ng ingay ay siguradong mahuhuli sya kahit malamig ay pinagpapawisan ito dahil sa kabang nararamdaman nya.
Pagkababa nya ng hagdan ay muli siyang tumingin na paligid tila nabunotan sya ng tinik sa dibdib ng wala na itong makita at napaka tahimik na ng bahay pero hindi niya alam na may nakakita sa kanya walang iba kundi si mavi na lalabas sana galing kusina pero nakita sya nitong pababa ng hagdan kaya nanatili itong nakatago sa may pintuan ng kusina bumaba ang dalaga dahil nakaramdam ito ng uhaw kahit inaantok pa sya ay pinilit nyang bumababa pero hindi niya akalaing ito ang makikita nya na pangisi ang dalaga.
Kita nya ang paglabas ni rosemarry ng bahay dahan dahan nya pang isinarado ang pintuan dahil sa gustong malaman ni mavi kong saan pupunta ito ay sinundan nya.
Nagtungo si rosemary sa likod ng bahay ni sue kong saan maraming puno doon mabilis ang kanyang paglakad para mabilis na makarating agad sya sa pupuntahan nya.
Iginala nya ang paningin nya sa paligid maya maya pa ay may lumapit na sa kanyang lalaki na hindi pa katandaan.
"Anong ibabalita mo sakin rollin?" Malamig na sa kanya tanong ni rosemarry pero hindi sumagot ang lalaki kundi siniil nya ng halik ang dalaga na agad naman nya itong tinugonan.
Na patakip nang bibig si mavi dahil sa nasaksihan nya hindi sya makapaniwala sa nakikita niya galit na galit ito sa dalaga dahil sa kataksilan ginawa nya kay sue.
Lumalim ang halikan nilang dalawa lalong hinapit ni rollin ang bewang ng dalaga at inaalis ang roba ng nighties na sinuot ng dalaga kanina.
Bago pa kong saan mapunta at lalong lumalalim ang halikan nilang dalawa ay kumalas si rosemarry na ikinagulat naman ni rollin ngumiti ang dalaga sa kanya.
"May sasabihin ako sayo siguradong magugustuhan mo" Nakangiti nitong sabi nag taka naman si rollin.
"Buntis ako rollin dala dala ko na ngayon ang anak mo namumuno sa inyong mga lobo" Masayang balita sa kanya ni rosemarry hindi naman malaman ni rollin ang nararamdaman dahil magkakaanak na ulit sya napakasaya nito niyakap niya si rosemarry dahil sa kasiyahan na nararamdaman.
Hindi naman makapaniwala si mavi sa narinig niya gustong gusto nya ng sugorin ang dalawa pero nag titimpi sya ng galit nya kailangan nyang manatiling tahimik at hindi malikha ng ingay para mas marami pa siyang malamang lihim ng rosemarry.
Kumalas sa pag kakayakap si rollin sa dalaga lumuhod ito at hinawakan ang tiyan ni rosemarry na hindi pa halatang may dinadala itong bata.
"Bilisan mong lumabas dahil naghihintay na sayo ang magiging trono mo hindi ako papayag na yong anak ni filtiarn ang papalit sa kanya" Seryosong nitong sabi habang hinahaplos ang tiyan ni rosemarrry.
"Anak ni filtiarn? bakit nahanap naba?" Nagtataka na tanong naman ni rosemarry labis naman ang kabang naramdaman ni mavi dahil baka sabihin ni rollin kong sino ang anak nito.
"Oo nahanap na sya at sinasabi ni filtiarn na sya daw ang ipapalit nito pero bago mangyari yun kailangang may gawin na ako" Nakangising sagot nya sa dalaga.
"Alam kong magtatagumpay ka mahal kong rollin" Malambing namang sabi ni rosemarry sa kanya.
"Papatayin ko siya tulad ng pagpatay ko sa kanyang ina noon hindi pwede sya ang maupo marami na akong ginawa at pinaghirapan para mapatunayan na ako ang dapat ang pumalit sa kanya" Tumawa naman si rosemarry.
"How about zarahi?" Tanong niya dito lumaki ang mata ni mavi hindi pwedeng pati si zarahi ay mawala.
"Tinapus kona sya mahal ko wala kana dapat ipag-alala dahil lahat ng pwedeng maging hadlang sa plano natin ay papatahimikin ko baka may mga gusto ka pang ipaligpit sakin sabihin mo lang mahal ko" Halos manigas si mavi sa kinatatayuan nya ng marinig yon hindi nya mapigilan ang luha nya dahil sa sakit na nararamdaman niya nawalan na naman sila ng kaibigan dahil sa kasamaan nila.
"Mabuti naman kung ganun wala na akong ikakabahala dito dahil wala na ang babaeng kinahihibangan ni sue pinatay ko na sya ang problema ko nalang dito ay ang pinsan nyang si mavi at yong ex nyang katulong ng pinsan nya!" Mahabang paliwanag nito kay rollin ngumiti naman ito sa kanya.
"Patayin ko na sila kung gusto mo" Tumawa naman ng mahina ang dalaga.
"Ako ng bahala sa kanila mahal ko ang asikasuhin mo ay ang anak ni filtiarn dapat mawala na isunod muna ang kanyang ama" Saad nito tsaka ulit tumawa ng mahina nanuyo naman ang lalamunan ni mavi kailangan malaman ni kys ang lahat ng ito na nanganganib ang buhay nilang mag ama.
"Kailan ang kasal nyo?" Tanong ni rollin sa dalaga.
"Malapit na rollin inaasikaso na ni sue ang kasal naming dalawa lalo nat sasabihin ko ng buntis ako sakanya hindi na ako makakapag hintay na mapamunoon ko ang kaharian nya" Halos hindi naman maipinta ang mukha ni mavi dahil sa mga nalaman napakuyom ito ng palad dahil sa galit na nararamdaman nya.
"Sabihan mo ako kung kailan ang kasal mo para maihanda ko ang mga susugod para patayin ang ibang kasamahan nila" Hindi naman maitatangi ang saya sa boses ni rollin.
"Wag kang mag-alala sasabihan kita kailangan din kitang makausap bago ako ikasal sa kanya" Malanding sabi ni rosemarry sa kanya muli silang nag halikan pero saglitan nalang.
"Hindi na ako makapag hintay na magkakasama na tayong hindi na natin pa kailangang mag tago ipapakilala na din kita sa anak ko sigurado kung magugustuhan ka nya" Natuwa naman ang dalaga dahil sa sinabing yon ni rollin.
"Maging matagumpay tayo mahal ko para sa kagustuhan nating mang yari makakaya natin to dahil nag tutulungan tayong dalawa" Masaya naman na sabi ng dalaga sa kanya hinaplos niya ang mukha nito.
"Kailangan mo ng bumalik rosemarry baka mahuli ka ng sue na yon" Tumango naman ang dalaga agad namang kumilos si mavi nawala na agad ito
"Kailangan kong makausap si kys f*ck pero paano hindi kame basta basta makakapasok doon kainis kailangan ko din makausap sila ayame kailangan nilang malaman to lalo na ang tungkol kay zarahi" Mahina nyang sabi habang palakad lakad sa kanyang silid aligaga ito dahil sa mga nalaman nya.
Habang si rosemarry naman ay masayang naglalakad pabalik sa mansyon haplos haplos nya pa ang kanyang tyan habang nag lalakad nang makapasok na sya sa loob ay dahan dahan ulit syang nag lakad paakyat sa hagdan para hindi malikha ng ingay.
Nang makapasok sya sa loob ng silid nila ni sue ay agad siyang nagtungo sa banyo para maghilamos pagkatapos ay lumabas na ito habang punas punas ang mukha nya.
Inilagay nya na sa labahan yong ginamit nyang pinang punas sa mukha nya at nahiga na ito sa kama at pilit makatulog.
____________________
KYS EUNA POV
_____
Maaga akong nagising dahil excited akong mag libot libot dito sa lugar namin buti nalang maaga akong nakatulog kagabi dahil narin siguro sa pagod, Pagod? wala naman akong ginawa kahapon hay ewan lumakad ako papunta sa terrace ng silid ko isang malamig na hangin ang sumalubong sakin napapikit naman ako at napangiti.
"Napakasarap sa pakiramdam" Masaya kong sabi tsaka ako huminga ng malalim agad akong napamulat ng mata dahil may nararamdaman akong mga matang nakatingin sakin iginala ko ang paningin ko sa paligid.
Hindi nga ako nag kamali may nakatingin sakin ng masama walang iba kundi ang kapatid ng aking ama na si rollin ngumisi ako sa kanya alam kong may binabalak ito sakin sa mga tinginan nya palang.
Nabalin ang tingin ko pintuan ng silid ko ng may kumatok bago ako tuluyang pumunta sa pintuan ng silid ko ay tinignan mo muna sta sa pwesto nya kanina pero wala na sya.
Binuksan ko na ang pintuan si papa ang bumungad sakin nakangiti ito hindi sya tulad nong unang nakita ko sya at kahapon na sobrang seryoso ang mukha nya.
"Magandang umaga papa" Masiglang pag bati ko sa kanya tumingin muna sya loob ng silid ko bago nag salita.
"Maayos ba ang tulog mo?" Tanong nya sakin.
"Maayus naman po pwede bang ikaw ang kasama ko sa paglilibot?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti bumuntong hininga naman ito.
"Gustuhin ko man pero abala ako ngayon marami akong dapat gawin sinabihan ko si fenris at kiera kanina sila ang kasama mo halika na nakahanda na ang almusal" Aya nya sakin kahit nakaramdam ako ng lungkot ay hindi ko yon pinahalata hindi ito ang oras para mag inarte ako kahit na gusto ko syang makasama sa paglilibot ay hindi pwede nakalimutan ko sya pala ang kasalukuyang hari dito at marami siyang dapat gawin hayts.
Bago ako tuluyang lumabas ng silid ko ay isinarado ko muna ang pintuan ng terrace baka kung sino pa ang pumasok kailangan ko paring mag ingat dito.
Nauna syang nag lakad kaya pinantayan ko sya marami na ang nag kalat na kasama namin yong iba binabati kame.
"Papa iba ang pakiramdam ko kay rollin" Seryoso kong sabi sa kanya.
"Wag kang magtiwala sa kanya kahit anong mangyari iwasan mo sya kong maari mamaya may mga uutosan akong magbabantay sayo lalo na sa silid mo inilipat ko si kiera sa tabi ng silid mo" Seryosong sagot nya sakin nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nalaman ko mas okay na siguro yung ganun para kahit papano kong pag tatangkaan man nya ako ay hindi siya magtatagumpay.
Nang makarating kame sa dining area ay nandoon na silang lahat may mga babae na din nakaupo sa tingin ko ay sila na ang mga pinsan ko.
"Ito ang aking anak si kys gusto kong samaha nyo sya mamaya sa paglilibot at huwag kayong magpapakalayo dahil marami paring nag kalat na kalaban" Paala ng aking ama tumango tango naman sila.
"Buntis ka? Nasaan ang ama ng dinadala mo?" Mataray na tanong ng katabi ni rollin sa tingin ko sya yung tinutukoy ni kiera kahapon.
"Hindi na mahalaga kung nasaan ang ama ng dinadala nya!" Malamig na sagot ni papa sa kanya ngumisi naman sya.
"Yan ba ang papalit sayo isang kaladkaring babae?" Natatawa nyang tanong napakuyom naman ako ng palad ko dahil wala siyang karapatan pagsabihan ng ganyan ang aking ama lalo na nasa harapan nya ako.
"Insultohin muna ako wag mo lang pag salitaan ng ganyan ang aking ama hindi ka man lang marunong gumalang! sa bagay saan pa ba mag mamana ang bungo kundi sa puno nito!" Malamig kong sita sa kanya
"Hindi ka pa rin nagbabago Daciana wala ka ring galang walang silbi ang pag aaral mo kuno sa magandang paaralan kung ganyan naman ang ugali mo" Mataray na sabi sa kanya ng isang babaeng singkit. "Ako nga pala si Ulva wag mong pansinin ang pinsan natin si daciana dahil wala namang ambag yan dito" Nakangiti nyang sabi sakin napangiti na lang din ako sa kanya.
"Sipsip ka parin ulva wala ka din ipinag bago" Pagtataray ni dacaina inirapan nya ito.
"Ako naman si Louve pagpasensyahan muna ang dalawang yan hindi talaga sila magkasundo" Sabi naman ng isang babae na may salamin.
"Ako naman si Tala pwede mo akong maging kaibigan hindi ko kagaya si daciana" Pagpapakilala nya sabay irap kay dacaina.
"Kumain na kayo para makapag libot na kayo" Seryoso naman sabi ni rendall.
"Makakahabol pa naman siguro ako" Nakangiting sabi ni fenris na kakapasok lang.
"Hi fenris long time no see" Malanding sabi ni dacaina pero hindi sya pinansin nito.
"Kamusta mukhang hindi ka puyat ah" Tanong niya sakin ng nakaupo siya sa upon nasa harapan ko napangiti naman ako.
"Kumain ka ng marami dahil marami tayong pupuntahan mamaya" Napatango naman ako.
