Chapter 21

2721 Words

"Bakit isang linggo kang hindi pumasok?" Tanong agad nina Dela ang bumungad sakin pagpasok ko sa trabaho. "Nagpahinga lang ako, break na kami ni Aaron eh." Napasinghap sila sa sinabi ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga gamit ko at hindi na lang nagsalita. "Pinayagan ka ni Sir Shark? Nako, mukhang si Sir Shark talaga ang para sayo ah," sabi naman ni Merina. Hindi na lang ako nagsalita. Apat na araw ko na ring hindi nakikita si Shark. Simula no'ng nagalit ako sa kaniya noong nakaraang linggo hindi na siya nagpakita ulit sa'kin. Apat na gabi na rin akong hindi makatulog dahil sobrang nakokonsensya ako. Wala siyang ginawa kundi pagaanin ang loob ko tapos gano'n pa ang pagtrato ko sa kaniya. Napatingin ako sa cellphone ko, pinalitan ko na ang SIM card na gamit ko para hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD