Chapter 05

1228 Words
I felt the tightening of his iron-clad muscle beneath his skin as he held me closer. Pakiramdam ko ay para akong pinamulahan ng pisngi. Pagod man at bahagyang pawisan sa aming ginawa, batid kong may lakas pa kami upang ulitin iyon muli. “Naalala mo pa ‘yon? Hmm?” he asked after I told him how he caught my attention the first time I met him. Mag-iisang taon na iyon sa paparating na October. Kahit matagal na ang lumipas, para bang kahapon ko lang natanggap at nabasa ang kaniyang e-mail. I smiled. “Sinong makakalimot doon? Sa lahat ng bagong salta sa section na lumapit sa’kin, ikaw lang ang una’t huling gumawa no’n.” “Really?” Lalong humigpit ang pagkakalingkis niya sa’kin habang nakapalupot sa bedsheet ng malawak niyang kama. “Bakit hindi mo agad sinabi?” “At bakit ko sasabihin? Close ba tayo no’n? Nahihiya ka pa nga sa’kin,” tuloy-tuloy kong sabi. Tumingala ako at nakita ang pagsilay ng kaniyang ngiti. “Sinong mag-aakala na wild pala ang mahiyaing Echo?” “Kung sa’yo lang naman nagkakaganito…” napapaos niyang bulong. “Sa’yo lang naman.” “But come to think of it. Bakit kinailangan mo pa akong i-email para mapansin ka? Busy lang ako no’ng mga panahong iyon pero papansinin din naman kita sa ibang araw.” “Bagong pasok lang ako sa uni. Siyempre, may anxiety.” “Anxiety?” ulit ko. “Yeah. Sa dami ba naman kasi ng hahabulin, alam kong kailangan na kaagad kita lapitan.” “I know it but… hindi mo ba naisip makipagkaibigan sa iba at sa kanila humingi ng tulong? I mean, nakita mo namang busy ako ‘di ba?” “I made friends the first day I came there. Kaso, uh, alam mo na,” tila nag-aalangan niyang sambit. “Anong alam ko na?” “Those girls, Ember. Halatang gusto nila ako.” Napairap ako bigla sa sinabi niya. Oo nga pala, habulin siya. Tandang tanda ko pa rin kung paano kiligin ang mga kaklase ko sa tuwing papasok na siya ng classroom. May times pa nga no’n na ni-ship siya sa tinuturing naming muse, si Threya. Wala pa akong pakialam no’n dahil tanging acad-related works at si Cord lang ang mga nasa isip ko. “Kumusta naman kayo ni Threya ngayon, nag-uusap pa ba kayo?” tanong ko habang nakatitig na sa kisame. Hinahayaan ko lang siyang haplusin ang braso ko habang hinahalik-halikan na niya ang gilid ng aking leeg, “May boyfriend na siya, Em.” “Naghiwalay na raw sila ni Kurt. Hindi mo ba nabalitaan?” He grunted. “I didn’t know. Sa’yo lang ang atensyon ko.” Mula noong magka-boyfriend si Threya, aminadong nawala ang duda ko. Nasa iisang organization pa naman sila ni Echo at magka-tandem pa minsan sa hosting. Everyone sees them nothing but as companions. At ngayong single na nga ulit si Threya, paano kung i-ship na naman sila? Worst is, walang nakakaalam na may something sa amin ni Echo. Sa classroom, hindi kami nag-uusap. Minsan ay nagkakatinginan pero hanggang doon lang. Dadaanan lang namin ang isa’t isa dahil iyon ang usapan. Kaklase din kasi namin si Princess– ang first cousin ni Cord. “Paano kung umamin siya sa’yo one day?” malamig kong tanong. Hindi ko pinahalatang nagsisimula na naman ang pag-aalala ko. Ang hirap talaga `pag guwapo ang ka-fling. Daming kaagaw. He chuckled. BIgla akong nagtaka roon. “Cute naman mag-overthink ng mahal ko…” Tinampal ko ang pawisan niyang braso. “Hindi nakakatuwa Echo!” “Ikaw nga lang. Wala na.” Pigil naman ang ngiti ko ngayon habang nakakulong pa rin sa bisig niya. “Pero paano nga? Paano kung umamin siya? Anong gagawin mo? Anong sasabihin