"May namamatay na sa selos fenris hindi mo pinansin si daciana" Natatawa na sabi ni ulva kaya napatingin kame sa kanya masama ang tingin nito saakin.
"Nawala lang ako ipinag palit muna ako sa babaeng disgrasyada na yan!" Mataray niyang sabi kay fenris.
"DACIANA!!" Tawag sakaya ni papa "Kanina kapa insulto ng insulto sa anak ko baka nakakalimutan mong nasa harapan mo ako pag sabihan mo yang anak mo rollin tatabasan ko yong dila ng babaeng yan!" Galit nyang sabi tsaka nya binalibag ang lamesa.
Wala ng nagtangkang mag salita pa nanatili lang kameng nakayuko tanging mga kubyertos na lang ang naririnig na ingay dito sa loob.
Kumain na lang din ako ng kumain tulad ng sinabi ni fenris ayuko namang magutom sa paglilibot at baka umuwi na agad kame kong mangyayari yon.
Nang matapos na kaming kumain tulad ng sinabi nilang ililibot nila ako ay inilibot talaga nila ako.
"Ang ganda naman dito" Manghang mangha na sabi ko habang nakatingin sa isang asul na talon sobrang linaw ng tubig nito ay mga isdang ibat ibang uri.
"Sa susunod maligo tayo dyan" Masayang sabi ni tala napatango naman ako.
"Doon naman tayo" Turo ni kiera sa mga iba't-ibang bulaklak namamangha ako sa mga nakikita ko ngayon.
"Gusto mo bang pumunta sa bundok?" Tanong sakin ni fenris.
"Hindi na tayo pwedeng pumunta don fenris ang bilin ni panginoong filtiarn ay hanggang dito lang tayo" Seryosong sabi ni kiera nakasimangot na naman ako akala ko may iba pa akong makikita hanggang dito na lang pala kami.
"Sige sa susunod na lang dadalhin kita doon" Nakangiti niyang sabi sa kanya napatango naman ako.
"Ako fenris pwede mo akong dalhin don" Nakangiti naman sabi ni Daciaina.
"Mag pasama ka nalang sa tauhan ni rollin" Malamig niyang sabi dito.
"Bakit kapag sya gusto mong samahan bakit ako hindi nakakaiinis! Hindi ko akalaing nag iba kana ng taste fenris pumapatol kana pala sa kagaya nya!" Muling panlalait nya sakin "Kong sino sino sigurong lalaki ang nakabuntis-----" Hindi ko na sya pinatapus pa sinampal ko na siya kanina pa ako pagtitimpi sa kanya.
"Deserved mo yan daciana" Tumatawa namang sabi ni ulva.
"Napaka kapal naman ng mukha mo para sampalin ako!" Galit niyang sigaw sa akin sasampalin nya din sana ako kaso nahawakan ko yong kamay nya sinampal ko ulit sya mas malakas na!.
"Isa pang insulto sakin hindi lang sampal ang matitkman mong babae ka kanina pa ako nag titimpi sayo!" Malamig kong sabi sa kanya.
"Isang malakas na sampa pal kys para tatlo na" Tumatawa paring sabi ni ulva.
"Sige pag tulong tulungan nyo ako mag pakasaya kayo ngayon dahil balang araw luluhod din kayo sa harapan ko" Sigaw nya samin sinampal naman sya ni ulva.
"Yan para magising ka na sa kahibangan mong mauupo sa trono ang ama mong traydor!" Sabi ni ulva sa kanya sinugod naman sya ni daciana.
"Sipsip ka talaga! bwisit ka!" Sigaw ni dacaina kay ulva inawat na sila ni kiera at fenris pero ayaw nila mag paawat.
Nagulat ako ng biglang hinila ni fenris si daciana napag hiwalay naman silang dalawa pero gusto pa rin nilang sugurin ang isat-isa.
"Mga isip bata parin kayo ! kunting bagay pinag aawayan nyo!" Malamig na sabi ni fenris binitawan niya na si daciana tumingin naman sya sa'min ng masama bago nag lakad paalis.
Dahil sa nangyaring gulo ay napagpasyahan naming ituloy na lang sa ibang araw ang paglilibot namin nandito na ako ngayon sa silid ko nakahiga sa kama dahil nakaramdam din ako ng pagod.
Tulad ng sinabi ni ama kanina ay may mga bantay na ako sa labas ng silid ko si fenris at ang mga kasamahan niya alam kong safe na ako ngayon.
______