mo?” “I'll tell her the truth, then.” Hindi ako umimik. Hinintay ko lang siyang magsalita hanggang sa maipagpatuloy na niya. “I’ll tell her I’m single, but my heart is taken.” He then kissed the side of my head. Nalunod na lamang ako sa lalim ng re-assurance na binibigay niya at napapikit sa sobrang gaan ng dinudulot nito. *** “Girls! Nasaan si Threya? Nasa hallway na si Echo!” Mula sa pagkakayuko, inangat ko ang tingin sa pinto at sinundan ng atensyon ang tumatakbo kong kaklase. Sa first row ang upuan ni Threya. Bakante pa rin iyon kaya mas mauunang dumating si Echo kaysa sa kaniya. Hindi na nakapagtataka kung bakit na-shi-ship sila sa isa’t isa. Kahit na pangatlong araw pa lang ni Echo bilang isang transferee stutdent, marami na kaagad ang nakapansin na malakas ang chemistry nila. Saksakan sa ganda si Threya at malaki ang potential maging isang beauty queen. Sa postura pa lang, wangis, at hubog ng katawan, sa unang tingin ay batid nang mahirap tapatan. Pero ewan ko ba. Hindi naman ako nag-guwapuhan diyan kay Echo. Siguro dahil kay Cord lang nakatuon ang atensyon ko. Naalala ko tuloy bigla ang e-mail niya. Noong isang gabi ko pa ‘yon nabasa at hindi na nasundan. In-approach naman niya ako kahapon pero ako na mismo ang tumapat na busy pa ako at baka ngayon ko pa masasagot ang mga tanong niya. Sana hindi ko siya na-offend no’n. Ramdam ko pa naman ang hiya niya para lapitan ako at tanungan. Pero ano ba kasing magagawa ko? Sabay-sabay eh. Hindi ko pa siya maisingit sa hectic kong sched. Inuuna ko muna lahat ng malalapit na ang deadline lalo’t panibagong tasks na naman ang ibabato sa’kin ng news club. Parang mga biik na natahimik ang mga kaklase ko. Ang mga lalaki ay walang pakialam dahil may mga sari-sariling mundo. Saktong pagtapak ni Echo sa doorway, kaagad na dumapo ang tingin niya sa’kin, dahilan kung bakit nagtama ang aming mga mata. He’s cute, though. Lalo diyan sa suot niyang orange hoodie. Mukha siyang good boy sa pormang iyan. Tipong inosente tingnan pero alam mong may maibubuga. “Punyemas, nasaan na ba si Threya? Nagpapaganda pa kaya ‘yon?” dinig kong bulong ng isa sa likod ko. Pabulong silang nag-uusap sa takot na baka marinig ni Echo. “Anong nagpapaganda? Wala ‘yon sa vocabulary niya. Maganda na siya.” “Sabagay. Pero bakit wala pa rin siya? `Di ba’t seven lagi ang dating niya? Pasado alas otso na pero wala pa rin siya.” “Papasok ‘yon. Abangan na lang natin.” Natapos ang bulungan nang dumaan na sa gilid namin si Echo. Naputol na ang tinginan namin sa isa’t isa at doon ko na naisipang reply-an ang text niya kanina. Ang consistent niya sa pagtatanong. Halatang pursigido mag-catch-up. Halatang grade conscious. Habang nagsusumigaw sa katahimikan ang buong classroom, yumuko ako at nagtipa ng mensahe para sa transferee student. Ako: Mamaya, free ako. Magpaalam ka na sa girlfriend mo dahil baka matagalan tayo. Wala pang isang minuto, laking gulat ko nang mag-reply agad ito. Pasimple akong sumilip sa likod upang tingnan siya sa upuan niya at nakitang umiling siya nang isang beses. Nahagip na rin ng tingin ko ang mga kaklase kong parang ewan. Kilig na kilig. Ngayon lang ba sila nakakita ng guwapo sa buong buhay nila? Kairita. Jericho: Single ako. Ako: Okay. Baka kasi may magalit. Jericho: Ikaw Pres? Baka may magalit, magpaalam ka na sa boyfriend mo. I rolled my eyes before I began typing my reply. Ako: Yes, I will. Sasabihan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD